webnovel

Will you be able to say?Say it. FINALE(Volume 2)

"I lied, i love you so much" Finale.

IKIJIBIKI · Teen
Not enough ratings
7 Chs

CAN YOU SAY IT? 01 :  The Miserable

CAN YOU SAY IT? 01 : 

The Miserable

RAY

WHITE, the color that greets me as I open my eyes. Tila ay ang buong paligid ay nababalutan ng kulay niyebe. Am I dead? Ang taong nasa gilid ko ba ang guardian angel ko na maghahatid sa'kin sa kung saan ako dapat mapunta.

"Sadly no, congratulations for being alive. Kung hindi mo alam, nasa lugar ka na tinatawag nating Ospital kung saan dinadala ang mga taong kailangan ng agarang lunas. Dinala ka dito matapos ka mawalan ng malay noong isang araw."

The guy beside me said, sa tingin ko ay nagha-hallucinate na ako. Dahil ang boses na naririnig ko ay ang nakakairitang boses ni Lloyd. Baka nga malapit na akong mamatay at nagbabalik tanaw na lang ang utak ko.

"Sinabing hindi ka nga patay e, you're lucky hindi tumama sa malaking bato ang ulo mo na katabi mo lang after mo mawalan ng malay. Siguro kung 'don tumama ang ulo mo ay baka wala ka na ngayon dito sa ospital."

"Shut up, Lloyd. Your voice irritates me." saway ko dito.

Ngumiti lang ito saka prenteng umupo sa may tabi ko. First, why is he here? anong ginagawa niya sa lugar na ito?

"I'm glad my voice still irritates you, and you remembered my name. Sabi kasi ng doctor ay baka magkaroon ka ng temporary amnesia ngayong medyo napalakas ang untog mo. Pero mukhang hindi naman nangyari, how lucky of you Raychel." aniya sabay pumalakpak.

Dahan-dahan akong umupo at inalalayan naman niya ako. The great Lloyd Montgomentry is helping me, how nice. Matagal ko ng alam na maaalalahanin din ang taong ito but right now? parang gusto ko na lang na mapasailalim sa pag-aalaga niya.

"My back hurts.." I groaned stretching my back dahilan para tumunong ang mga buto ko sa likod.

"Puwede ka umupo pero bawal ka tumayo at maglakad. Hindi ka pa gaano gumagaling kaya marami ka pang bawal na gawin." aniya saka ako inabutan ng isang buong mansanas.

"Eat up. You were asleep for two days, your empty stomach should be crying for now."

"I want my apple sliced, walang lakas ang panga ko na kagatin iyan." reklamo ko. Kinuha niya ang telepono saka may tinawagan, wala pang ilang minuto ay ibinaba niya rin ito.

"Who's that?" out of curiousity ko na tanong.

"The one who'll slice the apple for you." what? he called someone para lang mahiwa iyon ngayong kayang-kaya niya naman iyon gawin?

"Shall I remind you na ni kahit pag-crack lang ng itlog ay hindi ko ginagawa? I grew up holding a keyboard and a mouse not holding a knife so manahimik ka na lang at maghintay." singit niya. He must have read my mind kaya niya nasabi iyon.

"I don't read minds, Raychel." see?

"Kitang-kita lang kasi sa mukha mo ang lahat ng sinasabi mo. That's why." gusto ko talagang makita kung anong klaseng mukha ang ipinapakita ko ngayon.

"Enough, I want to know what happened."

"You had a very high fever, a very exhausted brain and a heart that is slowly falling apart. Sa sobrang pag-iisip at pag-aalala, ang katawan at isipan mo na ang bumigay. Wala ka naman dapat ipag-alala, maayos ang kambal. 

They're currently on a family vacation, sa lunes pa ang balik nila." my eyes widened. The twins are on a family vacation?

"Yes, they're not allowed to contact anyone outside the family circle that's why you're not receiving any calls or text. Dapat maaga pa lang ay sasabihin ko na ito sa'yo, but I can't leave my mansion to those reapers. Hindi ko sila pinagkakatiwalaan."

I sank my head deeper on the pillow. Bakit ba hindi ko iyon naisip? Because I'm out of my mind, yes. Now I feel guilty for my self.

"Now now, I'm sure na magi-guilty ang dalawang iyon kapag nalaman nila ang nangyari na ito sa'yo. Pare-parehas lang naman kayo." he tske'd three times saka tumayo sa pagkakaupo.

"Where are you going?"

"Chill, pagbubuksan ko lang ang guest natin."

Naglakad ito patungo sa pinto at binuksan iyon. Revealing Ceb na mukhang nagmadali pa na pumunta dito. Don't tell me siya ang tinawagan ni Lloyd para lang mahiwa ang mansanas na 'yon.

"Ray, what happened to you?" bakas ang pag-aalala nitong tanong.

"Long story short, I fell because of high fever." sagot ko sa kaniya. Sinubukan ko muli umupo at siya naman ang tumulong sa'kin, napansin niya yata na nahihirapan ako.

"By the way, how are you? been so while since the last day of your stay. I can't believe our second meeting will be like this." aniya saka napangiti, showing his deep cute dimples.

"Me too.." walang ganang wika ko saka ibinaling ang tingin 'kay Lloyd na tahimik nakikinig sa pinaguusapan namin.

"Oh, right. Ceb can you slice that apple for her? as you can see Raychel here fell asleep for 2 days and she hasn't eaten yet since then." I saw how Ceb's mouth formed an "O" at sa'kin itinuon ang pansin. Hindi naman na ako puwede pa mag-deny.

"Yeah, tama ang sinabi niya." tanging sabi ko para hindi na siya magtanong pa.

Tumabi ito 'kay Lloyd at kinuha ang mansanas saka sinimulan ang pagbabalat at paghiwa 'don gamit ang dala niyang swiss knife.

"Akala ko ba hindi mo pinagkakatiwalaan ang mga reapers?" I asked Lloyd, I saw how his ears moved matapos marinig iyon.

"Sinabi ko nga but Ceb here is not totally a reaper. Temporary lang niyang ginaganapan ang puwesto ni Caleigh, the original one." he said. I looked at Ceb para kumpirmahin kung tama nga ba ang sinasabi ni Lloyd and he slowly nodded.

Out of curiosity again I asked, "Anong.. nangyari 'kay Caleigh?" I can't help myself but to ask.

"He's in a hospital in Korea, after going on a dangerous mission together with Jack. He's badly injured and needs to be confined for a month to heal." ani Ceb habang patuloy lang sa ginagawa. 

Natahimik na lang ako matapos niyang sagutin ang tanong. Napaka-delikado talaga kapag nasa mafia, kahit buhay mo na ang kapalit gagawin po pa 'rin ang lahat para lang matapos ang mission o transaction.

"I wonder... what does it feel to be a mafia member.."

Ceb gave me the small plater of sliced apples at tinago na ang swiss knife na ginamit niya. Ang cute, ginawa niyang pakorteng rabbit 'yon.

"I could say, It's not that bad. But hey, I'm having fun even if I know that my life is always in danger whenever I am. I was able to meet new people that has a talent I haven't seen before. I atleast enjoy my life because of the thrill." aniya, as I look at him. Wala akong nakikitang kahit anong lungkot sa mukha niya. He's smiling very geniuenly.

He's really enjoying his life.

"Ceb, I'm sorry to ask you this but..have you ever killed anyone?" I looked at him, a look that is seeking for answer not wanting to be lied at.

Huminto muna ito ng saglit bago sumandal sa kinauupuan. I know he is that kind of person who will not lie and also not wanted to be lied at. Parehas lang kaming dalawa but the difference is I lied, for my friends sake not for selfishness nor for any bad intentions.

"To tell you the truth, yeah. I already killed someone. But don't get the wrong idea, I did it to save Arthur when we're on a mission somewhere on Russia. If I hadn't killed that day then Arthur shouldn't be alive for now. I just save my comrades' life. Fyi, that was the first time I ever killed someone. Believe me, It felt really horrible. I hadn't blink a single sleep for days because my thought and conscience won't let me and it sucks."

All of us went silent after hearing Ceb's story. He did that just to save Arthur. I admit, Arthur is a very kind, gentle woman. Parehas lang sila ni Ate Naru na may kalmadong atmosphere sa paligid nila dahilan para hindi ito katakutan. I also notice her role as the 13's big sister. Halos ang lahat ay sinusunod ang bawat sabihin niya maliban lang sa mga pasaway kagaya na lang ni Ishtar at Jack na once ko pa lang nakikita at aksidente pa habang sa mansion pa ako tumutuloy.

"Well, whatever happened back then. I can't bring the guy I killed back to life even if I wanted to. Like, he also has a family to protect just like me protecting Arthur. Both of us has our reasons to fight for."

After niya matapos, Lloyd called him off at pinabalik na ito sa mansion. But before he leaved, I quickly apologized for asking him a sensitive question. He simply shaked it off and gave me a smile bago tuluyang maglakad palabas sa kwarto.

"Ceb was like one of the most kindest man out there. And you're the like one of the most Airplane person." wika ni Lloyd saka pabagsak ba umupo, both of his hands inside is lab coat's pocket, legs crossing.

"Airplane?"

"Yes, because you always likes to interfere  a persons life. Like an airplane, always interfering the signal above. Should I start calling you Airplane from now on?"

"No, please. That sounds really horrible coming out from you." pag-awat ko sa kaniya. Baka kasi totohanin niya 'yan kapag hindi ko pa pinigilan ngayon.

♡ ♡ ♡

Three days after, na-discharged ako sa ospital. Araw-araw ako binibisita nila Kuya Ryle at Ate Naru at saka lang bibisita si Lloyd kapag wala na sila. Binisita 'rin ako ni Hyacinth at Mordred at nag-kwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay-bagay.

Sunday ngayon at wala naman masyadong gagawin dahil walang pasok. Nakahilata lang ako habang tinititigan ang puting kisame ng kwarto ko.

"Ray-chan? May dumating na sulat para sa'yo. Galing yata sa kaibigan mo." Agad akong napatayo sa kinahihigaan matapos marinig ang sinabi ni Ate Naru.

She handed me a white envelop na maayos ang pagkakatupi at may maganda pang stamp.

"Thank you Ate Naru," pagpapasalamat ko sa kaniya, she leaved with a smile at dali-dali kong isinara ang pintuan ng kwarto ko.

Sitting in my study table, I observed it for a good second bago ito buksan gamit ang cutter. 

Sa pangalan ko ito naka-adress pero wala man lang pangalan na nakalagay kung saan o kanino ito galing.

Ray, how are you? Sorry kung hindi kami nakapag-paalam na aalis kami ni Kuya Nash. We are also shocked after malaman na may family vacation kami noong araw ng birthday namin. Uuwi na kami bukas and we're excited to see you again. I heard from Lloyd that you've been hospitalized for 3 days because of us. It makes my heart ache after malaman 'yon. Babawi kaming dalawa ni Kuya Nash tomorrow so don't worry. We missed you so much. See you tomorrow.

From: Mushroom Nile (•w•)

I stared at the mail for a good second. They're really coming back tomorrow. Nag-effort pa talaga si Glenn na magsulat dahil bawal nilang gamitin ang mga gadgets nila. I'm very happy.

"They're really coming back.." I mumbled smiling very widely.

Hindi na ako makapag-hintay!

Sa sobrang saya napalabas ako sa kwarto at agad na tinawag si Kaze, tinali ko ito gamit ang whole body leash niya saka nagmamadaling lumabas sa may apartment. Smiling, laughing in full throttle tumakbo kaming dalawa papunta sa park kung saan maraming masasayang ala-ala ang nangyari.

Binitawan ko si Kaze at hinayaan itong mauna tumakbo papunta sa lugar. Slowly entering the place with a bright smile. I can't help myself to be so happy.

Napaupo ako sa kinakalawang na swing, still wearing my smile na hindi na yata mawawala.

"You look so happy. I wonder kung anong dahilan ng pagiging masaya mo, Ray."

Napatigil ako nang marinig ang boses ng taong isang beses ko pa lang nakikita sa buong buhay ko. Looking beside me, there's Hecate who's softly looking at me. Napaka-kalmado ng mga mata niya.

"Aircon.." mahinang tawag ko dito. For the second time today, gulat akong napatingin sa kaniya.

"Long time no see." ngiting bati nito at mahina pang nag-wave ng kamay niya.

Katabi lang namin ang isa't-isa dito sa may lumang swing. Habang nakatingin sa isa't-isa, nakakapagtaka lang dahil nandito siya. Kanina pa ba siya nandito?

"Don't look at me like that. Feeling ko tuloy pinapatay mo na ako ng tingin mo." he lightly chuckled at itinuon ang pansin sa aso ko na nilalaro ang sarili sa may blankong sandbox.

"Nagtataka ka siguro kung bakit ako nandito ngayon 'no? Sa totoo lang ako rin, what am I doing here exactly? Nandito ba ako dahil gusto kita makita o nandito ako dahil hindi ko alam na nandito ako kaya naman inaalam ko."

I keep quiet, kahit kailan talaga hindi ko maintindihan ang ilan sa mga sinasabi ni Aircon gaya na lang ngayon.

"This is very crazy, I mean. Kanina pa ako nagsasalita at wala ka pang ibang sinasabi simula kanina kundi ang pangalan ko. Come on, say something Ray. Hindi ka naman panghabangbuhay natahimik habang wala ako hindi ba?"

"Nagtataka lang ako kung bakit ka nandito. Akala ko kasi hindi ka na magpapakita sa'kin ulit matapos ng nangyari sa rooftop." tahimik na sagot ko saka iniwas ang tingin.

Mahina siyang tumawa, "Me too. Pero pagkatapos 'non parang mas nagustuhan ko na makita ka na."

"Kahit ako rin naman, araw-araw kita gusto makita. But if feels weird seeing you here right now." pag-amin ko. I have this weird feeling dwelling inside me at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito.

"Nasanay ka na siguro na hindi ako nakikita after all matagal-tagal 'din akong hindi nagpakita matapos mo ma-discharged." mahina siya muling natawa dahilan para tignan ko siya.

Napaka-ganda ng features niya kahit saan tignan. Ang medyo may pagka-feminine niyang mukha at mahinhin na boses. Hindi mo aakalain na ganitong tao si Aircon. Malayo siya 'kay Jungkook.

"Nga pala, bakit mo sinabing kamukha mo si Jungkook ngayong ang layo niyo sa isa't-isa. One of my friends perfectly resembles him." ani ko dito.

"Gusto ko kasi na hindi ka ma-disappoint kapag nakita mo na ako. I want you to think that I'm as cool as that guy, that I'm handsome just like him." after saying that, mahina kong sinipa ang paa niya dahilan para mapatingin ito sa'kin.

"You don't need to do that. Kahit na hindi cool ang tingin sa'yo ng iba, para sa'kin isa ka sa pinaka-cool na lalaking nakilala ko. You're a big part of me. You are the one who made this girl beside you, not living her life the fullest but still, she can smile like there's no problem at all. Isn't that great?" ngiti ko itong tinignan matapos sabihin 'yon. I can't believe that Aircon has this side of him, this insecure Aircon.

His eyes slightly widened at kalaunan ay bumalik din ito sa dati. He covered half of his face.

"You really are someone." aniya.

"Of course I am!"

"But.." pagpuputol nito dahilan para mapahinto din ako para hintayin ang sunod niyang sasabihin.

"What will you possibly do if ever na malaman mo na isang malaking kasinungalingan lang ang lahat?"

I literally stopped after hearing his sentence. No, I'm not being paranoid.

"W-what do you mean?" stupid me! don't stutter!

"Well you know, halimbawa na lang. Kung kasinungalingan lang ako. Kung hindi ako ang totoong tao na matagal mo na gustong makita. Kung hindi ako ang taong nakasama mo noon sa maliit na hospital room. Anong gagawin mo?"

A-anong gagawin?

"H-hindi ko alam.. why are you asking me this? wala namang ibig sabihin 'yan diba? nagtatanong ka lang naman diba?" paninigurado ko dito. I'm looking at him with all hope na talagang nagtatanong lang siya.

For the first time, Hecate seriously looked at me in the eyes. Dahilan para atakihin ako ng takot. No, not this.

Tumayo ito sa swing saka umupo sa may harapan ko, still looking at me with those eyes.

"You're so precious Raychel, of course I'm just questioning you. Nothing more, gusto ko lang malaman kung anong gagawin mo kung sakaling totoo nga ang tanong ko."

He put his hand on my cheek habang sinasabi 'yon. Hindi ko kayang iwasan ang hindi pagtingin sa mga mata niya. Para akong kino-control 'non. He stood up and wrapped me in his arms. Of course nagtatanong lang siya, bakit ko ba naisip ang mga masasakit na bagay na 'yon. Hecate is Aircon, nothing more nothing less.

Mabilis akong tumayo sa swing na ikinagulat niya, mahigpit ko siyang niyakap. Burrying my face on his chest to hide my reddening face. I'm scared. Scared of him lying to me. Hindi magagawa ni Aircon na magsinungaling sa'kin. I know that.

"Raychel, what if someone sees us?" using his deep husky voice now. Halos mapatayo ang mga balahibo ko sa katawan.

"I don't care. You scared me, akala ko too na ang iniisip ko na hindi ikaw si Aircon. It can't be, you are Aircon." ani ko.

"Yes, I am Aircon. Sorry kung pinag-alala kita."

"Stupid.." mahina itong tumawa saka bumitaw sa pagkakayakap maging ako.

"Sorry, promise hindi ko na uulitin." Inapakan ko ang paa nito, "Really?"

"Yes," aniya halatang iniinda ang sakit.

"Raychel?" a voice called. Laking gulat ko ng makita si Nine na mukhang kakagaling lang sa pamimili ng groceries. Huli ko siyang nakita noong may ku-mid-napp sa kaniya.

"Nine!" I called his name saka lumapit dito, Hecate following me.

"Long time no see!" bati ko sa kaniya. Mukhang gulat ito ng makita ako kasama si Hecate. Kahit na straight face ito kita pa rin ang slight na paglaki ng mata niya.

"L-long time no see..." he greeted back, stuttering.

"Kamusta?"

"O-okay lang naman..." why does he keep stuttering? at mukhang kinakabahan ito sa pagsagot.

"Nga pala," sabay turo sa katabi kong si Hecate na pikit mata ang ngiti. "Nine, he's Hecate. A friend of mine," I looked at Hecate at itinuro naman si Nine. "Hecate, he's Nine. Also a friend of mine."

Nagkatinginan ang dalawa saka awkward na binati ang isa't-isa.

"Raychel, alam mo ba na babalik na ang kambal bukas?" Nine asked. Nginitian ko ito saka tumango.

"Yeah, nagpadala pa nga ng sulat si Glenn kasi hindi sila pwedeng gumamit ng gadgets. Mukhang kin-onfiscate ang phone nila." ani ko.

"Mahigpit kasing ipinagbabawal ng pamilya nila ang lahit anong makakasagabal sa bonding nila kaya naman. Masaya nga ako dahil makakabalik na sila." he lightly smiled at ibinaling ang tingin kung saan.

"Mukhang maghahanda ka mamayang gabi a," tinignan ko ang dalawang malaking eco bag na dala-dala niya. Napakaraming laman 'non.

He nods, "Well, I'll see you tomorrow." pagpapaalam ko dito.

"See you..." aniya saka pinasadahan akong muli ng ngiti bago tuluyang umalis.

"Well.. saan na nga tayo naputol-"

As I look beside me, wala na 'don si Hecate. I looked around the whole area pero wala na siya. Hindi man lang nagpaalam bago umalis.

I thought to myself, baka may emergency na nangyari kaya siya biglang umalis.

"Hecate.. " I mumbled his name.

I shook my head saka tinawag ang aso ko na tulog na sa may sandbox. Napangiti ako habang dahan-dahan pa itong tumayo at lumakad papalapit sa'kin.

"Come buddy, let's go."

♡