webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urban
Not enough ratings
165 Chs

Kapag Nagseselos Ang Isang Lalaki

Napatingala si Lin Che at sinabing, "Imposible. Magiging bayaw ko na si Qin Qing; walang namamagitan sa aming dalawa."

"Seryoso ka? Sila pa rin hanggang ngayon?"

"Ikakasal na sila. Hindi ka talaga nakikinig ng balita tungkol dito sa atin. Maraming beses na itong ibinalita," hindi pa rin siya komportable kapag naiisip iyon.

Ganoon pa man, pinakamagaling na manggagamot ang panahon. Kapag naiisip niya ito ngayon ay hindi na siya gaanong nasasaktan gaya ng dati.

"Hindi ka ba nagsisisi? Hindi mo pa rin nasasabi sa kanya ang nararamdaman mo hanggang ngayon? Mas mabuti kung malaman niya ito, kahit ano pa man ang maging resulta…" sabi ni Shen Youran.

"Tama na, Youran. Minsan, isang napakagandang bagay ang pagsisisi," tinapik niya si Shen Youran at ngumiti.

Naalala niya si Gu Jingze. Naalala niya ang sinabi nito sa kanya.

Kung gugustuhin niya, tutulungin siya nito na magkatuluyan sila ni Qin Qing.

Hindi na masiyadong mahalaga sa kanya ngayon ang magustuhan din siya ni Qin Qing. Ang kanyang career ang mahalaga sa buhay niya ngayon. Ang tanging gusto niya ay ang mas lalong gumaling sa kanyang karera.

Si Mu Feiran ang kanyang role model.

Huminga nang malalim si Shen Youran at niyakap siya. Para silang magkumpare na nagtatagay.

"Cheers."

"Tama. Mas mabuti pang iinom nalang ito ngayon!"

"Tara, tara! Kung sino ang unang malalasing ay siyang magbabayad ng bills!"

"Tanga ka ba? Paano naman makapagbabayad ang isang lasing kung hindi na nga niya alam kung nasaan na napunta ang kanyang wallet?"

Patuloy lang sila sa paglalasing nang may biglang isang lalaking lumapit sa kanila.

"Hi! Mukhang hindi kayo nag-eenjoy na kayong dalawa lang dito! Marami kaming magkakasama doon oh. Halikayo, samahan niyo kaming mag-enjoy."

Medyo nahihilo na si Shen Youran. Niyugyog niya ang hawak na bote ng alak at sinabing, "Sino bang gustong makipag-inom sa mababahong amoy na mga lalaki? Walang kwenta ang lahat ng lalaki sa mundo!"

Mabilis na sumang-ayon si Lin Che. "Tama, tama. Mga walang kwenta. Mga sakit sa ulo."

Lalo na si Gu Jingze. Malaking sakit sa ulo. Nakikipaglampungan ito kay Mo Huiling tapos gusto pa nitong manggulo sa kanya.

Mas lalo namang ginanahan ang lalaki. Lumapit pa ito sa kanila at sinabing, "Magandang dilag, nagkakamali ka. Kung totoong masasama ang mga lalaki, bakit naman naiinlove sa kanila ang mga babae? Hindi ba't ganyan naman ang gusto ninyo sa amin? Ganito kami kasi ganito ang gusto ninyo sa amin."

Hinawakan nito si Shen Youran at pilit na isinasama si Lin Che. "Halina kayo, magsaya tayo doon!"

"Bitiwan mo ako. Bitiwan mo ako kung ayaw mong sipain ko iyang ano mo!"

"Naku, kung sisipain mo sila, paano naman tayo makakapag-enjoy mamaya?" Malakas ang lalaki.

Galit na nagpumiglas si Shen Youran. Lumapit naman si Lin Che at hinarang ang lalaki. "Lubayan mo nga kami kung ayaw mong masaktan!"

Galit na si Lin Che kaya sinampal nya ang mukha ng lalaki. "Hindi ka ba marunong mahiya? Ayaw niyang sumama sa'yo! Bakit pinipilit mo pa rin siya?!"

Nagulat ang lalaki. Galit na nagmura ito at naghanda ng umambang ng suntok kay Lin Che.

Pero sa eksaktong oras na iyon…

z

May kamay na biglang sumulpot sa mukha ni Lin Che.

Napatigil siya. Nang tingnan niya kung sino iyon, hindi siya makapaniwala na si Chen Yucheng ang taong iyon.

Nagpanic ang lalaki. Kinuha ni Chen Yucheng ang braso ng lalaki gamit ang isang kamay at hinablot naman ang balikat nito sa kabilang kamay. Sa isang mabilis na suntok ay bumagsak ang katawan nito sa sahig. Namilipit ito sa sobrang sakit.

"Umalis ka na dito! Kapag nakita pa kitang muli sa lugar na ito, may kalalagyan ka na sa akin!"

Nahihilong pinagmasdan ni Shen Youran ang lalaking dumating, "Wow, isang gwapong tagapagligtas…"

Habang nagsasalita ay walang kimi itong lumapit kay Chen Yucheng at hinawakan ang dibdib nito.

Hinila ni Lin Che ang lasing nang si Shen Youran. Hindi pa rin ito nagbabago. Mas madali pa rin itong malasing kaysa sa kanya. Nakakailang shot pa lang sila pero wala na agad ito sa sarili dahil sa kalasingan.

"Pasensya ka na, Dr. Chen. Kaibigan ko nga pala siya at mukhang lasing na…"

Pinagmasdan lang ni Chen Yucheng si Lin Che na sinusubukang patayuin ang lasing na kaibigan. Maya-maya lang ay hinila niya si Shen Youran at sinabing, "Ako na ang bahala sa kanya, Madam. Umuwi ka na po dahil nababaliw na ang iyong asawa sa inyong bahay."

Nababaliw na si Gu Jingze?

Sumimangot si Lin Che nang marinig ang pangalan na iyon, "Sino ba kasi ang nagsabi sa kanya na maging demanding? Kahit ang makipagkita sa kaibigan ko ay pagbabawalan pa niya."

Sumagot si Chen Yucheng, "Nag-aalala lang po siya sa inyo."

"Imposible. Ang sabihin mo demanding lang talaga siya!"

"Eh kasi naman po, hindi ninyo siya sinipot. Madam Gu, si Gu Jingze po ang asawa ninyo. Kahit sino pa ang tanungin ninyo sa buong B District, kahit isa ay wala pa pong may nan-indyan kay Gu Jingze."

Pinag-isipan ni Lin Che ang sinabi nito. Napagtanto niya na gusto lang siyang pauwiin ni Gu Jingze para macheck ang kanyang mga sugat. Marahil nga ay hindi niya nagustuhan ang tono ng pagsasalita nito, pero maganda naman ang motibo nito.

Lumambot ang kanyang puso. Tiningnan niya si Chen Yucheng at sinabing, "Pwede naman kasing magdahan-dahan siya sa pagsasalita… Pero…" Naging maamo ang kanyang mga mata sa harap nito. "Ako pa lang ba talaga ang gumawa nito sa kanya?"

"Hmm, sa totoo lang ay hindi naman talaga ikaw ang pinakauna," sagot nito.

"Kung ganoon… ano'ng nangyari doon sa taong iyon?"

"Bigla lang siyang nawala sa B District. Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari sa kanya pagkatapos noon."

". . ."

Grabe naman.

Nagpatuloy pa si Chen Yucheng, "Nagkulong siya sa gym at ilang araw na hindi lumabas. Iyan ang dahilan kung bakit nagmamadali akong pumunta dito para hanapin ka, at pauwiin ka hangga't maaga pa."

"Ah… iuwi na muna natin siya."

"Okay lang iyan. Ako na ang bahala sa babaeng ito at pwede ka ng mauna sa pag-uwi."

"Oh, okay sige. Shen Youran ang pangalan niya. Nakatira siya sa Golden Garden Estate kasama ng mga magulang niya. Hindi siya maaaring hindi umuwi ngayon. Please, pakihatid na muna siya sa kanila."

Alam niyang mapagkakatiwalaan niya ang doktor ni Gu Jingze. Kaya nagmadali na siyang umuwi at tuluyan ng iniwan doon si Shen Youran.

Walang kalam-alam si Shen Youran sa nangyayari. Nang tumingala ito ay nakita ang isang lalaki na katabi niya. "Hi, pogi. Okay naman ang itsura mo. Magkano ba ang isang gabi mo? Iyon nga lang wala akong dalang pera ngayon… Iwan mo na lang ako dito…"

Ano ba ang tingin nito sa kanya…

Ano'ng uri ng mga tao ba ang mga kaibigan ni Lin Che?

Sa bahay ni Gu Jingze…

Nang pumasok si Lin Che ay agad siyang nilapitan ng katulong. "Madam, mabuti naman po at nakauwi ka na. Nasa gym po si Sir at hindi pa po siya lumalabas."

Naisip ni Lin Che, 'Bakit naman nagkakaganito ang lalaking ito? Hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kanya? Napakasimpleng dahilan lang naman iyon.'

At isa pa, ipinaliwanag naman niya dito ang kanyang dahilan.

Isang taon niyang hindi nakita si Shen Youran. Masama bang sunduin niya ang kaibigan mula sa airport?

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip sa loob. Walang suot sa pang-itaas si Gu Jingze habang nag-eehersisyo at tanging shorts lang ang suot nito. Tumatagaktak ang pawis nito sa kanyang likod. Napakakisig ng katawan at para itong isang buhay na estatwa. Napakahirap na hindi pansinin ang ganoong tanawin.

Napakagandang lalaki…

HInay-hinay niyang isinara ang pinto pero lumikha pa rin iyon ng ingay, dahilan para mabigla si Gu Jingze mula sa loob.

Napansin agad nito si Lin Che na nasa pintuan. Nagtagpo ang mga kilay nito at masama ang tinging tumitig sa kanya. Napakalamig ng mukha nito na nagdudulot ng kaba sa kanya.

"Sinong nagsabi sa'yo na pwede kang pumasok dito?" Ibinaba ni Gu Jingze ang hawak na makina ng Pec-Deck at tumayo. Malamig pa rin ang tingin niya kay Lin Che.

Pagkatapos nitong magpakasaya kasama ng lalaki nito ay may gana pa itong magpakita sa kanya?

Nakakawalang-gana ang ugaling ganito ng babaeng ito…

Ano ba ang tingin nito sa kanya? Sa palagay ba nito ay siya ang uri ng lalaki na uuwian lang nito kung kailan nito gusto?