webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urban
Not enough ratings
165 Chs

Buhay May Asawa

"Hindi na kailangan." Inihagis niya ang kumot sa couch. "Ako ang matutulog dito. Dun ka sa kama matulog."

Nagpapaka-gentleman lang siya; kaya tama lang na tumanggi siya.

Mabilis na nakakatulog kahit saan si Lin Che. Pero ang isang tulad ni Gu Jingze na nakatira sa napakalaking bahay, hindi siya ang tipo na madaling makakapag-adjust.

"Okay lang 'yan. Ako ang matutulog sa couch. Sa totoo lang, sanay ako sa ganyan. Sa tangkad mong 'yan, hindi ka magiging komportableng matulog diyan sa couch," sabi niya. Tumayo siya malapit kay Gu Jingze at naghandang hilain siko nito.

Pero bago pa man niya magawa ang binabalak, hinarang siya nito gamit din ang siko.

Natumba si Lin Che sa sahig at tumingin kay Gu Jingze. Inoffer niya ang kama dahil gusto niyang makipag-ayos. Ngunit sa nangyari, lalo lang siyang nainis.

Galit na tumayo si Lin Che at sumigaw, "Gu Jingze, baliw ka ba? Kalimutan mo nang naging mabait ako para makipagpalit sayo sa couch na 'yan. Ano bang ibig mong mangyari, ha?"

Itinaas ni Gu Jingze ang kanyang mga kilay, ibinaba ang kanyang ulo, at tinapik ang bahagi ng kanyang siko na hinawakan ni Lin Che. Mahinahon niyang tiningnan ang babae at sinabi, "Let me get one thing straight. Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito. Anong sabi mo? Nagpapakabait ka lang? Hindi mo ba naisip na parang medyo huli ka na?"

"Kahit... kahit pa pinainom kita ng gamot na 'yon, hindi pa rin tama na itulak mo ako. Pwede... pwede namang paalisin mo nalang ako, pero itinulak mo ako. Ako dapat ang nagrereklamo ngayon." Habang sinasabi niya ito, lalo lang siyang nanghihina, pero ayaw niyang magpatalo.

Kasalanan niya ito dahil napakasama niya!

"Ikaw..." Hindi pa rin makapaniwala si Gu Jingze sa ugali ng babaeng ito. Halatado ang pagkainis sa kanyang mukha, itinuro niya ang kanyang daliri sa may pinto, sabay sigaw, "Get out!"

Napatigil si Lin Che. Hindi niya alam kung anong pumasok sa kukute niya at naisipan niyang makipag-away nang ganoon kay Gu Jingze.

Lalong nagngingitngit ang kanyang kalooban sa tuwing iniinsulto siya nito. Habang nakatingin kay Gu Jingze, tumalon siya sa may likuran nito at nagsisisigaw. "Daga! May daga! Nakakatakot! Takot ako sa daga!"

Tutal ayaw nito sa kanya, naisipan niyang galitin pa ito lalo sa pamamagitan ng paglapit dito.

Nabigla si Gu Jingze. Agad siyang nakaramdam ng kakaiba nang maidikit sa kanya ang malambot at mahaliyumak nitong samyo. "Bumaba ka! Ano ba?" Iniunat niya ang kanyang kamay papunta sa kabila, nang maramdaman niya ang paggalaw ng dalawang malambot na bukol sa kanyang likod. Biglang nag-init at nanigas ang buo niyang katawan.

Matangkad si Lin Che sa taas na 168 cm, pero kung ikukumpara kay Gu Jingze na may height na di bababa sa 190 cm, mas maliit siyang tignan. Ang katawan niya'y singlambot ng isang sutla at malubay gaya ng tubig. Nakapulupot ito kay Gu Jingze na parang isang ahas kaya't mas lalo niyang napatunayan na bagama't siya'y matangkad, hindi maitatago ang kapayatan ng babaeng 'to. Nakalagay ang mapuputla niyang daliri sa kanyang braso at parang pang-aliw sa kanyang pakiramdam kahit napakalamig nito kung hahawakan.

Ngunit, sa mga oras na ito, ang malalambot na umbok sa kanyang likuran ay lalong umusli; dahilan upang mas umalab pa ang init sa kanyang buong katawan.

Damn it. Bakit hanggang ngayon, umeepekto pa rin ang gamot na iyon...

Sa tuwing pipigilan niya ang kanyang sarili, taliwas naman ang nararamdaman ng kanyang katawan.

"Hindi ako bababa dito. May daga diyan. Natatakot ako sa mga daga..." Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang leeg.

Naramdaman niya ang biglang pagpihit ng kamay nito kasabay ng pag-abot sa kanyang pulso. Hinila siya nito paalis sa kanyang likuran at nakahandang ihagis siya. Walang balak na bumaba, lalong kumapit si Lin Che; dahilan upang sabay silang bumagsak sa sahig.

Nang magising si Gu Jingze sa sandaling pagkawala-sa-isip, tumambad sa kanyang harapan ang malambot at mapula-pula nitong labi. Nakaharap din sa kanya ang mapuputi at malaperlas nitong mga ngipin. Parang isang paanyaya na nagpapatuyo ng kanyang lalamunan.

Dahil sa pagkabigla, wala sa sariling naitulak niya palayo ang maselang katawan na bumagsak sa ibabaw niya.

Parang sinaksak ang pakiramdam ni Lin Che, partikular sa may malambot na bahagi ng kanyang dibdib kung saan natamaan ng braso ni Gu Jingze. Halos maiyak na siya sa sobrang sakit...

Nagsisimula palang makapag-relax si Gu Jingze nang makita niya si Lin Che na umiiyak habang nakaupo sa sahig, hawak-hawak ang dibdib. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha sa mala-porselana nitong pisngi.

Hindi niya alam kung bakit, pero parang nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso habang pinagmamasdan ang mga balikat nitong nanginginig dahil sa pag-iyak.

Bumalik siya sa kanyang matinong pag-iisip at hindi napigilang magalit sa sarili. Sobra-sobra na nga talaga ang ginawa niya; napakabata pa ni Lin Che, pero napilitan na itong magpakasal kahit hindi naman sila nagmamahalan.

Sabagay, pareho silang may mali. Hindi lang si Lin Che ang dapat sisihin dito.

Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Wala siyang alam kung paano mag-comfort ng ibang tao kaya't nanatili lang siyang nakatayo doon. "Sorry, pasensya na. Hindi mo'to kasalanan ngayon. Nadala lang ako sa emosyon ko. Sa totoo lang, pareho lang tayo. Hindi rin ako sanay na may kasamang babae. Hindi kita itinulak dahil sa ayaw ko sa'yo, actually... mayroon akong sakit na nagbabawal sa'king humawak o lumapit sa mga babae."

Hindi inaasahan ni Lin Che ang bigla nitong pagpapaliwanag; dahil sa pagkalito, iniangat niya ang mukha at mapapansin ang namamagang mga mata.

Naisip ni Gu Jingze na tutal ay magsasama naman sila sa iisang bahay, marapat lang na malaman nito ang tungkol sa kanyang sekreto.

Nagpakawala ng buntung-hininga at nagsimula siya, "I'm fine with men, but all women make me feel uncomfortable. Hindi lang sa hindi ko sila kayang mahawakan; nagkakaroon din ako ng mga rashes, paulit-ulit na nagsusuka, at nagiging abnormal ang daloy ng aking dugo. 'Yan ang dahilan kung bakit lagi kitang nilalayuan."

Hindi maintindihan ni Lin Che ang kanyang narinig. "May ganyan ba talagang sakit? Is it a psychiatric condition?"

Nakaupo si Gu Jingze nang nakatuwid ang balikat; kung titingnan mabuti, walang sinuman ang mag-aakalang mayroon siyang sakit.

Ang kanyang mga mata ay banayad gaya ng tubig sa balon. Sanay na siya sa ganito. Samakatwid, marami na siyang nakilalang doktor sa loob ng 30 taon. Kailangan niya lang itago ang sekretong ito mula sa ibang tao.

"It's both." Minasahe niya ang kanyang sentido gamit ang bahagyang nakaunat na mga daliri. Parang pagod na pagod ang kanyang hitsura. "Sekreto lang ito, ha. Sinabi ko ang lahat ng 'to sayo dahil magsasama tayo sa bahay na ito. Gusto ko lang din na malaman mo na kaya gusto ng mga magulang ko na ipakasal ako sa'yo dahil naniniwala sila na makakatulong ka sa aking paggaling, dahil nga may nangyari na sa atin."

So, ito pala ang totoong dahilan. Nakakalungkot naman at nagkamali sila sa kanilang paniniwala. Dahil alam niya sa sarili niya na anumang nangyari sa kanilang dalawa, dahil lamang 'yon sa kanyang ginawa...

Iniyuko ni Lin Che ang kanyang ulo dahil sa kahihiyan. "Oo na. Alam ko. Pero hindi mo kasalanan na may sakit ka. Sorry, hindi ko kasi alam kaya nilapitan kita. Promise, hindi na kita ulit hahawakan."

Tiningnan niya si Lin Che nang may pag-aalinlangan. Itinaas nito ang kanyang tatlong magagandang daliri. Ang kanyang tingin ay nakatuon kay Gu Jingze.

Iniwas niya ang kanyang tingin kay Lin Che at mahinang sinabi, "Okay, matulog na tayo."

Masiglang tumango si Lin Che. Minasahe niya nang marahan ang sumasakit niyang dibdib at maya-maya'y tumayo na, "Sa couch ako matutulog."

"No need," agad ng humiga doon si Gu Jingze.

Hindi na pinansin pa ang kanyang guilt, naghanap na siya ng kumot at nahiga. Hindi na siya nagpumilit pa.

Pagkatapos patayin ang mga ilaw, binalot na ng kadiliman ang buong silid.

Ang kanilang mga hininga'y humahalo sa simoy ng hangin at dahan-dahang nagpalibot sa kanilang dalawa.

Hindi komportable ang couch para kay Gu Jingze kaya't hindi siya makatulong nang maayos. Naririnig niya ang pagbali-baligtad ng kasama. Halos magdikit ang dalawa niyang kilay sa sobrang pagkayamot. Sa palagay niya'y mahimbing na itong natutulog ngunit ang pangit tingnan sleeping posture nito.

Hindi talaga siya sanay na may kasama siyang babae--lalo pa't may nangyari na sa kanila--at magkasama pa sa iisang kwarto. Dahil dito, bumangon siya at lumabas.

Hello po! How's your reading, so far? Please feel free to comment your suggestions. Alam ko pong mas marami pa po ang kailangan kong i-improve. Salamat. :)

a_FICTION_atecreators' thoughts