webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urban
Not enough ratings
165 Chs

Hindi Kita Hahayaang Mamatay

Sinulyapan lang siya sa gilid ni Gu Jingze bago muling ibinalik ang atensiyon sa harap ng sasakyan.

"Titulo ng lupa at ari-arian. May problema ba?"

"Ang bait-bait talaga ng pamilya mo!" Bulalas ni Lin Che.

"Bilang bahagi na ng pamilya, deserve mo talaga 'yan." Sagot ni Gu Jingze.

"So sa'kin na talaga ang mga 'to?"

"Oo naman. Sayong-sayo na ang mga iyan."

Muling tiningnan ni Lin Che ang mga titulo bago iniangat ang kanyang ulo. "Masyadong mahalaga ang mga ito. Paano ko naman ito matatanggap?"

"Tanggapin mo nalang. 'Yan naman talaga ang dapat matanggap ng isang Young Madam ng mga Gu, at ikaw nga ay isa ng Young Madam ng pamilya. Kaya, hindi mo na kailangan pang mahiya."

Nakuha naman ni Lin Che ang gusto nitong sabihin. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang mga titulong iyon nang nakangiti. "Mukhang may mapapala naman pala ako sa pagtitiis ko diyan sa ugali mo."

Tiningnan siya nito at nagsalita. "Mukhang-pera."

Maganda ang mood ni Lin Che ngayon kaya't hindi na niya pinansin pa ang sinabi nito. Nilingon niya ito. "Dahil kung hindi, ano pa ba ang silbi ng kasal na 'to? Dalawa lang naman 'yan eh: pagmamahal o pera. Siyempre, hindi naman tayo nagpakasal dahil nagmamahalan tayo, kaya mas mahalaga talaga ang pera sa'kin."

Walang ibang masabi si Gu Jingze kundi napailing na lang sa gilid. Pinagmasdan niya ang mukha nitong nakangiti na halos mahihiwa na ang mga mata. Bahagya ring naging bilog ang mapulang pisngi nito at hindi niya maiwasang aminin sa sarili na napaka-cute nitong tingnan.

Nagtagal pa ang kanyang pagtitig dito bago lumingon sa kabila. Pero sa sandaling ito ay bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag si Mo Huiling.

Ngunit bago niya ito sagutin, tiningnan niya muna si Lin Che. Nang mapansin niyang abala pa rin ito sa pagsusuri ng mga titulo, pinindot na niya ang kanyang cellphone.

Mahina lamang ang boses niya nang sagutin ang tawag.

"What's up?"

"Jingze, nangako ka sa'kin na sasamahan mo akong ipagdiwang ang kaarawan ko mamayang gabi. Tumawag ako para tanungin ka kung saang restaurant tayo pupunta. Ano'ng gusto mong kainin?"

"It's your birthday. Ikaw na bahala." Sagot niya.

"Okay, sige. So, magpapa-reserve na ako sa isang Western Restaurant na madalas nating puntahan."

"Okay."

"Jingze, may sakit ka ba? Bakit ang hina ng boses mo?" Nagtatakang tanong ni Mo Huiling.

Muling nilingon ni Gu JIngze ang kanyang katabi. Nang makita niya na itinaas nito ang ulo at tumingin sa kanya, bahagya siyang nakaramdam ng guilt. Kaya, sinabi niya kay Mo Huiling, "Wala 'to. Nasa loob ako ng sasakyan. Mag-usap na lang ulit tayo pag makarating na ako sa bahay. Tawagan mo na lang ako kung nakapagpa-reserve ka na."

"Oh, sige." At pinatay na ni Mo Huiling ang tawag.

Ibinaba kaagad ni Gu Jingze ang kanyang cellphone at nagtanong. "Anong tinitingnan mo?"

Narinig ni Lin Che na kausap nito si Mo Huiling. Pero, nagkunwari lang siya na walang pakialam at ikinibit ang mga balikat. "Wala naman. Tayo lang ang nandito sa loob ng kotse kaya, sino pa ba'ng titingnan ko maliban sa'yo?"

Pagkasabi niya dito, iniyuko niya ulit ang ulo at nagsimula na namang haplusin ang mga titulong kanina pa niya hawak-hawak. Nagmumukha na siyang 'mukhang-pera' dahil sa ginagawa.

Huminga naman nang malalim si Gu Jingze bago inilayo ang tingin sa kanya.

Sa isip ni Lin Che ay 'wag mo nang isipin 'yon. Hindi naman talaga totoo 'tong kasal na ito. Wala na sakin 'yon kung may kinakatagpo man itong ibang babae.'

Mas mahalaga pa rin sa kanya ang kayamanang nasa kamay niya.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na sila sa kanilang bahay.

Subalit, paliko pa lamang ang kanilang sinasakyan nang may biglang bumangga sa kanila na isa pang kotse.

Sa isang iglap ay naipit ang kanilang kotse sa isang gilid at mabilis na nagsilabasan ang mga usok mula dito.

Nagmamadali namang lumapit ang ilang mga kotse na nakasunod sa kanila. Pagbukas nila sa pinto ng sasakyan, nakita ng lahat si Gu Jingze at Lin Che na mahigpit na magkayakap sa loob...

Nang matapos na ang aksidenteng iyon, hindi kaagad napansin ni Lin Che kung ano ang nangyari. Naintindihan niya lang ang lahat nang magising siya na naninigas ang kanyang katawan habang nakahiga sa loob...

Pero, hindi na mahitsura pa ang loob ng kotse. Hindi maipinta ang mukha ni Gu Jingze at malamig ang ekspresyon nito. Hindi mapakali ang mga tingin dito bago tuluyang titigan si Lin Che.

Kaagad naman itong nagtanong, "Kumusta? Ano'ng nararamdaman mo? Gu Jingze, okay ka lang ba?"

Ang kabilang bahagi ng kotse ay bumagsak sa likod nito kaya't takot na takot talaga si Lin Che.

Pero nakatingin lang si Gu Jingze sa namumutla niyang mukha. Maya-maya ay mayroon itong naalala at mabilis na itinaas ang mga kamay ni Lin Che.

Sa may bandang hita nito ay may malaking sugat na halos hindi niya na masabi kung alin ang laman o ang dugo sa mga ito.

Kaagad nagdilim ang mukha ni Gu Jingze.

"Lahat kayo... tumabi kayo diyan! Nasugatan ang Madam." May pagkapurol at paos ang boses ni Gu Jingze habang sinasabi iyon. Hindi na siya naghintay pa na kumilos ang mga ito, at mabilis na hinila niya ang mga kamay ni Lin Che at binuhat palabas mula sa ilalim ng kotse.

Bago pa man tuluyang bumangga ang kotseng iyon kanina, kaagad nakakilos si Lin Che at niyakap si Gu Jingze.

Kung hindi dahil sa kanya, siguradong si Gu Jingze ang nagtamo ng sugat na iyon ngayon.

Hindi pa masyadong makagalaw si Lin Che nang buhatin siya nito palabas. Ngunit hindi din nagtagal ay naramdaman na niya ang hapdi ng kanyang sugat sa binti.

Nagulat naman ang mga tao na nasa labas sa kanilang nakita. Nang makita nila si Gu Jingze na nagmamadali habang binubuhat si Lin Che papasok sa isang kotse ay mabilis din silang sumunod sa likod nito papuntang hospital.

SA HOSPITAL.

Maraming dugo ang nawala kay Lin Che kaya sobrang nanghihina ang kanyang katawan. Tiningnan niya si Gu Jingze na nakaupo doon habang hawak ang kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya ay biglang nawala ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa init na nagmumula sa mga kamay nito.

Ngunit nang iniyuko niya ang kanyang ulo, nakita niya na punong-puno ng dugo ang suot nitong puting Tshirt.

Parang gusto niyang matawa dahil doon. Tiningnan niya ang malamig nitong mukha at tinanong ito. "Gu JIngze, hindi pa ba ako mamamatay ngayon?"

Napahinto naman si Gu Jingze. Napakunot din ang mukha nito. Tiningnan siya nito nang malalim ngunit hindi naman nagagalit. "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ka mamamatay."

"Pero maraming dugo na ang nawala sa'kin." Sagot niya.

"Ginagamot ka na ng doctor. Maraming dugo ang nawala sa'yo dahil nahiwa ang isang pangunahing arterya sa iyong hita."

"Ah, pangunahing arterya... parang nakakatakot pakinggan. Sabihin mo sa'kin. 'Pag namatay ba ako ngayon, lalaya ka na ba kaagad at pupuntahan si Mo Huiling?"

Tiningnan naman siya nito nang masama. Nakakunot ang noo nito at mahahalata ang inis sa kanyang boses. "Tumigil ka nga. Hindi kita hahayaang mamatay." Nang marinig niya ang pangalang 'Mo Huiling', medyo nawalan siya ng gana. Parang ayaw niya na munang marinig ang pangalan nito.

Kung hindi ito tumawag sa kanya, edi sana hindi siya madi-distract at napansin niya sana kaagad ang problema sa paligid nila kanina.

Sumagot naman si Lin Che dito. "Talaga? Pero, bakit ang sakit-sakit..."

Tiningnan ni Gu Jingze ang nakalukot nitong mukha. Ang putla ng mukha nito na parang isang papel at bahagyang nanginginig ang maliit at nanghihina nitong labi. Parang kinukurot ang kanyang puso habang pinagmamasdan ito.

Inangat niya ang kanyang ulo, "Hindi niyo ba siya narinig? Ang sabi ng Madam, sumasakit daw ang sugat niya. Tawagin mo ang doktor para gamutin siya kaagad!"

Kanina pa nakasunod sa kanya si Qin Hao. Kaya nang makita nito ang sobrang pag-aalala sa laging-malamig niyang mukha, mabilis itong tumalima para pagsabihan ang mga tauhan na bilisad ang kanilang paglalakad.

Hindi naman inalis ni Gu Jingze ang tingin kay Lin Che. Nang mapansin niya itong tumalikod na parang ayaw ipakitang nasasaktan siya, lalo lang siyang nataranta. Hinawakan niya ang mukha nito at iniharap sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi nito at mariin ang titig dito. "Tumingin ka lang sa'kin. Wag kang mag-isip ng kahit ano."

"Mkay..." halos pabulong niyang sagot. Pero hindi niya pa rin kayang itago ang sakit...

Napatingin naman si Gu Jingze sa labi nito. Dahil sa sobra-sobrang dugo na nawala sa kanya, tuyong-tuyo na ang labi nito at nanginginig. Bahagyang nakabuka ang bibig nito, malalim ang mga paghinga, at nakakunot ang noo. Pinisil niya ang pisngi nito at iniharap ang kanyang katawan bago tuluyang inilapat ang labi sa kanina pa nagbubukas-sara nitong bibig...