webnovel

When Everything Changed | On- Going |

When Series # 1 Kaireen already knew the truth but the thing she want to know is who. Who was there beside her that night? Dalawang lalaki na ang nagsabi na wala silang alam kung sino ang tinutukoy niya. She even went out of the country to unwind her mind and self and after years... Hahanapin pa bah rin niya ang lalaking gusto niyang makilala? O baka wala lang talaga siyang alam na ang lalaking matagal na niyang gustong makita ulit ay nasa harapan na niya. 'When everything changed, my love for you won't fade and that's my promise my love'

Psyche_Alfiera · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Two

Chapter Two.

Magkakilala

"Nakagawa ka ng assignment, Kai?" tanong sa'kin ni Patricia habang naglalabas ng notebook para sa susunod na klase namin.

"Oo bakit?" sagot ko at ngumiti naman siya sa'kin, tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Pareha tayo! Nakaassignment rin ako!" natutuwang saad niya habang kinakaway ang notebook niya.

"Mukhang himala ang araw na ito! May bumatok bah sa ulo mo ng malakas?" nang- aasar na tanong ko at sumimangot naman siya.

"Grabe ka ah! Porke't kopya ako ng kopya sa iyo ganyan na ang tingin mo sa'kin, ang bad mo" parang batang sagot niya at inirapan ko naman siya.

"Patingin ng mga sagot mo, titingnan ko lang kung may similarities bah tayo" usal ko at binigay naman niya sa'kin ang notebook niya.

"May lakad daw tayong anim mamaya" maya- maya'y sabi ni Patricia habang abala ako sa pagbabasa ng mga sagot niya at sa'kin. Napataas naman ang kilay ko.

"Anim? Sino ang pang- anim?" nagtatakang tanong ko habang abala pa rin ang mga mata ko sa notebook namin.

"Duhhh si Queco! Sasama daw siya" sagot niya at nagulat naman ako.

"Ano?! Sinong nagtext sa kanya?" tanong ko at tamad naman akong tiningnan ni Patricia.

"Sino pa bah? Edi ang dalawang bruha, pinilit nilang sumama si Queco para happy naman tayo" sagot niya at nanlaki naman ang mata ko.

"Baka magirls- talk yung gunggong na yun! O mapagkamalan na bakla" sabi ko at natawa naman si Patricia at napangisi. Mukhang may binabalak ang isang toh.

"Mabuti na yun! At isa pa, um- Oo naman si Queco kaya sabay tayong tatlo na lalabas mamaya" saad niya at tumango nalang ako.

"Oh eto na notebook mo, may ibang sagot na di tayo magkapareha pero may parehong ideya kaya oks na yan" sabi ko habang inaabot ang notebook niya at agad naman niya iyong tinanggap.

"Anyways Gurl. Nakita ko si Zaniel kaninang umaga may kausap na babae sa labas ng gate" pag- iiba na naman no Patricia sa usapan at napairap naman ako.

"Napakatsismosa mo naman! Baka si Metichia lang yun" tamad na sagot ko.

"No! Hindi si Chia ang nakita ko kundi ibang babae, parang Ate or Momma niya ata? Ahh basta! Pero parang may tensyon sa kanilang dalawa" agad na sagot niya at nabuhay naman ang interes ko.

"Bakit mo naman nasabi yan?" tanong ko.

"Well nakita ko ang galit sa mga mata nung babae kay Zaniel habang malamig na tingin naman ang kay Zaniel, parang seryuso ang pinag- uusapan nila" sagot niya. Kung seryuso... Ano naman yun?

"Weeeh? parang magiging chismosa na naman tayo ngayon, Pat" saad ko sa kanya at natawa naman siya.

"Tumpak!" sagot niya at minuto ang lumipas ay dumating na ang prof. namin at nagsimulang magklase at inabala naman namin ni Patricia ang sarili sa pakikinig.

Dumaan ang dalawang oras na pagsusulat at pakikinig sa prof. ay natapos ang ikalawang klase namin sa umaga kaya lunch time na namin. Sabay kaming lumabas ni Patricia sa classroom na dala ang gamit namin. Laking gulat ko na nasa labas ng classroom namin si Kuya Yaro, Khairo, at Kuya Veron na parehong nakasandal sa pader. Parang mga tanga.

"Oh? Anong ginagawa ninyong tatlo rito?" tanong ko at napaayos naman sila ng tayo.

"Sa mall daw tayo kakain, dumating na sila Mommy galing labas ng bansa" si Kuya Yaro ang sumagot sa'kin at sinulyapan niya naman si Patricia, nagulantang naman si Pat sa sulyap na ginawa ni Kuya Yaro. Kinilig ang tanga.

"So Pat, mukhang ikaw lang mag- isa kakain ngayong lunch. Okay lang bah sa iyo?" bumaling ako kay Patricia na nakatitig pa rin kay Kuya Yaro.

"My sister is asking you, woman" malamig na sabi ni Kuya Veron at napahiya naman si Pat.

"Ayy sorry! Nako! Oo naman okay lang ako lang mag- isa maghahnap nalang ako ng kasalo. Sige babye Kai, mwuah!" hinalikan niya ako sa pisngi at dali- daling tumakbo patungo sa hagdan na papunta sa cafeteria.

"Why did you say that Kaireen is your sister? She's just your cousin and she's my sister" parang naiinis na saad ni Kuya Yaro, napairap ako. Napaka- OA.

"Tumahimik ka na nga lang diyan Kuya, you two are both my brothers and I am your sister" pagsasabay ko sa english nila. Nakita ko namang ngumuso si Khairo. Nagsimula na kaming maglakad.

"Woi! I think you forgot that brother mo rin ako?" english- pakang tanong ni Khairo at tiningnan ko naman siya.

"Ay nandiyan ka pala, my brother? Ngayon lang kita nakita" nang- iinis na sagot ko at natawa naman ang dalawang gunggong sa tabi ko.

"Bahala ka nga diyan! Isusumbong kita kay Mommy ngayon" saad niya na nakanguso at kumalabit naman ako sa braso niya.

"Aww my big brother is already jealous" pang- aasar ko sa kanya at kumunot naman ang noo niya. Aangal na naman siya.

"I'm not jealous! I'm pissed!" angal niya at inirapan ko naman siya.

"Edi you're pissed" I said and looking to my two brothers at the back. "Where are we going to eat, Kuya? And Mommy didn't text me na umuwi na sila nor Daddy" nakasimangot na tanong ko.

"Daddy texted me in the morning at hanapin lang daw natin sila sa Mall" sagot ni Kuya Yaro at tumango naman ako. Bago kami nakalabas sa gate ay nakita namin si Queco at Ate Yannise, at Ate Veronica na nag- aabang sa'min.

"Hii Ate Yannise!" masiglang bati ko kay Ate at hinalikan niya naman ako sa pisnge.

"How was school my sweet little sister?" malambing na tanong niya at ngumiti naman ako.

"Okay lang naman po! Kamusta naman sa inyo Ate?" tanong ko rin at nagsimula na kaming maglakad.

"Ayos lang rin naman, naiinis lang sa Kuya mong walang ginawa kundi mambabae" binulong niya ang huling salita niya. Tiningnan ko si Kuya Yaro na matalim nang tinitingnan si Ate Yannise sa tabi ko.

"I heard you Yannise Val Celestar" malamig na sabi ni Kuya Yaro at umirap lang si Ate Yannise at binelatan si Kuya.

"I don't care Yaro Veleir Celestar" sagot ni Ate Yannise at lumapit naman si Queco sa'kin.

"May lakad daw tayo mamaya sabi ni Weshia" bulong niya sa'kin.

"Nasabi rin sa'kin ni Pat" sagot ko.

"Saan daw punta natin?" tanong niya at nagkibit- balikat lang ako.

"Di ko alam eh, hindi bah nasabi nila Weshia at Tessa?" balik tanong ko at umiling rin siya.

"Mukhang mamaya pa natin malalaman, sabay tayong lumabas ni Patricia mamaya" tumango ako sa sinabi niya at inakbayan naman ako ni Khairo.

"Wassup my little sis!" bati niya sa'kin.

"What do you want my pissed big bro?" sagot ko rin sa kanya at nakita ko namang sumimangot siya. Pikon na naman siya.

"I'm not pissed already" pagdedepensa niya at ngumisi naman ako. Sumakay na kami sa sasakyan namin, bale dalawa ang sumundo sa'min at kasama ko ngayon sa isang sasakyan ay sina Ate Yannise at Ate Veronica.

"Pero in fairness Val, nakita ko si Miss Caith kanina kausap ang anak niya. Mas maganda siya sa personal like owemji!" narinig kong sabi ni Ate Nica.

"Really?! Sayang naman sana sumama ako sa pagpunta mo rito kaninang umaga" nanghihinayang na sagot ni Ate Yannise.

"Well it's fine, mukhang makikita naman natin siya ngayon" pangchecheer- up ni Ate Nica at lumiwanag naman ang mga mata ni Ate Yannise. Naout of place na si oka.

"Weh? Paano mo naman nasabi?" tanong ni Ate.

"I dunno, nararamdaman ko lang. Excited na akong makita sila Mommy at Daddy" pag- iiba ni Ate Veronica sa usapan.

"Yeah me too" tipid n sagot ni Ate Yannise at busy na sa pagtitipa sa cellphone niya at pati na rin si Ate Nica. Inopen ko rin ang phone ko at nagsimulang magscroll sa IG at ang nakaagaw- pansin sa atensyon ko ay ang pagfollow sa'kin ni Chia.

Chia_Guel started following you. I followed her of course kaya nakita ko ang IG story niya na kasama si Zaniel na busy sa cellphone niya. At may letters na 'OTW'. Saan kaya ang punta nila. Nakatag rin si Zaniel kaya nangstalk rin ako.

NielXavriel

1 post 5 980 followers  1 following

Ordinary Man

Future to be yours. If you want too.

Wew ang daming followers ah! At ang finollow niya lang ay si Chia, ang picture na pinost niya lang ay nasa restaurant siya na may hawak na wine sa kanang kamay niya at nakaeyeglasses siya roon na bagay na bagay sa kanya, nakangiti siya pero di masyadong kita ang ngipin at ang profile niya naman ay nasa sofa siya at nakaindian- seat na busy kunwari siya sa laptop. Gawd! Hindi nag- iba ang mukha niya. Nangstalk rin ako kay Metichia.

Chia_Guel

50 post 13 400 followers 19 following

Soon to be Miss Universe ya'll

Future FA

Model nga si Metichia dahil sa mga post niya na puro nakafierce at may mga picture rin siya na may katabi na artista, ang profile niya ay nasa eroplano na nakapikit na nakangiting inaamoy ang kape. May similarities sila ni Zaniel, sana all maganda.

"We're here!" saad ni Ate Nica at unang bumaba, sumunod naman kami ni Ate Yannise. Pagpasok naming pito sa Mall ay naagaw namin ang atensyon ng mga tao.

"Parang nakakita ata sila ng artista" bulong ni Queco sa'kin at siniko ko naman siya.

"Tumahimik ka na nga lang diyan, what floor daw na restaurant ang kinaroroonan nila Tita at Mommy Kuya Veron?" baling ko kay Kuya Veron na may katext sa cellphone.

"Second floor, right side text ni Mommy" sagot niya at nagsimula na kaming maglakad.

"Oh my gosh the Celestar and Arellano siblings! Ang tatangkad at gaganda ng mga mukha nila!" rinig naming hiyaw ng isang babae na may tatlong kasama.

"Ngayon ko lang rin nakita si Decquen Conor!" saad naman nung isa at marami pang bulong o hiyaw abg aming narinig.

"Di ko akalain na ganyan pala kaganda si Kaireen Hanael Celestar! Para siyang dyosa na bumaba sa lupa" nahiya ako sa sinabi ng iba at lumapit nalang kila Kuya Yaro. Di ko rin akalain na marami palang nakakakilala sa'min!

"Oh my precious little angels" bati sa amin ni Mommy at isa isa kaming bumeso sa kanya at sa huli ay ako ang niyakap niya.

"How are you Celestar and Arellano siblings?" natatawang tanong ni Tita Vennise.

"We're fine Mom. Where's Dad?" tanong ni Kuya Veron. Nagtungo kami sa isang tagong malaking lamesa kung saan nandoon si Daddy at Tito Ronel. Niyakap kaagad ni Ate Yannise si Daddy nung makita niya ito.

"Oh nandito na pala ang pitong magpinsan,halina't umupo na kayo at kumain" saad ni Tito Ronel at umupo naman kami, katabi ko si Mommy at kabila naman ay si Kuya Yaro.

"How was school angels?" tanong ni Tita Vennise pagkatapos naming magdasal at nagsimula nang kumain.

"It was fun Mommy at marami na naman akong nakilala at bagong kaibigan" sagot ni Ate Nica.

"That's good how about you Conor?" baling ni Tita kay Queco na subo nang subo na parang wala ng bukas. "Eat properly! What are you doing?!" uminom naman kaagad si Queco ng drinks at nilagok lahat ng kanin at putahe sa bibig niya. Tsh! Patay gutom talaga!

"Okay lang naman Mom, masaya rin ako at mataas pa rin ang grades ko" sagot ni Queco habang pinupunasan ang bibig niya.

"Let's talk about you, Veleir" seryusong sabi ni Daddy habang ang tingin ay nandoon kay Kuya Yaro. "Val told me that you're courting someone, does it mean you aren't focusing on your studies?" matalim nang tiningnan ni Kuya Yaro si Ate Yannise na busy sa pagkain.

"That wasn't true Dad. I am focusing on my studies and that someone is my groupmate in our activity so you don't have to worry" sagot naman ni Kuya Yaro.

"Hmpf! Sinungaling!" bulong ni Ate Yannise.

"You Haiven? Your courting someone also?" baling ni Daddy kay Khairo na umiling rin.

"Wag kang masyadong mahigpit sa kanila Kael, sige ka di ka na nila papansinin niyan pag grumaduate na sila" pananakot ni Mommy kay Daddy at lumambot naman ang tingin ni Daddy kay Mommy.

"I just want them to focus on their studies, Hannah" malambing na ani Daddy at pinagpatuloy na namin ang pagkain.

It was fun at puro tawa lang kami sa hapagkainan at mahaba pa ang oras namin bago magsimula ang sunod namin na klase kaya sinulit naming pito ang oras kasama ang magulang. Paglabas namin sa restaurant ay sinabi ni Tito Ronel at Daddy na bibilhan daw kami ng bagong damit at sapatos kaya excited sina Ate Yannise at Ate Veronica.

"Ikaw Hanael? What do you want?" tanong sa'kin ni Mommy habang nakasabit ang braso niya braso ko.

"I want... books and new art materials Mommy" sagot ko at natawa naman siya.

"Sure darling! Kael! Bibili lang kami ni Baby Nael sa National Bookstore! Samahan mo muna sila ha?" sigaw ni Mommy kay Daddy na busy sa pag- uusap ni Ate Yannise.

"Sure Honey! Just take care!" sigaw pabalik ni Daddy at lumabas na kami sa Store at bumaba para magtungo sa National Bookstore.

"Sige na Hanael, you can choose whatever you want" malambing na saad ni Mommy at tumango naman ako.

Nagsimula na akong pumili ng librong pwedeng mababasa at limang libro ang nabili ko at pumunta na ako sa Art materials at pumili ako ng magandang kalidad ng mechanical pencil, bumili rin ako ng isang pack na canvas board at pupunta na sana ako sa painting brush area ay nabunggo ko ang isang lalaki.

"Hala! Sorry! Okay ka lang?" nag- aalalang tanong ko sa kanya at tinanggal niya naman ang pagkakahood niya. Bakit siya nandito?!

"I'm fine, Kaireen" sagot niya at natulala naman ako. Binanggit niya mismo ang pangalan ko!

"Oh nandoon lang pala si Nael!" paglingon ko ni Mommy ay may kausap na siyang magandang babae na kaedad niya rin. "Come here baby! Nakapili ka na ng gusto mo?" tanong niya at tumango naman ako.

"How about you Xavriel?" tanong nung Mommy ni Zaniel.

"Nah I will buy later, may klase pa ako" tipid na sagot ni Zaniel at tumango lang at ngumiti ang Mama niya.

"Aalis na kayo Caith?" tanong ni Mommy at nanlaki naman ang mga mata ko! CAPITAL T H E F U C K! kakilala ni Mommy ang Mommy ni Zaniel!

"Yeah we gotta go now, Hannah may klase pa si Xavriel at ang pinsan niyang si Chia. Take care and it's good to see you. Sana magfriend's date tayo" bumeso si Mrs. Caith kay Mommy at umalis na kasama si Zaniel pero bago tumalikod si Zaniel ay tiningnan na naman niya ako. Ano bah talagang problema niya sa mukha ko? Nakakainis!

"Let's go to the counter na Nael, baka malate pa kayo sa next class ninyo" suhestiyon ni Mommy at agad na pumunta sa counter at si Mommy ang nagbayad.

"Hayy ang tagal ko rin hindi nakita si Caithly, mga pitong taon na" biglang sabi ni Mommy nung makalabas kami sa National Bookstore.

"Magkakilala kayo, Mommy?" tanong ko at ngumiti naman siya at tumango.

"Yeah since nasa tiyan pa kita at nasa tiyan pa niya si Xavriel ay magkakilala na kami" sagot niya. Akala ko ay kami lang ni Zaniel ang magkakilala... both of our mothers know each other so there's a big possibility na magkikita ulit kami kasama na ang pamilya ko at pamilya niya.

"Owemji! Mrs. Caith! Pwedeng pa picture? Sige na po! Ngayon lanng po kasi namin nakita" paglingon ko ay nagpapapicture na sila Ate Yannise at Ate Nica kay Mrs. Caith and I saw Zaniel staring at me.