webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urban
Not enough ratings
165 Chs

Ang Sabi Ni Gu Jingyu Ay Wala Akong Kinalaman Dito

Dahil kumalat na ang balitang iyon, ramdam ni Lin Che na nakatingin ang lahat sa kanya nang makarating na siya sa kanilang filming site.

Tinawag kaagad siya ng direktor pagkakita nito sa kanya. "Ah, nandito na pala si Mrs. Gu."

Naiinis na sumagot si Lin Che, "Anong Mrs. Gu!"

"Hindi ba't inamin na ni Gu Jingyu na asawa ka na niya? Ibig sabihin, ikaw na ngayon si Mrs. Gu."

"Kalokohan! Walang namamagitan sa amin. Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. May mga reporters diyan sa tabi-tabi."

Kahit saan ay nagkalat talaga ang mga reporters. Pag nakarinig ang mga ito ng kahit isang salita, hindi na niya alam kung ano na naman ang magiging headlines kinabukasan. Halos lahat din sa kanilang crew ay naniniwala na may relasyon nga silang dalawa.

Kahit ano man ang kanyang sabihin, walang silbi ang lahat ng iyon.

Lumapit si Director Fu upang bigyan siya ng upuan. "Halika, halika. Hindi maaaring umupo si Mrs. Gu sa maliit na silyang iyan. Para lang iyan sa mga maliliit na artista. Ito ang nararapat para sa'yo. Halika, umupo ka dito. Sayong-sayo ito."

Parang gusto siyang sapakin ni Lin Che. "Pinagtitripan mo ba ako?"

Sa loob ng kanilang crew ay mayroong malinaw na herarkiya. Ang mga maliliit na artistang kagaya ni Lin Che ay hindi dapat masiyadong kumukuha ng atensiyon. Ang malalaki at komportableng mga upuan ay para lang sa mga sikat na artista. Kuntento na siya na maupo sa kanyang foldable na upuan sa dati niyang pwesto.

Tumawa nang malakas si Director Fu. "Iyan ang utos ng ating direktor. Walang may gustong suwayin iyon. Isa pa, Lin Che, panahon na para masanay ka sa mga ganito. Halos natatalo mo na nga si Miss Fei Ran sa mga headlines. Hindi ka na basta isang baguhan na artista ngayon."

". . ." Pagkasabi nito ay pilit na siyang pinaupo doon ni Director Fu.

Napangiwi ang kanyang bibig nang makaupo na siya doon. Totoo ngang mas komportable ito kaysa sa sarili niyang upuan.

Nakakapagod ang maghintay sa isang eksena. Ngunit, ang maghintay habang nakaupo doon nang komportable ay malaki ang pinagkaiba.

Ang lahat ng iyon ay pinapanood lamang ng isang artista na katulad ng level ni Lin Che. Naiinis at may halong inggit ang kanyang tingin sa direksiyon ni Lin Che.

Bakit ba kasi si Lin Che pa ang nagustuhan ni Gu Jingyu.

Simula pa man nang una, iniisip na niya na sinadya ni Lin Che na mangyari ang lahat ng ito. Ngayong si Gu Jingyu na mismo ang umamin, wala ng ibang masasabi ang kahit na sino.

Ang tanging masasabi na lang nila ay napakaswerte ni Lin Che.

Noon din ay dumating si Gu Jingyu.

Nakita niya kaagad si Lin Che na nakaupo doon habang nagsi-cellphone at nilapitan niya ito sa kabila ng pagpigil sa kanya ng kanyang agent.

Ang lahat ng nandoon ay kaagad na sumunod ang mga tingin sa kanilang dalawa.

Nakarinig si Lin Che ng ingay at nakita niya si Gu Jingyu na masayang nakangiti sa kanya. May gana pa talaga itong lumapit sa kanya nang ganoon. Parang gusto niya itong suntukin.

"Hi, ang aga mo ah," Nakangiting bati nito sa kanya.

Tumayo si Lin Che. "Gu Jingyu, ikaw... anong ibig sabihin ng post mo sa Weibo?"

Inosenteng itinaas ni Gu Jingyu ang mga kamay. "Anong sinabi ko?"

"Anong sinabi mo? Hindi ba't may sinabi ka tungkol sa kalungkutan, tungkol sa kawalan ng kalayaan, tungkol sa..."

"Ahh, iyon. Well... isang normal na post lang naman iyon sa Weibo. Isang paraan ko lamang ng pagpapahayag ng aking nararamdaman para makakuha ng simpatiya sa mga tao," walang interes na sagot ni Gu Jingyu at umupo katabi niya.

"Ano pa man iyon, kailangan mong burahin ang post mong iyon sa Weibo!" Pag-utos ni Lin Che.

Ngumiti si Gu Jingyu at sumandal sa kanyang upuan. "Okay, so sasabihin ko na lang na ayaw ni Lin Che na pag-isipan kami ng kahit na ano kaya buburahin ko na lang ang post na iyon."

"Get lost!"

"Hindi ba't iyon naman ang gusto mo?"

"I-i-ikaw..." Hindi makapagsalita si Lin Che. Galit na galit siya kay Gu Jingyu pero hindi niya ito kayang talunin.

Sino'ng may sabi na mabait itong tao? Nakakainis ito, sa totoo lang.

Samantala...

Wala pa ring kaalam-alam si Gu Jingze sa balita tungkol sa kanyang asawa at isang lalaki.

Kaninang umaga ay tinawagan siya ni Mo Huiling.

Gusto siya nitong makita.

Nasa pinto na ng bahay nito si Gu Jingze. Malungkot na tiningnan siya nito.

Tinanong ito ni Gu Jingze, "Anong problema?"

Sumagot naman si Mo Huiling. "Bakit wala akong balita tungkol sa'yo nitong nakaraang dalawang araw?"

"Ah..." Tumugon si Gu Jingze. "Sinamahan ko si Lin Che sa pagpunta sa kanilang bahay dahil sa isang engagement party."

"Ano?" Bulalas ni Mo Huiling. "Hindi mo ako pinapansin dahil sa kanya?"

Nahahalata ni Gu Jingze ang galit nito kay Lin Che sa tono ng pananalita nito.

Kumunot ang kanyang noo. Sa hindi nasisiyahang tono ay sumagot siya, "Huiling, hindi niya ito kasalanan. Kailangan kong magpakasal at dahil sa akin, napilitan din siyang tanggapin ang kasal na ito."

Kumirot ang puso ni Mo Huiling habang nakatitig kay Gu Jingze.

Alam niya na nagiging makulit na siya at nakakapagbitiw na ng hindi magandang mga salita.

Ngumuso siya at hinawakan ang manggas ng damit ni Gu Jingze. "Pero hindi ko talaga siya gusto."

Naiintindihan naman ni Gu Jingze na natural lang dito ang magkaroon ng ganoong damdamin. "Alam ko naman iyan pero gusto ko lang malaman mo na kasalanan ko ang lahat ng ito. Huwag mo siyang sisihin."

Lalo lang hindi naging maganda ang ayos ng mukha nito habang nakatingin pa rin sa kanya. "Mas lalong hindi ko nagugustuhan kapag pinagtatanggol mo siya."

"Ano..."

"Jingze, nalulungkot talaga ako nang sobra. Kapag mag-isa na lang ako, lagi kong naiisip kung paanong lagi kayong magkasamang dalawa, legal na mag-asawa at namumuhay ng isang buhay na pinangarap natin. Magkasamang namumuhay nang mapayapa at masaya. Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko? Hindi ko maiwasan na hindi mag-isip ng mga bagay-bagay."

Nakaramdam naman ng kirot si Gu Jingze sa kanyang puso.

Nagpatuloy si Mo Huiling. "Simula nang nagkasakit ka, lagi pa rin tayong magkasama pero kahit kailan ay hindi tinanggap ng iyong pamilya ang relasyon natin. Matinding pressure ang nakapatong sa akin, alam mo ba?"

Alam ni Gu Jingze na marami na ang pinagdaanan nito para sa kanya.

Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Mo Huiling sa kanyang pisngi. "Pwede mo ba akong samahang maglakad sa paligid ng villa?"

Huminga nang malalim si Gu Jingze. "Okay sige."

Sa pamamagitan ng ilog ay pumunta sa sila sa villa.

Ang villang ito ay pag-aari ni Gu Jingze. Napakasarap ng pakiramdam kapag pinagmamasdan ang napakagandang tanawin dito.

Gumanda naman ang pakiramdam ni Mo Huiling nang makarating sila doon. Tinanggal niya ang kanyang coat habang pinapanood si Gu Jingze na naghahakot ng mga kahoy para gumawa ng apoy. Sa ilalim ng amoy na nagmumula sa mga kakahuyan, samahan pa ng isang palabas, ay talaga namang napakasarap ng sandaling iyon.

Tiningnan ni Mo Huiling si Gu Jingze na nakasandal ang isang tuhod habang seryosong inihahanda ang mga kahoy. Napakagandang panoorin ng mga muscles nito na maya't-maya ay gumagalaw. Hindi niya mapigilan ang sarili na titigan ito.