webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Father

Kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. Nang makarating sa Manila, I immediately checked in a hotel near the airport at sinabihan ko na si Myx kung saan ako naka-stay. They're in the Metro rin naman kaya madali lang mapuntahan kung saan man kami magkikita. But she suggested na sa restaurant ng hotel na tinutuluyan ko na lang kami magkikita. I agreed eventually, kasi mas convenient sa akin. Sigurado namang kabisado na niya ang Manila kaysa sa akin kaya ako na lang ang maghihintay na lapitan nila.

Mariin kong minamasahe ang bawat sulok ng kamay ko habang naghihintay sa pagdating nila. Nandito na ako sa resto na meeting place namin. I already arranged everything. Ang pagdating na lang nila ang hinihintay ko.

My phone's on the top of the table, beside my clasping hands. Maya't-maya rin akong napapatingin sa cell phone ko, naghihintay ng mensahe galing kay Myx.

Pero imbes na message ang matanggap ko, isang presensiya ng babae ang biglang lumapit sa table na kinalulugaran ko ang natanggap ko. Dahan-dahan akong napatingala para salubungin ang tingin niya.

Matik akong napatayo nang mamukhaan ko siya. Ngumiti ako sa kaniya at agad na iginala ang tingin sa paligid, looking for his existence.

"H-Hi…"

Bumalik ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko at itinigil ang pagtingin sa paligid. Inabot ko sa kaniya ang kamay ko para sa shakehands.

"Hi, I'm Zetty," pagpapakilala ko sa sarili ko. Nakatingin lang talaga ng diretso sa mga pamilyar niyang mata.

Malugod naman niyang tinanggap at ngumiti na rin sa akin.

"M-Myx…"

Panandalian ko lang siyang nakadaupang palad dahil ramdam na ramdam ko sa sarili kong mga kamay ang panginginig. Kasi legit, kinakabahan ako ngayon. Bigla-bigla kong sinuong ang isang situwasiyon na hindi ako handa, na hindi ko na-briefing ang sarili ko sa mga posibleng mangyayari. Bakit bigla-bigla na lang akong pumayag na makita siya't makilala?

I never saw him in my life ever since I had my consciousness. Tapos ngayon… makikipagkita ako sa kaniya nang walang pag-aalinlangan?

Pero anong magagawa ko, nandito na ako, it's no retreating anymore.

"Upo ka." In-offer ko sa kaniya ang katapat kong bangko.

I can feel the awkwardness between us pero kaya ko namang iwala iyon at pagaanin ang situwasiyon pero sa ngayon kasi, kinakabahan pa rin ako.

Makikita ko na siya ng personal matapos ang dalawampu't-apat na taon.

Alam ng Diyos kung gaano ako kasabik makilala ang ama ko. Araw-araw ko siyang hinahanap. Gustong-gusto ko siyang makilala para itanong sa kaniya kung bakit niya kami iniwan, kung bakit niya sinaktan noon si Mama, kung bakit hindi ko siya nakilala. Ang dami kong tanong sa kaniya. Gusto kong malaman ang side niya. Gusto kong magkaroon ng totoong ama. Yes, masaya ako sa presensiya nina Lolo, Tito Jose, Tito Doane, pero iba pa rin talaga kapag totoo mong ama ang nandito sa tabi mo, ginagabayan ka sa mga bagay-bagay.

I've been wanting to have a father of my own. Pinigilan ko lang ang sarili kong hanapin, kahit patago, ang Papa ko kasi alam kong ayaw ni Mama. I witnessed how she loathed him so much when I asked her about the existence of Papa. Kitang-kita ko ang pagkamuhi noong napilitan siyang magkuwento tungkol sa kaniya.

Itinatago ko lang ang pangangailangan ko sa isang ama para walang may masaktan sa pamilya ni Mama. Naiintindihan ko naman ang nangyari. Kaya isang beses lang akong naghanap sa kaniya at noong nalaman kong mayroon na siyang sariling pamilya, tumigil na ako sa paghahanap sa kaniya.

"K-Kasama mo ba siya?" agad na tanong ko kay Myx nang makaupo sa espasyong katapat ko.

I can see a resemblance of my father's face to her. Alam na alam ko kasi kuhang-kuha ko rin ang mata ng Papa ko. Kaya siguro minsan ay hindi ako tinitingnan ni Mama sa mata kapag kinakausap niya ako. I was the living proof of his existence in life. I also belonged to my father kaya sobrang hirap siguro para kay Mama para harapin ako araw-araw that she decided one day na mangibang-bansa na lang.

Tinitigan ako ni Myx diretso sa aking mga mata. Matapos niyang magbuntonghininga ay napa-iwas siya ng tingin kaya napatingin na lang ako sa nakasalikop niyang kamay sa ibabaw ng table.

"P-Puwede mo ba akong samahan?"

Nagtama ulit ang tingin naming dalawa.

"S-Saan?"

"Sa kaniya…"

"B-Bakit? Nasaan ba siya?"

Random thoughts are flooding my mind right now and I don't like what I'm thinking at all.

"Mas mabuting makita mo muna siya bago ko sabihin ang lahat."

Muling tumayo si Myx kaya wala sa sarili akong napasunod sa kaniya.

We hailed a cab sa kung saan man kami pupunta ngayon. Gusto ko siyang kulitin sa kung saan man kami pupunta ngayon at kung bakit hindi niya kasama si Papa. Pero napapangunahan ako ng kaba sa dibdib ko dahil sa mga iniisip ko. Pupunta ba kaming ospital ngayon? Nasa ospital ba ang Papa ko? May masama bang nangyari sa kaniya? Walang hiya, kinakabahan talaga ako! Sana naman hindi.

Hindi ako pamilyar sa kalakhang Maynila kaya hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon. Just by looking at the view outside the window, iba't-ibang establishments na ang nakikita ko.

Matapos ang ilang minutong biyahe, huminto ang taxi na sinasakyan namin sa isang… putang ina!

Nagsimulang kumabog ang dibdib ko nang tumumbad sa akin ang isang malaking arko na may pangalang Manila North Cemetery. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ko ang pinto as we got out.

Pigil ang hininga akong nakatingin sa pangalan ng arkong iyon. Hindi ko nga magawang igala ang tingin sa paligid kasi nagsisimula na talagang maghuramentado ang damdamin ko.

Worst na para sa akin ang isipin na nasa ospital ang Papa ko ngayon pero never kong naisip na… shit!

"M-Myx, ba-bakit tayo nandito?" agad na tanong ko nang tumabi na siya sa akin.

Sinalubong niya ang tingin ko. Isang tingin na parang maiiyak na ang ipinakita niyang expression sa akin.

"Myx, bakit kako tayo nandito sa sementeryo?" muling tanong ko sa paraan na parang nagsusumamo ng sagot mula sa kaniya, na parang hindi pa rin makapaniwala kung bakit nandito kami ngayon.

Ano ba! Magsisindi ba siya ng kandila muna sa yumao niyang kamag-anak, or what, bago niya ako dalhin kay Papa? Ano ba 'to?

Pero ngumiti lang si Myx at naglakad papunta sa malapit na bilihan ng mga bulaklak at kandila at no'ng ano-ano pa.

Nag-martsa ako kasunod niya kasabay ang mabibigat na paghinga.

"Ate, apat na kandila nga po."

Atat na atat na akong malaman ang sagot sa kung bakit kami nandito pero hinayaan ko muna si Myx sa ginagawa niya. Nagpipigil na lang ako ng sarili ngayon, para hindi tuluyang maghuramentado ang buong sistema ko.

Baka nga may kamag-anak lang siyang dadalawin ngayon dito at mali itong naiisip ko.

Matapos makuha ni Myx ang binili niyang kandila, lumingon siya sa akin at tipid na napangiti.

"Myx… sabihin mo nga sa akin kung bakit tayo nandito? Anong ginagawa natin dito?"

"Gusto mo siyang makilala 'di ba? Makikilala mo siya ngayon pero hindi sa paraan na gusto mo."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"See for yourself."

Nauna siyang maglakad at nand'yan na naman ang mabibigat kong paghinga habang nakasunod sa kaniya. Wala sa sarili akong nakasunod sa kaniya, pilit inilalagay sa utak kung anong ibig sabihin ng sinabi niya.

Makikilala ko ang Papa ko pero sa paraan na hindi ko gusto? Bakit? Ano bang nangyari sa kaniya? Bakit…

Para masagot ang mga katanungan sa aking utak, matapos ang mahaba-habang lakaran, biglang huminto si Myx sa isang kulay puting nitso. Inilahad niya ang kaniyang kamay para maipakita sa akin ang nitsong iyon at kasabay noon ang pagbasa ko sa pangalan na nasa lapida.

Hermogenes Alnoe N. Mondejar.

What the heck?!

"Gusto ko munang ipakita sa 'yo ang puntod niya bago ko sabihin ang lahat. Kahit gustong-gusto ko ng sabihin sa 'yo ang totoo no'ng i-chat kita, pinigilan ko ang sarili ko kasi alam kong you deserve to know the truth in personal."

Para akong pinompyang ng sampung beses, paulit-ulit, nakakagulat, nakakabingi. Nakatitig lang ako sa lapida kung saan nakaukit ang pangalan niya pero hindi ko totally na-sink in sa utak ko kung ano itong nasa harapan ko. Basta ang alam ko, bigla na lang may tumulong luha sa aking kaliwang mata na hindi ko man lang napigilan.

Gulat is an understatement. Nothing could define this feeling I am feeling now that I saw his name engraved in that piece of shit. Is this real?

Bago pa man ako makagawa ng eksena, umiwas na ako ng tingin at pinahiran ang pisnge kong unti-unti nang nababahiran ng luha.

Suminghot ako at pinakalma ang sarili. Humingang malalim para hindi mapiyok kung sakaling magsalita.

I'm actually out of words. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Para bang lahat ng pinangarap ko ay unti-unting gumuguho sa mismong harapan ko. Yeah, it hurts. It really hurts.

"P-Patay na siya?" bigla ay naging tanong ko kahit na obvious na naman ang sagot sa mismong harapan ko.

Nagiging tanga ka talaga paminsan-minsan, Zettiana.

"Namatay siya noong nakaraang taon. Lung cancer ang dahilan ng kaniyang pagkamatay. Bisyo niya kasi ang paninigarilyo. Bata pa lang ako noon, 'yon na ang kinalakihan ko. Hanggang sa kainin na siya ng sakit. Matagal ka na niyang hinihintay. Matagal ka na rin niyang hinahanap. Pero bago ka pa namin makita, binawian na siya ng buhay."

Nanginginig akong nanghingi ng suporta sa nitsong nasa likuran ko. Dahan-dahan akong umupo habang ang mata ay nakatingin lang sa lapida niya, ang tenga ay nakikinig sa mga sinasabi ni Myx, at ang utak ay hindi alam kung nasaan na.

"Was he a good father?" agarang tanong ko bago pa man siya makapag-kuwento ulit.

Gusto kong malaman kung naging mabuti ba talaga siyang ama. Gusto kong malaman na mali ang sinasabi ng pamilya ni Mama tungkol sa kaniya. That after all, he's a good father. Na kaya niya sana akong alagaan kung nabigyan lang ng pagkakataon.

Naramdaman ko ang pagtingin ni Myx sa akin sa pamamagitan ng aking peripheral vision. Hindi rin agad siya nakasagot sa naging tanong ko. It took her seconds before she could answer it and I patiently waited for her response. Alam kong nakakagulat nga naman ang naging tanong ko. Sa lahat ba naman kasi na bumabagabag na tanong ko para sa Papa ko, 'yon talaga ang unang naibulalas ng bibig ko.

"O-Oo. Oo naman. Siya 'yong pinaka-dabest na Daddy sa buong mundo." Pagak akong natawa sa naging sagot niya. Wow. What a revelation. "B-Bakit 'yan agad ang naging tanong mo tungkol sa kaniya?"

Nagkaroon ako ng lakas para salubungin ang tingin ni Myx. Tipid akong napangiti na sinabayan ko na lang ng pagak na pagtawa.

"Gusto ko lang malaman kung naging mabuti ba siyang ama sa 'yo. Kasi buong buhay ko, naging masama na siya sa paningin ko."

"T-Tungkol doon…" umupo rin siya sa kabilang nitso. Mababakas din sa mukha niya ang pagkataranta sa narinig mula sa akin. "Ang dami niyang gustong sabihin sa 'yo. Gustong-gusto niyang makita ka, gustong-gusto niyang puntahan ka para lang balikan kayo ng Mama mo. Maka-ilang beses niyang sinubukan. H-Hayaan mo akong sabihin sa 'yo ang lahat."

Suminghot ulit ako sa imaginary sipon ko't napatingin na lang sa puntod niya. "Makikinig ako…"

Hinayaan ko siyang magkuwento sa kung ano ang karanasan niya noong nabubuhay pa si Papa. Hinayaan ko ang sarili kong malaman ang side ng kuwentong matagal ko na ring gustong marinig. Hindi ko man napaghandaan ang araw na ito at nababalot pa rin ako ng gulat sa lahat ng nalaman ngayon, alam kong maiintindihan ko rin ito.

"Noong una, hindi ko alam ang tungkol sa 'yo. Walang kahit anong binanggit si Daddy tungkol sa una niyang pamilya. Basta ang alam ko, lumaki akong kompleto ang pamilya ko and provided sa akin ang lahat. Daddy gave his all para lang maibigay sa akin ang buhay na alam kong hindi ko deserve. We were so happy back then. We're like an epitome of a perfect family. Lumaki akong ganoon ang kinahinatnan ko. I admit, I was a spoiled brat, Daddy's favorite little girl. And I love the attention because Daddy became a role model to me of how to become a good person someday. Hanggang isang araw, dahil sa pagiging makulit ko, nalaman kong hindi pala kasal ang mga magulang ko. I threw a fit that time, of how, why, and all the questions in the world, it happened. I nagged them about it, kung bakit hindi sila kasal, kung bakit dala-dala ko naman ang apelyido ni Daddy pero bakit hindi sila kasal?"

Habang nagsasalita siya, parang nag-a-animate sa harapan ko ang mga panahon noong bata pa lang ako at itinataguyod ni Mama ng mag-isa. Of how I grew up knowing na Mama ko lang ang nasa tabi ko at wala man lang ang presensiya ng Papa ko. Ironic, I know.

"That's the time I was able to know that Mommy's not the first woman he lives with, na mayroon pang isang babaeng naunang mahalin si Papa. I remember him saying this… I love you and your Mommy but I'm sorry because I'm still longing to the first woman I love and I'm sorry if it's not your Mommy."

"That's probably not my Mama, too," sabat ko sa pagsasalita niya.

Naramdaman ko sa gilid ng aking mata ang paglingon niya sa akin.

"It was… your mother. It was her. Your mother's name is Carmmelita Saratobias, right? I saw a ring, a wedding to ring to be exact, sa mga gamit ni Daddy. This ring was engraved with your mother's name but it's Daddy's ring. That's when I knew that he married the first woman he loved. And that I was an illegitimate child made out of extra-marital affair, out of wedlock, out of sin. I was not in their plan. Teenager ako no'ng malaman ko ang lahat ng iyon, going to college maybe? Sobra akong nagalit kay Daddy noon. All along I really thought he's the perfect man I always look up to. But just like the others, he's flawed and he has an unimaginable past we didn't know."

I am speechless but my mind's overflowing with questions that I will save up for later.

"He admitted that kasal pa siya sa una niyang asawa and they did not had the chance to annul their wedding or even had a legal separation. Pero hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa 'yo. Ang akala ko tuloy, kasal lang siya sa babaeng iyon at kaya si Mama ang kasama niya ngayon kasi mayroon silang anak at ako 'yon. Akala ko kailangan lang ni Daddy panindigan ang responsibilidad na ginawa niya kay Mommy. Na kailangan niyang maging ama sa akin kaya siya nandito sa tabi namin."

She was already crying when she continued. Gusto ko siyang i-comfort pero maski ako, naguguluhan kung maniniwala ba sa mga sinasabi niya.

"And again, another plot twist happened to me. Before Mommy died-"

"Your Mommy's dead?" putol ko sa pagkukuwento niya.

Mahina siyang natawa dahil sa gulat na ipinakita ko sa kaniya.

"Yep, that's my Mommy's grave," nakangiting sabi niya sabay turo sa nitsong katabi lang ni Papa.

Charisa Merida G. Miranda.

"I-I'm sorry-"

"Okay lang. Matagal na rin namang wala si Mommy. Mas nauna pa nga siyang umalis kaysa kay Daddy."

Nakaramdam ako ng awa kay Myx nang malamang wala na pati ang Mommy niya.

"As I was saying… Mommy admitted that mayroong anak si Daddy sa una niyang asawa. Iniwan niya raw 'yong mag-ina niya kasi he fucked up. He made an unforgivable act of making his wife a punching bag. Isang beses lang daw niyang ginawa iyon pero sa isang beses na iyon, muntik na raw malagay sa alanganin ang buhay ng anak niya na sa mga panahong iyon ay nasa sapupunan pa raw ng asawa niya. That's when the family of your mother interfere with their relationship. Pilit silang pinaghiwalay. Pero hindi raw sumuko si Daddy noon. Noong manganak daw ang asawa niya, pinilit niyang puntahan sa ospital ang bata. Napagbigyan siya ng Mama mo kaya sa una at huling pagkakataon, nahawakan niya ang anak niya. Naaalala mo pa ang picture na s-in-end ko sa 'yo? Sa ospital daw kuha 'yon. Pero 'yon na pala ang huling pagkikita n'yong dalawa dahil pinilit silang paghiwalayin na dalawa lalo na no'ng malaman ng pamilya ng Mama mo na nabuntis niya si Mommy. That was the end of them."

Tinitigan ko ang katabing nitso ni Papa, kung saan nakalagak ang labi ng Mommy ni Myx. Napatitig ako roon.

"I was a year younger than you by the way," dagdag niya pa. "Hindi isang bagsakan na inilatag sa akin ang mga dapat kong malaman. Para bang process na may step by step pa. Para bang step one, nalaman kong hindi kasal ang mga magulang ko. Step two, Daddy was still married to the woman he first loved. Step three, nalaman kong may nakatatandang kapatid ako. Step four, when Dad's on his deathbed, that's when I knew your whole identity."

"Anong ibig mong sabihin?"

Sabay kaming napalingon sa isa't-isa. Mataman siyang ngumiti sa akin. Isang ngiti na alam kong totoo at bukal sa kaniyang loob. She still has this teary eye.

"I was sixteen years old when Mommy died of an uncurable disease. Sixteen years old din ako nang malaman ko ang tungkol sa unang pamilya ni Daddy. Nag-rebelde ako nang mamatay si Mommy because I can't accept the fact that I was left with Daddy whom I thought was the perfect man I could ever see in my whole life. Lumayo na ang loob ko sa kaniya. 'Yong dating daddy's girl ay naging daddy's number one hater. Nagsimula na akong hindi makinig sa kaniya. Not knowing na unti-unti na pala siyang kinakain ng sakit niyang hindi man lang niya sinabi sa amin, lalo na no'ng nabubuhay pa si Mommy. Sinarili niya iyon, siguro kasi lumalayo na ang loob ko sa kaniya."

Pinasadahan ko ng dila ang nanunuyo kong labi. Napalunok na rin ako para hindi manuyo ang aking lalamunan. Napatingin ulit ako sa puntod ni Papa. Muling nakinig sa mga kuwento ni Myx.

"Nalaman ko lang last year ang tungkol sa sakit niya. No'ng bigla siyang mag-collapse at dalhin sa ospital. Napilitan siyang sabihin sa akin pero huli na ang lahat. Wala na kaming magagawa, hindi na namin maisasalba ang buhay niya kahit saan man namin siya dalhing espesiyalista. Pati ang sakit niya, itinago niya rin sa akin kasi deserve niya raw ang ganoong klaseng paghihirap sa lahat ng nagawa niya sa buhay. Kung paano niyang nasira ang buhay ng dalawang pamilya. Pero para sa akin… hindi niya deserve 'yon. Hindi niya deserve ang mamatay nang maaga without seeing you first. It was his dying wish: ang makita ka. Gusto kong tuparin ang kahilingan niyang iyon bago man lang siya mamatay pero paano kita hahanapin kung ang pinanghahawakan ko lang noon ay ang mga huling sandaling kuwento niya tungkol sa iyo. To tell you honestly, hindi alam ni Daddy kung saan nakatira si Carmy Saratobias. They met in Manila. They marry each other here in Manila. They built their life here in Manila. Their love story was a whirlwind, according to Daddy. A month after they met, agad silang nagpakasal, then they had you, and shit happened."

"And you still think he's a good father?"

"Yes! He is, and will always, be a good father to me."

"Well good for you because for me… he isn't. He was never a father to me. Kaya mo nasasabi na mabuti siyang ama kasi nand'yan siya sa tabi mo buong buhay mo. Habang ako, naiwan sa probinsiya ng Mama ko, naghahanap ng ama, naghahanap ng kalinga ng isang ama!"

Ayokong umiyak pero kusang bumagsak ang mga luha sa aking mata habang nakatingin kay Myx. She's also crying that trigger more to my tears.

"Ate… don't judge Daddy that fast. Please… see for yourself first."

May iniabot siya sa aking isang box na kasinglaki ng notebook. Sunod-sunod na ang paghinga ko dahil sa paghuhuramentadong ginawa ko.

"I-Ito 'yong mga… mga gusto niyang sabihin sa iyo. Sabi niya nandito raw lahat ng sagot sa mga tanong mo."

Marahas kong pinahiran ang basa kong mata at pisnge at walang naging choice at tinanggap ang iniabot niyang box. Inilapag ko ang box sa nitsong inuupuan ko at bubuksan na sana nang bigla ulit siyang magsalita.

"Mamaya mo na lang buksan kapag mag-isa ka na lang."

Tumingala ako sa kaniya kasi nakatayo na siya ngayon habang ako ay nanatiling nakaupo. Napabuntonghininga ako't sinunod na ang gusto niya. Muli akong napatingin sa nitso ni Papa at saka ko inilahad ang kamay papunta sa direksiyon ni Myx kahit hindi nakatingin sa kaniya.

"Akin na."

"A-Ang ano po?"

"Kandila. Hindi ba natin sisindihan 'yang binili mong kandila?"

Bigla siyang nataranta nang ipaalala ko sa kaniya ang kandila. Binigay niya sa akin ang dalawa, sa kaniya naman ang dalawa. Pareho naming sinindihan ang mga hawak naming kandila. 'Yong isang kandilang hawak niya, isinindi niya sa nitso ng kaniyang Mommy. 'Yong isa naman ay kay Papa niya inilagay. Samantalang 'yong dalawang kandilang hawak ko, pareho kong inilagay sa nitso ni Papa.

Nag-alay ako ng tahimik na dasal. Ang mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya, idinaan ko na lang sa dasal. Hindi ko masasabing napatawad ko na siya sa ginawa niya sa amin noon pero unti-unti ring naliwanagan ang utak at puso ko sa parteng ito ng buhay ko.

Matapos ang ilang minutong katahimikan, muli akong umupo sa nitsong kaninang inupuan ko. Sinabihan ko agad si Myx na kuwentuhan niya ako tungkol sa buhay ni Papa, sa kung anong klase siyang ama, kung anong ugali niya, kung anong kinahiligan niya noong nabubuhay pa siya. Lahat-lahat ng tungkol kay Papa, ipinakuwento ko sa kaniya.

Sa pamamagitan ng kuwento niya, para ko na ring nakasama si Papa sa buong buhay ko. Para bang nandoon ako sa mga panahong iyon. Ang dami niyang kuwento, puros masasayang memories ang narinig ko mula sa kaniya. Mayroon namang nakakalungkot at gloomy memories pero lahat daw na memories niya na kasama si Papa, puros daw masasaya. Lalo na noong bata pa siya.

Nakaka-inggit. Nakakatuwa. Nakakalungkot. Nakakapanghinayang. Lahat sabay-sabay kong naramdaman.

Matapos ang ilang oras na pananatili sa sementeryo at sa pag-uusap na rin, pareho naming napag-usapan na lisanin na ang sementeryo kasi maggagabi na. Medyo creepy pa naman para sa akin ang vibe ng sementeryo kapag gabi.

"Mabuti na lang talaga at na-contact na kita agad ngayon bago ka pa man makaalis papunta ng Canada. Ano na lang kaya ang mangyayari kapag nakaalis ka na tapos nalaman mo ang tungkol dito. Kaso sayang lang at paalis ka na nga."

"I still have few days to stay here. Puwede kitang puntahan bukas sa inyo and talk more about your life, about Papa's life and his family."

Nakita kong nagliwanag ang mukha niya nang marinig ang sinabi ko. Para bang nabuhayan siya ng loob.

"Talaga po? Sige, sige, paghahandaan ko 'yan. At saka may ipapakilala na rin ako sa 'yo."

"Sino?"

"Anak ko."

Ah, patay!

Napasapo ako sa noo ko at dahan-dahan pero mariing hinilot ang bridge ng ilong ko. Patay na talaga.

"Bakit, Ate? Okay ka lang?"

"Tatandang dalaga na talaga ako," mahinang sabi ko habang nakapikit pa rin at dinadama ang disappointment sa buhay.

"Huh? Bakit naman po?"

Inayos ko ang sarili ko at muling hinarap si Myx.

"May kasabihan kasi kami sa amin na kapag daw naunang magpakasal at magka-anak ang bunsong kapatid o 'yong nakababatang kapatid man lang, tatandang dalaga o binata ang panganay na anak. Takte, biniro-biro ko pa si Decart, ako rin pala tatandang dalaga."

"Huh? E, hindi pa naman ako kasal. May anak lang ako pero hindi naman kami kasal no'ng tatay ng anak ko."

What?

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Nakakaintriga nga ang buhay niya kaya kailangan ko talagang makita siya bukas.

"It doesn't matter. May anak ka na so it's still counted. But anyways, I hope it's not true."

"'Di 'yan totoo, Ate. Baka nga mauna ka pang ikasal kaysa sa akin, e."

Pareho naming tinawanan ang sinabi ni Myx. Mas lalong imposible 'yon. I'd rather believe that superstitious belief than to believe that I'm getting married any sooner.

"Payakap nga…" sabi ko matapos ang ilang sandali.

Natawa si Myx sa sinabi ko pero agad din naman akong napagbigyan. Binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap. I'm not this affectionate and I hate affections pero sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman kong Ate nga talaga ako.

"Simula ngayon, puwede mo na akong asahan sa mga bagay-bagay. Ako na lang ang babawi sa mga panahong wala tayo sa tabi ng isa't-isa. Don't hesitate to be my little sister, Myx."

"Ate…" naiiyak na sabi niya habang nakayakap pa rin kami sa isa't-isa.

~