webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urban
Not enough ratings
165 Chs

Sinundo Mo Pa Talaga Ako

Noon pa man ay alam na ni Lin Che na dahil pinagbibidahan ito ni Gu Jingyu, tiyak na magkakaroon ng maraming pagkakataon na sasali ang kanilang cast sa iba't-ibang programa para i-promote ito sa madla bago paman ito ipalabas sa TV. Pero, hindi alam ni Lin Che na magkakaroon din siya ng chance na makasali sa mga ganito. At isa pa, kailangan pang mag-usap ng kanilang crew at ng production team ng TV programs kung sino ang pipiliing makakalahok sa mga programa.

Excited na excited si Lin Che na pinaghandaan ang programang ito.

Pero nang makalabas na siya, nakita niya si Gu Jingze na dumating para sunduin siya.

Habang nasa loob pa ito ng kotse at pinaparada ang sasakyan, nagmamadaling nagpaalam si Lin Che kay Yu Minmin, "Mauuna na ako, Miss Yu."

Tumango naman si Yu Minmin. "Sige. Mauna ka na."

Sinulyapan niya ang mamahaling Porsche. Bahagyang nanliit ang kanyang mata. Taliwas sa kanyang inaasahan ay may relasyon pala itong si Lin Che kay Gu Jingze.

Noong una ay hindi niya masabi kung ano ba talaga ang kagusto-gusto kay Lin Che.

Pero sa loob ng ilang beses na nakasama niya ito, narealize niya na bagama't may pagka-maingay itong si Lin Che, ang totoo ay mabuting tao at totoo naman ito sa sarili.

Sumakay na si Lin Che sa loob ng kotse at tiningnan si Gu Jingze. "Sinundo mo pa talaga ako dito."

"Bawal bang sunduin ng mister ang kanyang misis?" Nilingon lang siya nito at sinagot ng tanong.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Lin Che.

Ngunit, ngumisi naman si Gu Jingze. "Pinapapunta tayo ng aking mga magulang sa mansiyon, kaya pumunta ako dito para sunduin ka."

Sabi na nga ba...

Nahiya naman si Lin Che sa naramdamang kakaiba kanina. Parang gusto niyang sampalin ang sarili nang dalawang beses.

Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa Mansiyon.

Mahigpit pa rin ang security sa may entrance. Pero dahil kasama niya si Gu Jingze, sumignal lamang ang mga ito bago diretsong nagmaneho si Gu Jingze papasok sa kulay bronze na gate.

Nang makapasok na sila sa loob, hindi sumama si Lin Che kay Gu Jingze sa pagpasok. Hinanap niya kaagad si Mu Wanqing.

"Mama, nandito po ako." Sabi niya habang nakangiti.

Nakasunod din naman si Gu Jingze.

Pagkakita palang kay Lin Che ay kaagad na naging masaya si Mu Wanqing. Lumapit ito sa kanya at nagtanong, "Bakit ka nagbawas ng timbang?"

Sumagot si Lin Che, "Hindi ba't mas maganda naman kung medyo payat?"

"Siyempre naman, hindi maganda iyan." Iniangat ni Mu Wanqing ang ulo. "Jingze, bakit mo pinapabayaan si Lin Che?"

Nabigla naman si Gu Jingze. "Kasalanan niya dahil sa pagiging tanga niya. Palagi nalang siyang naghahanap ng problema; kundi siya magkakasakit ay makakaharap naman ng iba't-ibang isyu. Ano naman ang magagawa ko?"

Mu Wanqing: "Pambihira. Magaling ka talagang gumawa ng mga dahilan. Oo nga pala, umuwi nga pala ang iyong kapatid. Nasa loob siya ngayon."

Sinabi naman nito kay Lin Che, "Hindi man lang kayo nagsagawa ng maayos na kasal kaya hindi mo pa nakikilala ang magkakapatid. Sumama ka kay Gu Jingze sa loob."

Eh ayaw din naman niyang mapangasawa itong si Gu Jingze ah.

Habang nakairap kay Gu Jingze, malambing na sumagot siya kay Mu Wanqing, "Mama, gusto pa kitang makasama nang mas matagal."

"Bakit mo naman gustong makasama ang matandang tulad ko? Tingnan mo oh, ang sama ng tingin sa akin ni Gu Jingze. Mas mabuti kung mas maraming oras pa ang gugugulin ninyong dalawa na magkasama. Sige na, pumasok na kayo."

Napatingin na lang si Lin Che kay Gu Jingze at nag-aatubiling naglakad palapit dito.

Kaagad din namang lumapit si Mu Wanqing sa kanila. Nakasunod lang ito sa pagpasok upang hanapin si Gu Jingming.

Nilingon ni Gu Jingze si Lin Che, "Bakit ba kailangan mo pang pilitin para lang sumama ka sa akin?"

Lumingon di naman si Lin Che. "Paano namang naging mapilit ako?"

Mabilis namang hinila ni Gu Jingze ang kamay ni Lin Che. "Kung ganoon, bakit hindi ka makatingin sa akin?"

Dahil sa pagkakahawak nito sa kanyang kamay, biglang nanigas ang buong katawan ni Lin Che. Tiningnan niya ang kamay at dali-daling tinangka na alisin ito. "Ano'ng hindi ako tumitingin sa'yo?"

"Narealize ko na sadyang...nilalayuan mo lang talaga ako. Bakit? Ano ba ang nagawa ko na hindi mo nagustuhan kaya ganito ka nalang kung makaiwas sa akin, ha?"

"Hindi kita iniiwasan, okay?" Wala ng ibang choice si Lin Che kundi ang gantihan din ang titig nito. Pero, hindi niya talaga kayang aminin dito na sa tuwing nakakaharap niya ito ay napupuno ng kakaibang isipin ang kanyang utak. Kaya, lalo niyang ipinilit na makalaya sa pagkakahawak nito at mabilis na naglakad palayo.

"Hoy, ikaw..." Sa likod niya ay nagsimulang mangunot na namam ang noo ni Gu Jingze.

Habang pinagmamasdan ni Mu Wanqing ang dalawa, hindi niya napigilang mapangiti.

Mukhang mas nagkakalapit na nga talaga ang mga ito.

Hindi lang basta respeto ang makikita sa dalawang ito bilang mag-asawa. Sa halip, naglalambingan, nag-aaway nang walang dahilan, at nagbabangayan; ibig sabihin ng mga ito ay lalong gumaganda ang kanilang pagsasama.

Sinundan pa rin ni Lin Che si Gu Jingze papasok sa loob.

Sinabi ni Lin Che, "Ay, akala ko marami ring taong nakasunod dito kay Mr.President."

Nang mga oras na iyon ay seryoso na ang mukha ni Gu Jingze. Tiningnan nito nang masama si Lin Che at sinabi sa walang-interes na tono. "Nasa loob siya ng pamamahay niya. Bakit naman niya kakailanganin ng mga bantay?"

"Yung mga bodyguards mula sa National Security Bureau ba iyon o ano..." Nakikita ito ni Lin Che sa TV noon; talagang nakakatakot ang tindig ng mga taong iyon.

Sumagot si Gu Jingze, "Hindi pa rin sila makakapantay sa sariling security service ng mga Gu. Kaya kapag nandito sila sa bahay ng mga Gu, basically ay hindi naman na sila kailangan pa dito."

"Huh? Ganiyan katindi ang security service ng inyong pamilya?"

Tiningnan ni Gu Jingze si Lin Che na para bang nakatingin ito sa isang ignoranteng nilalang. "Hindi ka ba nanonood ng balita?"

"Siyempre naman nanonood."

"Palibhasa ay walang sinuman ang nangangahas na maglathala ng anumang balita na may kinalaman sa mga Gu. Ganoon pa man, may ilan-ilan pa rin namang mga reports. Malalaman mo ang mga iyan kapag magsearch ka sa internet."

"Ah...tungkol lang kasi sa showbiz ang binabasa ko."

". . ." Hindi makapaniwalang tiningnan lang ni Gu Jingze si Lin Che. "Wala ka talagang magandang ginagawa."

"Bakit? Ibig sabihin lang niyan ay talagang minamahal ko ang pinili kong trabaho. Bilang isang artista, malamang ay kailangan kong pagtuunan ng pansin ang mga nangyayari sa showbiz circle."

Napanganga nalang si Gu Jingze habang tinitingnan ang matigas niyang expression.

Muling nagtanong si Lin Che, "Ano ba kasi ang balitang iyan? Hindi ba pwedeng sabihin mo nalang?"

Nagpakawala ng malalim na hininga si Gu Jingze. "Sa abroad pa sinanay ang buong security team ng Gu Family bago sila pumunta dito. Ang mga bodyguards naman mula sa Bureau ay hindi maikukumpara sa skills nila. Ang bawat isa sa mga guards na naririto ay top-notch snipers, wrestlers, trackers, at anti-tracking personnel. Kung wala silang ganyang mga skills, wala silang chance na makatayo sa loob ng pamamahay na ito."

"Wow, grabe naman pala! Kung ganoon, hindi ba masiyadong mahal ang presyo ng bawat isa?" Talagang interesado si Lin Che sa usapang iyon.

"Hindi naman masiyado. Iyang mga nasa unahan na mga guards ay sumasahod ng 3 million kada buwan."

". . ." Pakiramdam ni Lin Che ay hindi na niya kayang titigan ang mga guards na ito gaya ng dati.

Ibig sabihin ay mayayaman pala ang mga ito.

Hindi napigilan ni Lin Che na muling mapalingon sa mga ito bago tumingin kay Gu Jingze.

Nakatingin lang si Gu Jingze sa mukha nitong uhaw-sa-pera. "Tama na iyan. Bilang asawa ko, ikaw na ang pinakamayamang tao sa mundo."

"Heh! Mukhang pera!" Inirapan niya si Gu Jingze.

Napangiti naman ito sa kanya.

Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa loob.

Bihira lang magsuot ng pambahay si Gu Jingming. Nakaupo ito sa loob habang abala na nakatingin sa mga papeles. Kahit sa bahay ay trabaho pa rin ang iniisip nito.

"Oh kuya, mukhang marami kang oras ah para makauwi ng bahay?" Kaswal lang ang tono ng pagsasalita ni Gu Jingze.

Samantala, bahagyang kinakabahan naman si Lin Che. Hindi niya lubos naisip na isang araw ay makakaharap niya nang ganoon ang Presidente.

Bukod pa doon ay bayaw niya pa man din ito.

Kaagad na napansin siya ni Gu Jingming at ngumiti bago naglakad palapit sa kanya. "Siya na ba ang aking bayaw? Ito ang unang beses ng ating pagkikita. Pasensiya na dahil masiyado akong busy sa lahat ng oras. At isa pa, talagang sinosolo ka lang ni Gu Jingze at bihira ka lang dalhin dito sa bahay."

Malamang ay hindi naman talaga sila totoong nagmamahalan kaya bakit pa siya nito dadalhin dito palagi.

Habang iniisip iyon ay ngumiti si Lin Che at nakipagkamay kay Gu Jingming.

Naisip niya rin na magkaiba ang hitsura nito sa personal at sa TV. Sa TV, hindi ito masiyadong kamukha ng mga kapatid. Pero kung titingnan ito nang malapitan ay malinaw niyang nakikita ang pagkakahawig ng mga ito.