webnovel

Closing Party

Walang masabi na nilingon nalang ni Lin Che si Yu Minmin.

Sa loob ng ilang beses na pagkakasama nila ni Yu Minmin, naisip ni Lin Che na bagama't may pagka-snob ito, hindi naman ito masyadong nakakairita.

Marahil ay dahil pareho silang hayag na ipinapakita ang kanilang pagiging snob. Naisip niya na hindi mapagkunwaring tao si Yu Minmin at hindi masiyadong itinataas ang sarili kaya naisip ni Lin Che na mabuti itong tao o kaibigan.

Bagama't hindi maganda ang pakikitungo nito sa kanya noon, hindi rin naman siya nito masiyadong pinahirapan. Nagkataon lang talaga na hindi siya sikat kaya ganoon. Wala rin siyang maraming mga oportunidad. Sa ngayon, maituturing si Lin Che na isa sa mga artistang binibigyan nito ng focus kaya nagsisimula ng maging maganda ang relasyon nilang dalawa.

Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa clubhouse na tinutukoy ni Gu Jingyu.

Mula sa labas ay kapansin-pansin na hindi ito isang ordinaryong clubhouse; sa halip, mukha itong resort clubhouse na napapaligiran ng iba't-ibang pasilidad. Sa underground nito ay mayroong entertainment venue at sa ibabaw naman nito ay mayroong hotel. Maaari silang magkantahan, kumain, maglaro ng iba't-ibang laro at pumunta sa isang bar sa isang lugar lang.

Kung titingnan mula sa labas, ito ay isang mamahalin at high-class na building na napakalawak ang espasyo. Sinomang makakapasok sa loob nito ay makakaramdam ng pakiramdam ng isang mayaman at sosyal.

Nagsidatingan na rin ang lahat ng kasapi ng kanilang production team. Bawat isa ay binati ang mga katrabaho at nagdiwang sa katatapos palang nilang proyekto.

Dinala ni Lin Che si Yu Minmin para umupo sa isang sulok na kakaunti lamang ang tao. Masaya silang nagkekwentuhan nang marinig nila ang masayang ingay na nagmula sa pinto; hudyat na dumating na ang host ng gabing iyon: si Gu Jingyu.

Sumabay rin si Lin Che sa pagpalakpak ng mga tao. Ngunit, napansin niyang papalapit ito sa kanya matapos batiin ang lahat ng nandoon.

Mahahalata ang pagtataka sa mukha ni Lin Che. Hindi maganda ang kanyang pakiramdam habang pinagmamasdan si Gu Jingyu.

Pero, hindi iyon pinansin ni Gu Jingyu at kaagad na umupo sa kanyang tabi. Napaka-kalmado lang ng mukha nito.

Tinanong ito ni Lin Che, "Bakit ka nakaupo dito?"

May nakalaang espesyal na mga upuan para sa mga lead actors at ilang mahahalagang personalidad sa production team. Bakit naman dito nito piniling maupo?

Tiningnan siya ni Gu Jingyu. "Mas tahimik dito. Gusto ko ang matahimik lang. Bakit?"

". . ." Okay, kung saan ka masaya.

Ito ang first time ni Yu Minmin na makatabi sa upuan ang isang sikat na artistang tulad ni Gu Jingyu. Hindi niya magawang maitago ang tuwa; isa pa, napakaraming mga artista ngayon, at iilan lamang ang mga katulad nitong A-listers.

Napansin siya ni Gu JIngyu kaya nginitian rin siya nito. Naging maliwanag naman ang ekspresyon ni Yu Minmin at gumanti rin ng ngiti kay Gu Jingyu.

Pagkatapos, nagpatuloy na si Gu Jingyu sa pakikipag-usap kay Lin Che. Hindi naman ito matanggihan ni Lin Che kahit gustuhin man niya.

Sa una ay wala lang sa kanya ang pakikipag-usap dito, pero nang mapansin niya ang kakaibang tingin sa kanila ng mga taong nandoon, nakaramdam na siya ng hiya. Gustong-gusto na niyang umalis doon.

Pagdating ni Lin Li, kaagad din nitong napansin si Gu Jingyu na nakaupo katabi ni Lin Che.

Imposibleng hindi niya mapansin ang dalawa dahil halos lahat ng nandoon ay nakatingin kina Lin Che. Pinag-uusapan sila ng lahat kaya't malabong hindi niya ito mapansin.

Naalala ni Lin Li ang kanyang napakagandang engagement ceremony. Sa loob ng ilang araw ay siya ang laman ng mga headlines sa mga balita at marami ang naiinggit sa kanya ng mga panahong iyon. Subalit, sa isang post lang ni Gu Jingyu sa Weibo ay nalamangan kaagad siya ni Lin Che. Muli na namang napuno ng galit ang puso ni Lin Li.

Naging mataas na ang tingin ng Lin Cheng ito sa kanyang sarili! Kahit saan man ito magpunta, lagi nitong kinukuha ang atensiyon ng lahat.

Nang dumating si Mu Feiran, muli ay nilapitan din siya ng mga tao at binati.

Napansin ni Lin che si Mu Feiran at naiinggit na nasabi, "Sana balang araw ay magkaroon din ako ng ganyang klase ng aura na mayroon si Miss Feiran."

Sa likod ni Mu Feiran ay nandoon ang kanyang mga assistants at ibang staff na kasama niyang dumating sa venue. Pagpasok nito doon ay naramdaman agad ng lahat ang presensiya nito.

Sinundan rin ito ng tingin ni Gu Jingyu. Ngumiti ito kay Lin Che. "Balang araw, magagawa mo rin iyan."

Nilingon ni Lin Che si Gu Jingyu. "Masiyado kang magaling magsalita. Kalimutan mo na iyan. Matagal-tagal pang mangyari iyan."

"Maniwala ka sa iyong sarili. Ang lahat ng daan ay tinatahak ng dahan-dahan. Noong una, nang bago palang din si Mu Feiran at hindi pa kayang makabili ng kanyang sariling pagkain, ay wala rin sa kanyang isip na darating siya sa araw na ito na halos wala na siyang ibang mahihiling pa."

"Talaga? Dumaan din si Miss Feiran sa panahong iyan?"

"Oo naman. Bakit, lahat ba ay ipinanganak na artista kaagad?"

Oo naman! May mga tao talagang ipinanganak na mayaman. Sinulyapan ni LIn Che si Gu Jingyu. Ito at si Gu Jingze ay parehong paboritong anak ng Diyos. Kahit noong ipinapanganak pa lang silang dalawa ay kinaiinggitan na ito ng karamihan.

Nakuha naman agad ni Gu Jingyu ang iniisip ni Lin Che. Ngumiti ito sa kanya. "Sa palagay mo ba ay hindi ka na magkakaproblema noong bata ka pa kung palagi nang may nakahandang pagkain sa harapan mo? Ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang problema; kahit kaming mga kasapi ng Pamilyang Gu. Kaakibat ng karangyaang tinatamasa namin ay ang napakabigat na mga responsibilidad sa aming balikat. Iyan ang dahilan kung bakit ayaw kong bumalik sa mansiyon ng mga Gu. Tingnan mo ako ngayon. Hindi ba't napakalaya ko?"

Pero, hindi rin maiwasan ni Lin Che na isipin si Gu Jingze.

May mga problema rin ba si Gu Jingze?

Tama nga ito. Kung pakaiisiping mabuti, isa sa mga problema nito ay ang pagpapakasal sa isang babaeng hindi naman nito gusto.

Kapag naiisip niya ito, lalo siyang naaawa kay Gu Jingze. Maayos naman ang kalagayan nito pero bigla na lang nagkaroon ng ganitong uri ng sakit, kaya imbes na perpekto ang buhay nito, nasayang lang dahil kay Lin Che.

"Hoy, kinakausap kita. Sino ba'ng iniisip mo?" Nang mapansin ni Gu Jingyu na nagliliwaliw ang isip nito, pinisil niya ang ilong ni Lin Che.

"Aiyo, hindi ah. Wala akong iniisip na kahit sino," nahihiyang sabi ni Lin Che.

Ang lahat ay nagsasaya at nag-eenjoy sa loob ng kanilang closing party. Pagkatapos ng kanilang filming, magkakaroon muna sila ng ilang araw na pahinga habang sinisimulan ng ayusin ang production ng kanilang palabas. Kapag malapit na itong ipalabas, magkikita-kita ulit sila para sa iba't-ibang promotional events.

Marami na ang naiinom ng mga taong nandoon. Pati si Lin Che ay hindi rin nagpapigil sa pag-iinom ng alam. Pagkalabas niya ng washroom, noon niya lang napansin na wala ng mga tao doon.

Kahit si Yu Minmin ay biglang naglaho sa kanyang paningin.

Uminom nalang muna siya ng ilan pang shots sa loob ng ilang minuto. Ngunit, may narinig siyang nagsalita mula sa kanyang likuran, "Dumating din pala si Mr. President."

"Sabagay, kung tutuusin, pagmamay-ari ito ng mga Gu. Walang mali kung pupunta ang Pangulo sa clubhouse na pag-aari ng kanilang pamilya."

"Hindi ba't si Gu Jingze ang may-ari nito?"

"Magkakapatid naman sila. Bakit kailangang paghiwalayin ang kanilang mga pangalan eh iisang pamilya lang naman sila? Hindi mo yata napansin ang tanawin kanina. Mukhang kanina pa siya nandoon sa itaas at doon magpapalipas ng gabi, kaya mas lalong hinigpitan nila ang security at pinagbawalan ang sinuman na pumasok sa loob."

Sa oras na iyon ay siya namang pagdating ni Gu Jingyu. Hinila ito ni Lin Che at tinanong, "Kanina lang, narinig ko na sinabi nila na dumating raw ang Presidente. Siya ba ang panganay sa inyong magkakapatid?"

Walang interes na tumango si Gu Jingyu. "Oo. May problema ba sa kanyang pagparito?"

"Wala naman... ang iyong pamilya... ikaw at ang iyong mga kapatid ay pawang mga bigatin sa inyong propesyon."

"So, gusto mo iyan? Kung iyan ang gusto mo, maaari ka rin namang maging kasapi ng Pamilyang Gu. Kapag nangyari iyan, natitiyak ko sa'yo na kakaiba ang mararamdaman mo," ang sabi ni Gu JIngyu habang nakangisi sa kanya.

Lalo lang kinabahan si Lin Che na baka matuklasan nito ang kanyang sekreto kaya yumuko siya. Nahihiyang nasabi niya sa kanyang isip na 'sa ngayon, kalahating bahagi ng aking pagkatao ang kabilang na sa inyong pamilya...'

Si Gu Jingming ang Pangulo ng bansa sa loob ng nagdaang tatlong taon. Maganda ang kanyang record at marami ang sumusuporta sa kanya. Kaya, saan man siya magpunta, palaging marami ang sumusunod sa kanya.

May nakita si Lin Che na tumatakbo para tingnan ang Presidente. Wala sa sariling iniling niya ang kanyang ulo at may biglang naalala. Kaagad siyang napatanong, "Bakit kanina ko pa hindi nakikita si Yu Minmin?"

"Si Miss Yu? Ang iyong manager? Hindi ko rin alam. Parang lasing na siya nang makita ko siya kanina. Parang nagpapasuray-suray kanina habang naglalakad palabas at mukhang hindi pa nakakabalik dito," Biglang tumaas ang kilay ni Gu Jingyu. "Naku, kung sakaling umakyat man siya sa itaas at nakaharap ang Presidente, ibig sabihin ay tapos na rin ang inyong masasayang araw dito."

". . ." Sa isip ni Lin Che na nagdadasal siya na sana naman ay hindi sila malasin nang ganoon.

Next chapter