webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urban
Not enough ratings
165 Chs

Sa Unang Pagkakataon Ay Naibalita Siya Sa TV

Kasunod nito, nakita ni Lin Che na siya at si Gu Jingyu na isang sikat na artista ay kapwa naka-follow na sa kani-kanilang Weibo account. Kaagad naman siyang nakaramdam ng kasiyahan dahil doon.

Nang pindutin niya ang Weibo page ni Gu Jingyu, nakita niya na ang fan count nito ay nasa 20 milyon. Kahit mag-post lang ito ng isang tuldok o kuwit, umaabot pa rin ito ng mahigit sampung libong mga komento mula sa mga fans. Talaga nga namang isa itong S-lister na artista.

At nang bumalik na siya sa kanyang sariling Weibo page, may lumabas na isang notification. Sa isang iglap lang ay libo-libo ang mga nagfollow sa kanya. Sa isang tingin ay alam niya na kaagad na ang mga iyon ay nakikiusisa lamang dahil nakita ng mga ito ni nag-follow sa kanya si Gu Jingyu.

Pagkatapos siyang i-follow, nag-iwan pa ang mga ito ng mga comments sa kanyang Weibo page katulad nito: "Isa ka ba sa mga artistang kasama ni Gu Jingyu sa trabaho ngayon? Please, alagaan mo po siya ha. Mahina ang tiyan ng aming Gu Jingyu. Pakitingnan niyo po siya para kumain."

Sa ngayon ay naunawaan na ni Lin Che kung ano ba talaga ang isang top idol...

Napabulalas naman si Lin Che. "Wow. Napakalaki naman ng napakinabangan ko sa pakikipagkasundo sa'yo. Sa maikling panahon lamang ay nakakuha ako ng halos sampung libong mga fans."

Mariin namang tinapik ni Gu Jingyu ang kanyang dibdib. "Yea. Ngayon, alam mo na ang kapakinabangan ng pakikisama sa akin. Sa susunod na mga araw, dapat ay lalo ka pang magmasid sa'kin."

"Oo na, oo na. Lagi naman kitang pinapansin, hindi ba."

Tiningnan siya ni Gu Jingyu. "Tama na 'yan. Alam mo ba kung ano'ng kinain ko kaninang umaga? Ano'ng oras ako pumunta sa bathroom kaninang hapon? Ano'ng kotse ang ginamit ko papunta dito?"

"Uh..." Hindi alam ni Lin Che ang isasagot. "Paano ko naman malalaman ang mga ito? Sinasadya mo lang akong pahirapan, ano?"

Iniangat ni Gu Jingyu ang ulo at itinuro ang mga staff na nasa di-kalayuan mula sa pwesto nila. "Pumili ka ng kahit sino sa kanila at tanungin mo ngayon. Lahat sila ay nakakaalam. Hmph."

Halata namang napahiya si Lin Che dahil sa narinig. Hindi niya kasi talaga alam ang ganoong mga bagay tungkol dito.

Iniabot ni Gu Jingyu ang kamay at hinimas ang ulo ni Lin Che. "Simula ngayon, mas pagtuunan mo pa ito ng pansin, narinig mo ako? Hahayaan lang kita ngayon dahil sa sugat mo."

"Opo... Kamahalang Gu..." Naisip ni Lin Che na pare-parehong mahirap pakisamahan ang mga lalaki mula sa pamilya ng mga Gu.

Hindi nagtagal ay natapos na ni Lin Che ang mga scenes na pwede niyang i-film ngayon. Nang oras na iyon, napakalalim na ng gabi.

Matapos magpaalam sa lahat, umalis na si Lin Che at nakita niya si Lin Li na paalis na rin. Napansin siya nito at mukhang gusto siyang lapitan. Pero, bago pa man ito makalapit sa kanya, nakita nito si Gu Jingyu na naglalakad papunta sa tabi ng wheelchair ni Lin Che.

Napatigil si Lin Li nang makita si Gu Jingyu na nagbukas ng usapan kay Lin Che. Punong-puno ng galit ang kanyang mukha habang mabilis siyang umalis doon.

Habang nakatingin si Lin Che kay Gu Jingyu na sumusunod na naman sa kanya, hindi niya napansin na kakaiba na pala ang mga tingin ng lahat ng nandoon sa kanilang dalawa.

Iniyuko ni Gu Jingyu ang ulo at tiningnan ang kanyang wheelchair. "Uuwi ka na?"

"Oo"

"Ihahatid na kita."

"Ah, hindi na kailangan..."

"Madadaanan ko lang naman iyon. Tara na."

Pagkasabi dito, hindi na hinintay pa ni Gu Jingyu ang sagot ni Lin Che. Pasimpleng itinaas niya lang ang ulo at nag-utos na kunin ang kanyang kotse.

Nang nakalulan na sila sa sasakyan ay noon lamang ito nagtanong kay Lin Che. "Saan ka nakatira?"

". . ." Walang masabi si Lin Che. "Hindi mo nga alam kung saan ako nakatira, pero ang sabi mo madadaanan mo lang ito?"

Napatigil naman si Gu Jingyu. May mga panahon pala na hindi ganoon ka-tanga si Lin Che.

"Ito ang dahilan kung bakit sinabi ko sa'yo na kapag gusto mong pansinin ang isang tao, magiging 'nasa daan' pa rin iyan kahit pa nakatira siya sa kasuluk-sulukan ng mundo. Ang tawag ko dito ay pagpapapansin sa isang tao. Naintindihan mo?" Pagkasabi niya nito ay muli nitong hinimas ang ulo ni Lin Che. "Bilis, sabihin mo na sa akin. Saan ka ba nakatira?"

Wala ng nagawa si Lin Che kundi ang ibigay dito ang kanyang address.

Nang marinig ito ni Gu Jingyu, nagtataka itong nagsalita sa kanya. "Hindi ko inaasahan na nakatira ka pala sa ganoon ka-eksklusibong lugar. Hindi pwedeng pumasok ang ibang sasakyan doon."

Sumagot naman si Lin Che dito. "Ibaba mo nalang ako sa may entrance. Tatawag nalang ako ng magsusundo sa'kin papasok sa loob."

"Okay. May kilala akong nakatira doon, kaya hindi maganda kung papasok pa ako. Ikaw nalang pumasok doon."

Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa entrance. Personal siya nitong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan at sinamahan siya sa paglalakad papunta sa entrance gate bago umalis.

Bahagyang nahihiya si Lin Che habang ikinakaway ang kamay dito bago nagmamadaling pumasok sa loob.

Hindi pa rin umuuwi si Gu Jingze.

Pinalitan na ng kanilang doktor ang kanyang gamot at sinabing mabilis ang paggaling ng kanyang sugat dahil bata pa siya. Nasiyahan namang nakaupo sa isang couch si Lin Che dahil sa kanyang narinig. Maya-maya ay narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone.

Si Yu Minmin ang tumatawag.

Kaagad niya naman itong sinagot. "Miss Yu, ano'ng mayroon?"

Sumagot naman ang kausap mula sa kabilang linya. "Hey, Lin Che. May relasyon ba kayo ni Gu Jingyu?"

"Ano?" Parang nakarinig ng isang kwentong pantasya si Lin Che. "Paanong nangyayari 'yan? No way."

"Sa isang Breaking News ay may nagbalita na ikaw daw at si Gu Jingyu ay kasalukuyang may relasyon. Ano ba talaga ang nangyayari?"

Hindi rin alam ni Lin Che kung ano ang sasabihin.

Pagkatapos ng tawag na iyon, kaagad niyang tiningnan ang balita sa kanyang cellphone. At totoo nga, nasa balita ang pangalan niya.

May mga larawan na magkasama silang dalawa na nag-uusap at habang inihahatid siya nito sa kanyang bahay. Sabi pa ng reporter, siya raw ay isang baguhan lamang sa kanilang team at lagi siyang pinapansin ni Gu Jingyu sa set. Iyon lang ang tama, pero ang iba doon ay puro kathang-isip lamang.

Sinabi din sa report na iyon na pareho silang naka-follow sa isa't-isa sa Weibo, at mukhang madalas ang kanilang pagkikita dahil nga hindi naman basta-bastang nagfa-follow si Gu Jingyu. Sa lahat ng katrabaho nito ay siya lang ang bukod-tanging fina-follow nito. Kahit si Mu Feiran na siyang kapareha nito sa drama ay hindi man lang niya ifinallow.

Dagdag pa dito, sa maraming pagkakataon, ay kinunan sila ng mga larawan ng reporter na iyon habang masaya silang magkausap ni Gu Jingyu sa set at ang paghatid nito sa kanya pauwi.

Habang pinapanood niya ang reporter na iyo na sigurado ang pananalita, hindi talaga siya makaimik sa kanyang kinauupuan.

Napakagaling talaga ng mga reporter na gumawa ng isang kwento mula sa mga larawan. Sa kaunting mga larawan na iyon ay kaya na nilang makabuo ng maraming kwento para sa kanilang reports.

Bagama't alam niya na ang paggawa ng balita tungkol kay Gu Jingyu ay magdadala sa mga ito ng pera, sa tingin niya ay napaka-iresponsable pa rin ng mga ito.

Nagmamadali namang pumunta sa kanilang company si Lin Che. Nang maitulak niya ang kanyang wheelchair papasok, ay siya namang paglabas ni Yu Minmin.

"Sa panahong ito, tiyak na sisikat ka na. Kanina lang ay napakaraming mga reporters ang pumunta dito at hinahanap ka."

"Ganoon ba? Ang nakikita ko lang kasi ay mga taong pinapagalitan ako sa Weibo."

Maraming mga fans ang bumisita sa kanyang Weibo page na umiiyak at nagsisisigaw. Sa loob ng isang gabi ay lumubo ang dami ng kanyang fan count pero ang lahat ng mga iyon ay puro mga haters.

Sa ibaba ng isang post na kagagawa niya palang sa Weibo ay mayroong sampung libong mga komento na kalimitan ay inaaway siya. Ang lahat ng mga ito ay nagsasabing ginagamit niya lang si Gu Jingyu para mapansin.

Pero ang mas ikinalulungkot ni Lin Che ay ang ideyang mula sa simula ay lagi lang siyang nasa ganoong estado.

Tiningnan siya ni Yu Minmin at sinuri muna siya nang ilang sandali bago siya tinanong. "Kung totoo man na may namamagitan sa inyong dalawa ni Gu Jingyu, maaari mo rin namang sabihin sa amin. Hindi ka naman pinagbabawalan ng kompanya na makipagrelasyon."

Kaagad namang nagmakaawa si Lin Che. "Miss Yu, wag mo na itong pansinin please. Totoong wala kaming relasyon. Oo, magkasundo nga kami, pero ang pinag-uusapan lang namin ay tungkol sa drama. Tama sila na hinatid nga niya ako pauwi pero yun ay dahil nakita niya na hindi masyadong mabuti ang kalagayan ng aking paa nang gabing iyon. Nag-follow lang siya sakin sa Weibo dahil hindi sinasadyang nakita niya ako na nagpo-post sa aking Weibo account. Pakiramdam niya daw ay parang nagiging masama siya dahil hindi siya naka-follow sa'kin, kaya ganoon ang nangyari."

Pagkatapos marinig ang kanyang sinabi, naramdaman naman ni Yu Minmin na wala namang hindi-kapani-paniwala sa kanyang mga salita.

Pero matapos ang ilang sandaling pag-aatubili, tiningnan niya muli si Lin Che at tinanong. "So... si Gu Jingyu lang ang nagpapapansin sa'yo?"

"Ano?" nabigla si Lin Che. "Miss Yu, wag ka namang magbibiro ng ganyan sa akin. Imposibleng mangyari iyan."

Pinandilatan naman siya ni Yu Minmin. "Alam mong bihira lang may makasundo si Gu Jingyu sa kasamahan ng parehong production team, lalong-lalo na sa isang babae, di ba?"

"Talaga ba? Pero sa tingin ko naman ay mabait siyang tao at napaka-disente niya. Kapag magkausap kami, talagang tungkol lang sa drama ang topic namin. Paminsan-minsan ay mapupunta kami sa ibang bagay, pero wala talaga akong ibang motibo sa kanya."

Ayaw niyang sabihin dito na may asawa na siya. Bakit naman siya magkakaroon ng ibang motibo sa ibang tao?

Lalo pa at si Gu Jingyu ay kanyang brother-in-law.