55 Kinagat Ang Labi Ni Lin Che

Mabilis na tumutol si Lin Che, "Kailan ba kita ininsulto ha?"

"Nilasing mo ako... Hindi mo ba naisip na napakaswerte mo at nakakatayo ka pa ngayon sa harapan ko?" Itinaas ni Gu Jingze ang kilay.

Alam ni Lin Che kung ano ang ibig nitong sabihin at bahagyang namula ang kanyang pisngi. "Ano... Hindi pa rin natin masasabi kung sino ba talaga ang malas sa ating dalawa! Maayos naman ang buhay ko dati ngunit sa isang iglap ay nawala ang aking kalayaan at naging asawa-sa-papel ng isang nilalang na hindi ko kilala. Bukod pa diyan, kailangan ko pang magtiis araw-araw na makita iyang pagmumukha mo at tiisin ang pabago-bago mong mood!"

Bumagsak ang mukha ni Gu Jingze sa narinig.

So, ito pa pala ang biktima ngayon.

Kaagad siyang tumayo at ilang hakbang na lumapit kay Lin Che. Nilibot nito ng tingin ang mukha ni Lin Che at dumako sa may panga nito. Hinawakan niya iyon at nagtanong, "Ano'ng sinabi mo?"

Naghalo ang malamig nitong hininga at pabangong gamit. Nakaramdam ng kaunting takot si Lin Che. Habang nararamdaman ang init sa kamay nito ay tiningnan niya ang mukha nitong mukha nitong hindi mabasa ang ekspresyon. Habang naninigas na nakatitig dito ay napansin niyang napakalapit ng labi nito sa kanyang mukha. Kunting galaw niya lang ay magdidikit na ang mga labi nila.

Mabilis na inalis niya ang kamay nito, "Layuan mo nga ako. Napakalapit mo sa akin. Masiyadong mainit!"

Nag-iinit ang kanyang mukha dahil sa haplos nito. Hindi na niya kaya pang tiisin iyon. Kaya, tinapakan niya ang paa nito, lumusot mula sa tagiliran nito at walang lingon-lingon na tumakbo palabas.

"Aray ko..." Nabigla sa sakit si Gu Jingze.

Nakakainis na Lin Che...parang ginamit nito ang lahat ng kanyang lakas.

Nakasimangot na nagsalita si Gu Jingze, "Magaling, Lin Che. Dahil nakuha mo na ang iyong gusto mula sa akin, ganito ang igaganti mo sa akin?"

Nagkunwari lang si Lin Che na walang narinig. Tumakbo na siya papasok sa kwarto at pabagsak na isinara ang pinto.

Malalim ang kanyang hinga at tinapik-tapik ang kanyang dibdib.

Pinaglalaruan na naman siya ng lalaking iyon!

Hindi pa siya nagiging mahinahon nang marinig niya ang boses ni Gu Jingze mula sa labas.

May mga gagawin pa sana si Gu Jingze pero dahil sa sagutang nangyari sa pagitan nila ni Lin Che, hindi rin siya matahimik. Sinundan niya ito papunta sa kwarto.

Tumanggi si Lin Che na papasukin siya sa loob. Habang nakasandal sa pinto, ini-lock ito at sinabi sa kanya, "Sa ibang kwarto ka matulog!"

Nang marinig ang sinabi nito, malungkot na sumagot si Gu Jingze, "Bakit kailangan kong matulog sa ibang kwarto?"

"Hindi naman ito ang first time mong matutulog sa labas, hindi ba? Isa pa, pagod na pagod ako kaya ayokong maistorbo."

Nasasanay na siya dito.

Sumagot si Gu Jingze, "Kwarto ko rin iyan. Matutulog ako diyan kung kailan ko gusto. Buksan mo na ang pinto!"

"Ayoko. May kasalanan ako sa'yo. Hindi ko alam kung ano'ng balak mong gawin sa akin." Gumagawa pa rin si Lin Che ng dahilan para hindi ito papasukin.

"Mas lalo mo lang akong ginagalit sa ginagawa mo."

"At dahil nagagalit ka na, wala na akong pakialam kung mas magalit ka pa lalo."

"Okay, Lin Che. Kung ganoon, hindi ka ba natatakot na baka maghiganti ako sa'yo? Gusto mo ba na hindi ipalabas ang iyong teleserye at matanggal sa inyong kompanya..."

"Ano?!" Nag-panic si Lin Che. "Gu Jingze, hindi naman na yata resonable iyang binabalak mo. Hindi ba't nagkasundo tayo na hindi tayo makikialam sa kanya-kanya nating trabaho?"

"Mas marami na akong ginawang hindi resonable kaysa dito. Baka nakakalimutan mong isa akong kapitalista."

Nag-isip-isip si Lin Che at dahan-dahang binuksan ang pinto.

Ngunit hindi niya inaasahan na bigla nitong itutulak ang pinto. Napaatras si Lin Che at nagulat. Tiningnan siya ni Gu Jingze at mabilis na inabot ang kanyang baywang. Halos matumba siya sa bilis ng pagkakahablot nito sa kanya.

Nagpakawala si Lin Che ng kaunting pagtutol at narealize na magkadikit na pala ang kanilang mga mukha. Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi habang nakatitig sa manipis nitong labi. Nanuyo ang kanyang lalamunan at walang lumalabas na kahit anong salita mula doon.

Nataranta siya at pilit na itinulak palayo si Gu Jingze. Sumimangot si Gu Jingze at kaagad ding inabot muli ang kanyang baywang.

Tinitigan ni Gu Jingze ang mata ni Lin Che habang patuloy itong iniiwas ang tingin sa kanya. Lalo lang siyang nainis at hinila palapit si Lin Che, "Lin Che, ano'ng ginagawa mo? Pakiramdam ko talaga ay iniiwasan mo ako nitong mga nakaraang araw."

Nabigla si Lin Che.

Napansin na nito?

"Ha... hindi kita iniiwasan," pinipilit niya pa ring makawala sa pagkakahawak nito.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Gu Jingze, "Hindi mo ako iniiwasan? So, bakit hindi ka makatitig sa akin at pinipilit mo pa akong palayuin?"

Humarap sa kanya si Lin Che, "Hindi ah! Masiyado kang nag-iisip ng kung ano-ano!"

Hinila niya ito palapit pa sa kanya, ang kanyang mga daliri ay nakahawak sa pisngi ni LIn Che at pinipilit itong tumingin sa kanya.

"Kung ganoon, titigan mo ako sa mata at sabihin mo sa'kin na hindi mo ako iniiwasan."

Inangat ni Lin che ang ulo at tinitigan siya sa mata. Bahagyang gumalaw ang bibig nito ngunit hindi ito nagsalita.

Ang totoong dahilan kung bakit iniiwasan niya ito ay dahil sa tuwing nakikita niya ito, bigla nalang nag-iinit ang kanyang katawan.

Dali-dali siyang sumagot, "Hindi nga talaga kita iniiwasan. Kaya pakawalan mo na ako." Buong lakas na tinanggal niya ang kamay nito.

Ngunit mas lalo lang naging matigas si Gu Jingze. Habang tinitingnan niya si Lin Che na papalayo, sinundan niya ito at nilapitan. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Lin Che?"

"Ano'ng ibig mong sabihin na nangyayari sa akin? Wala naman akong problema ah. Masiyado lang talaga akong busy ngayon."

"so bakit mo ako sinarhan ng pinto?" Hindi pa rin naniniwala si Gu Jingze.

"Dahil... hindi ako komportable na matulog katabi mo. Isa pa, hindi din naman tunay ang kasal natin. Kung may magtatanong man, pwede nating sabihin na tapos na ang ating honeymoon period at pareho tayong busy. Kaya paminsan-minsan ay naghihiwalay tayong matulog. Wala naman sigurong masama doon!"

"Lin Che..." medyo nakaramdam ng hindi maganda si Gu Jingze. "Iniiwasan mo ba ako dahil may iba ka ng nagugustuhan?"

Dahil kung hindi, hindi talaga ito maintindihan ni Gu Jingze.

Napahinto si Lin Che.

Kahit siya ay hindi nakaisip ng ganyang dahilan.

Pero dahil ito ang nagbukas ng ganoong usapan, nakisabay nalang din siya. "Hindi naman sa mayroon na akong ibang nagugustuhan, pero hindi magtatagal ay magkakaroon din ako ng boyfriend. Kaya mas mabuti kung magiging handa na ako ngayon pa lang para hindi naman masayang ang aking kabataan."

Naisip din niya na panahon na para maghanap siya ng boyfriend. Habang lumalaki siya ay wala pa siyang ibang lalaki na natitipuhan maliban kay Qin Qing.

Kaya kapag nakatingin siya kay Gu Jingze, para siyang nakikiliti.

Marahil ay hindi niya lang makontrol ang mga hormones sa kanyang katawan kaya para siyang nagiging baliw sa isang lalaki.

Nagtagpo ang mga kilay ni Gu Jingze at may kung anong liwanag na pumasok sa kanyang mata nang mapansin niyang gumalaw ang labi ni Lin Che. Parang may naisip siya bigla.

Mabilis na lumapit siya kay Lin Che.

Ang isa niyang kamay ay ipinatong niya sa balikat nito habang ang isa naman ay nakahawak sa likod ng ulo ng LIn Che. Inabot at kinagat niya ang mapulang labi ni Lin Che.

Marahang iwinalis niya ang dila sa labi nito at wala sa sariling ipinasok ito sa loob ng bibig nito.

Nabigla naman si Lin Che. Naramdaman niya ang mainit at malikot nitong dila na sumasakop sa kanyang bibig. Ilang sandali siyang hindi nakakibo.

Halos higupin na ni Gu Jingze ang buo niyang pagkatao habang patuloy na nilalaro ang kanyang dila at dinala sa sarili nitong bibig. Hindi nagtagal ay tuluyan nang nagsara ang kanilang mga labi.

avataravatar
Next chapter