webnovel

Prologue

NASA akto si Cathy na maglalakad na patungo sa silid aralan na kung saan ay siyang magiging classroom niya sa buong taon nang may tumawag sa kanya na mga nag-gagandahang dilag na pakiwari niya'y mga tindera ito sa palengke dahil sa napakalakas ng boses ng mga ito na nakakaagaw pansin sa mga tao sa corridor.

"Caaaathy!"

"Miss na kita, Nerdyyyy!"

"Pa-kiss isa."

Napatingin siya sa mga ito at sinalubong siya ng yakap. Napangiti naman siya sa loob loob niya. Dahil malamang ay pupunuin na naman ng mga ito ng asar ang buong araw niya. Ayaw niyang ma-istress dahil sa unang araw niya sa eskwela. Ito kasi ang unang araw niya sa Senior High School.

Nakapagtapos siya noon bilang isang Magna Cum Laude. Isa rin siya sa laging panglaban pagdating sa Academic.

"Ay, ano 'te? Walang reaksyon ganon?" aAni

"Hindi mo manlang ba kami namiss?"

"Bakit? Kamiss-miss ka ba?"

Natawa naman siya sa mga ito.

"Syempre namiss ko kayo." Niyakap niya ang mga ito at hinalikan sa pisngi.

Naghiwalay ang mga ito dahil sa pag-ring ng bell na senyales na umpisa na ng kanilang unang subject.

Nauna na sina Bom at Minzy dahil sa medyo may kalayuan ang mga klase nito kumpara ng sa kanila na dyan lamang sa kabilang tabi nila.

Naunang pumasok si Dara at binalibag ang bag niya sabay salampak sa upuan niya.

"Dara umayos ka nga. Mamaya makita ka ng crush mo dyan sige ka." May kasamang pananakot na saad niya.

Kapansin-pansin ang biglaang pag-ayos ng upo ni Dara at may kasama pang paglinga-linga kung saan-saan.

"Wala naman eh!" Nakasimangot na saad nito.

"Wala nga. Sinabi ko bang andyan? Ang sabi ko lang baka makita ka sa akto na ganyan. Sige ka ma-turn off 'yon sayo." Natawa siya dahil sa paghaba ng nguso nito.

Pag tungkol sa crush nito ang usapan ay napakalaki ng epekto nito kay Dara, dahil sa tinagal tagal ba naman niya itong gusto simula pa noon sila ay nasa Junior High School alam na nito ang lahat ng tungkol sa lalaking iyon. Kaso nakakaawa lang kasi ito dahil sila ay MU. Mag-isang Umiibig.

Ilang minuto na rin ang lumilipas ay wala pa ang kanilang butihing guro. Ang ginawa na lamang ni Cathy ay mag-scan ng mga dati niyong notes na sa pag-kakaalam niya ay kanila pa ring tatalakayin. At si Dara naman ay natulog na lang.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nagumpisa na siyang mabagot dahil malapit na niyang matapos ang isang notebook ay wala pa rin ang kanilang guro.

Nagligpit na siya at tsaka naman nagbukas ang pinto at pumasok ang isang napaka-tabang lalaki. Nasa mukha nito ang pagiging strikto. Sa tingin pa lang niya ay alam na niya kung sino ito.

Ginising niya si Dara, ayaw pa nga halos nito bumangon dahil sa nasa kasarapan ito ng pagtulog.

"I'm sorry. Sobra akong late dahil sa biglaang pagpapatawag sa amin dahil sa meeting about dito sa school. So we will just start our lesson tomorrow." Paghingi nito ng paumanhin.

"At tulad ng nakagawian ay magpapakilala nalang kayo. Mag-uumpisa sa likod." Nasa tono ng pananalita nito ang pagkaseryoso at strikto.

Nag-umpisa ng magpakilala isa-isa ang mga kaklase nito. Dahil sila ni Dara ay naupo na gitnang row at medyo may katagalan pa sila.

Natapos ng magpakilala ang mga ito at si Dara na ang kasunod pero nakayuko pa rin ito. Niyugyog niya ito para naman magising.

Siya naman ay kabado, hindi ito ang unang beses niya magpapakilala sa harapan. Sadyang kinakabahan lang ito dahil kalat sa campus nila na mayroong grupo ng kababaihan na masasama ang mga pag-uugali. At iyon ay kaklase niya pa.

Siya na ang sumunod na nagpakilala. Habang naglalakad siya papunta sa harapan ay bigla na lang siyang natisod dahil sa pagharang ng paa ng isa niyang kaklase.

Napuno naman ng tawanan ang buong klase dahil sa pagtumba niya.

Hinawakan siya ni Dara sa braso para maitayo at pinulot nito ang salamin niya sa mata na nagkaroon ng basag dahil sa pagkakalaglag.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalala nitong tanong sa kanya. Tumango na lang siya at naglakad na patungo sa harapan.

Ni hindi manlang sinuway ng kanilang guro ang taong nagtisod sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim bago nagpakilala. "Good morning everyone. I'am Cathy Lizette Lee, 17 years old. Isa lang akong scholar dito sa school."

Pinagmasdan niya ang kanyang mga kaklase at nakita niya ang pag-ngisi ng babaeng nagtisod sa kanya.

Maganda ito dahil sa porselana nitong balat at makikita mo naman ang katarayan nito sa kanyang mukha. Ngunit mababakas pa rin dito ang pagiging anak mayaman kahit na puno ng koloreta ang pagmumukha nito.

Maganda sana kaso masama lang ang ugali.

"Is there anything you want to ask, Class?"

Bigla namang sumagot ang katabi ng babaeng nagtisod sa kanya.

"Hey! Bakit ka ba andito sa school na 'to? This school is only for elites. Hindi ka naman mukhang mayaman, mukha ka ngang pulubi eh." Mataray nito saad.

"Ha! Mas mukha pang presentable yung katulong namin kesa sayo." Nagtawanan na naman ang buong klase.

Napayuko na lamang siya. Alam na niyang ito ang mangyayari dahil nga sa mahirao lang siya at noon pa man ay tampulan na siya ng mga pang-aasar.

"Wow. Look who's talking? Eh ikaw nga mayaman na maganda pa pero pagdating sa ugali? Duh. Baka nga wala ka pa sa talampakan ni Cathy ee!" Napatingin siya kay Dara.

Noon pa man si Dara na ang tagapagtanggol nito. Kahit pa noong bata sila sa tuwing may mananakit sa kanya laging to the rescue ito. Itinuring na niya itong kapatid dahil nagiisang anak lang siya.

Napairap naman ito. "Do you know kung sino ako?"

"Hindi. At wala akong balak na kilalanin ka." Matapang na saad nito. Lumapit naman siya kay Dara upang awatin ito dahil baka kung saan pa tutungo ang sagutan nila. Knowing Dara, isa itong amazona. Napakatapang na babae.

"I'am the one and only Kryzelle Mizuhara. Ang anak ng may-ari ng school na 'to. Baka gusto mong mawalan ng scholarship." Saad nito na may mapang-asar na ngiti. Ito ang babaeng nagtisod sa kanya kani-kanina lang.

Inawat niya si Dara na nagpupumiglas sa hawak niya. Alam niyang malapit na nitong maabot ang pagkainis nito. Sa tagal ba naman nilang magkasama ay kilalang kilala na niya ito.

"Dara please? Tama na." Bulong niyang sabi.

Pumunta na ito sa upuan niya at pabalibag na umupo. Yumuko muna siya sa kanilang guro upang senyales na humihingi siya ng paumanhin sa nangyari at sumunod na kay Dara.

Buong klase ay panay ang tapon sa kanya ng masasamang tingin nila Kryzelle pati ang mga alipores nito.

Sa nakalipas na tatlong oras ay tumunog na bell senyales ito ng kanilang break time. Sinalubong sila ni Minzy at Bom sa pagkalabas pa lamang nila ng classroom. Nasa mukha pa rin ni Dara ang pagkainis dahil sa nangyari kanina.

"Oh? Anong mukha 'yan, Dara?" Tanong ni Minzy habang papaupo na sa kanilang upuan.

Nagpaalam muna si Bom na bibili ng kanilang pagkain.

"Paano ba naman kasi may nakasagutan kami kanina!"

"Eh ano ngang nangyari?"

"Tanungin mo Cathy." Walang gana nitong sagot.

Binigyan ni Minzy ang dalaga ng isang magsabi-ka-sa'kin- look. Huminga muna ito ng malalim at nagkwento tungkol sa nangyari kanina.

Nang matapos niya ang kwento ay dumating naman si Bom na bitbit ang kanilang pagkain. May kasunod itong estudyante na tinulungan siyang magdala.

"Cathy alam mo bang sikat ka na sa twitter dahil sa pagtitisod sayo nila Kryzelle." Saad nito habang isa isang binibigay sa kanilang ang pagkain.

"Thank you be." Pa-cute na sabi nito sa binatang tumulong sa kanya.

Sa kanilang magkakaibigan ay noong Junior High School lang nila nakilala ang mga ito. Noong grade 8 sila, nagkakilala ang nangyari pa nga ay binully ito ni Dara at inasar asar pa. Tinapunan pa ito ng slim. Pero di naglaon ay naging kaibigan niya ang mga ito.

Hindi naman mahirap makasundo ang mga ito dahil sa mababait ito kahit na may mataas na antas sa buhay.

"Alam mo na 'yon, Minzy?" Tanong nito at habang kumakain ng mais.

"Oo kakakwento lang nila sa'kin."

"Kilala mo sila, Bom?" Kunot noong tanong ni Dara at itinuwid ang kanyang upo.

"Hmmm. Hindi ko naman sila totally kilala. Naririnig ko lang sa mga kakilala ko. Sila daw ay ang Mean Girls dito sa school, actually kilala din sila dahil nga sa tatlong beses ba silang nagrepeat."

Napatingin naman siya rito. Sa totoo lang mas gugustuhin niya pang mag-aral sa isang pampublikong paaralan kesa rito, hindi naman niya talaga choice ang school na ito dahil pang mayaman ito at wala siya 'non. Utak lang ang meron siya, pero dito kasi ang kagustuhan ng mga kaibigan niya kaya kung saan ang mga ito, doon na rin siya.

"Huh. Repeater naman pala!" Matabang na saad ni Dara.

"Pero syempre mag-ingat pa rin tayo kasi mainit ang mata nila sa'tin ngayon."

"Bakit naman na sama pa kayo?" Tanong niya. "Ako lang naman ang pinag-iinitan eh."

"Ay nako, Cathy. Damay damay na 'to. Atsaka alam mo naman na hindi kami papayag na saktan saktan ka lang nila ano!" Napangiti naman siya dahil sa sinabi ni Dara.

Biglang napawi ang ngiti niya at biglang napatayo ang mga kaibigan niya dahil sa kung anong malamig na bagay ang tumulo mula sa ulo niya.

"Ano ba 'yan?!" Galit na saad ni Minzy.

"Kawawa ka naman kasi, baka pati inumin hindi mo afford." Nagtawanan naman ang mga tao sa canteen. Sa halip na tulungan sila ay nanatili ang mga ito sa kani-kanilang upuan.

"Let's go, Girls. Baka naman magka-virus pa kayo sa mga iyan." Rinig niya ang papaalis na tunog ng mga sapatos ng mga ito.

Lumapit agad sa kanya ang mga kaibigan na mayroong inis at awa sa kanilang mukha.