webnovel

When Everything Changed | On- Going |

When Series # 1 Kaireen already knew the truth but the thing she want to know is who. Who was there beside her that night? Dalawang lalaki na ang nagsabi na wala silang alam kung sino ang tinutukoy niya. She even went out of the country to unwind her mind and self and after years... Hahanapin pa bah rin niya ang lalaking gusto niyang makilala? O baka wala lang talaga siyang alam na ang lalaking matagal na niyang gustong makita ulit ay nasa harapan na niya. 'When everything changed, my love for you won't fade and that's my promise my love'

Psyche_Alfiera · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Three

Chapter Three.

Coincidence

"Sumasakit na ulo ko..." reklamo ni Tessa habang iniinom ang beer niya, tinawanan lang siya ni Weshia.

"Lasing na rin ako...." reklamo rin ni Patricia na katabi ko ngayon. Di ko alam pero di pa rin ako nalalasing kagaya ni Weshia.

Nandito kaming lima sa condo ni Weshia at naisipan niyang uminom kami at heto at lasing na ang dalawa. Mababa ang tolerance ko pero nakasampung baso na ako ay okay pa rin ang ulo ko.

"Oh ikaw Kai? Lasing ka na?" tanong sa'kin ni Weshia at umiling ako, ngumiti.

"Talaga? Akala ko kasi lasing ka na" saad ni Leria sa'kin at tumabi naman ako sakanya.

"Di ko nga rin alam bakit di pa ako lasing" sagot ko sa kanya. Juice lang ang ininom ni Leria dahil hindi siya pwedeng umuwi na amoy alak baka masabi ni Tita Lexi na bad influence kami na mga kaibigan.

"Pero Hahahahahahahahaha alam ninyo guys!" biglang sigaw ni Tessa at napatingin kami sa kanya. "Sinagot na ako ni Kiel! Wohoo! Saktong- sakto nagcecelebrate tayo ngayon!" dagdag niya at humalagapak naman sa tawa si Patricia. Halatang lasing na ang mga timang.

"Bakit ikaw ang sinagot? Wahahhahaha tinuloy mo talaga ang panliligaw sa lalaking yun ha? China oil sinagot na" natatawang saad ni Patricia na pulang pula na ngayon ang mukha. Mabuti nalang at weekend na naman bukas.

Lunes huli kong nakita si Zaniel sa mall at sa sumunod na araw ay nakikita ko lang siya sa cafeteria kasama si Chia at iba pa niyang kaibigan. Nakakapanlumo at di na niya ako pinapansin. Kailan ka ba pinansin nun, Hanael? Eh sa titig lang ang magawa niya sa'yo. Tinungga ko na lahat ng nasa bote at lasang- lasa ko ang pait at anghang na yun. I am wearing a high- waisted jeans at white crop- top na may letter sa gitna na 'K' at nakasuot ako ng flat white shoes.

"Wow grabe ka na uminom ngayon Kai ah? May pinagdadaanan gurl?" tanong ni Weshia pagkatapos kong inumin ang alak.

"Yah! Parang may pinagdadaanan yang babaeng yan! Eh minsan lang umiimik sa klase at nakatsulala pa shiya hahahaha parang shiyang tanga!" sagot ni Patrcia na nabubulol pa.

"Wala akong pinagdadaanan noh!" dagdag ko at tinaasan naman ako ng kilay ni Weshia.

"Weh? Spill the beans gurl, huli ka na sa akto noh" interesanting saad ni Weshia habang nilalaro ang baso na may lamang alak sa kaliwanh kamay niya.

"Ewan ko sa inyo! Wala nga akong pinagdadaanan" pagdedepensa ko at tinawanan lang ako ni Tessa at Patricia. Pvcha! Para na silang mga baliw!

"Ano naman itong nalaman ko kay Conor?" tanong ni Tessa.

"Na ano?" tanong rin ni Pat.

"Na kakilala mo raw yung gwapong guy na nakita natin last week sa kainan" saad ni Tessa at nanlaki naman ang mata ko. Ano?! Paano nalaman ni Queco na kakilala ko si Zaniel?! Puting naman oh!

"Naniwala ka naman?" masungit na tanong ko at natawa lang silang apat.

"Hahahaha aminin mo na kasi girl! Kaya ka lumipat sa section ko para lumayo sa kababata mo" pang- aasar ni Patricia Takte! nahuli na ako sa akto! Pvcha!

"Kababata mo siya Kaireen?" tanong ni Leria at inirapan ko lang siya.

"Ano kaya ang reason bakita ka lumipat, HAHAHAHAHA baka may love history kayo nun. Owemji! Gusto ko atang malaman" nang- aasar na rin si Weshia.

"Tumigil na nga kayo!" sigaw ko pero di sila natinag.

"Baka sinabi ni Kaireen kay Zaniel na.... 'Crush kita... simula nung makita kita'" saad ni Tessa at natawa naman si Patricia.

"Tapos sinabi ni Zaniel na... 'Sorry pero kaibigan lang ang tingin ko sa iyo' WAHAHAHAHAHHA mukhang nafriendzone si Kaireen nung bata pa siya" dagdag ni Pat at namula na ako hindi dahil sa kilig kundi sa inis.

"Woi... namumula na si Kai" bulong ni Leria sa kanila at napatingin silang lahat sa'kin.

"Pwede bah?! Tumigil na kayong tatlo! Naiinis na ako sa inyo!" sigaw ko sa kanila at agad kinuha ang sling bag at lumabas na ng condo. Narinig kong sinisigaw nila ang pangalan ko pero di na ako lumingon. Nakakainis!

Pumunta agad ako sa elevator at walang tao pagpasok ko pero nahihilo na ako. Shet! Parang tumalab na ang alak na ininom ko kanina. All I can see is waving things in my sight at puro dalawa ang nakikita ko. Pvcha! Paano ako makakauwi neto?! Pindot lang ako ng pindot sa elevator at nung bumukas ay agad akong lumabas pero natumba ako paglabas.

"Are you okay Miss?" baritonong boses ang narinig ko, minulat ko nang maayos ang mga mata ko pero isa lang dumilat. Di ko maaninag ng maayos ang mukha nung lalaki! "Miss? I'm asking you, can you stand up?" inalalayan niya akong makatayo pero pagtayo ko ay natumba ulit ako, sinalo niya ako!

"Iuwi mo ako! Baka kung ano ang gagawin mo sa'kin" pagpupumiglas ko at bumulong siya sa'kin.

"It's me Kaireen" anong itsme? Pangalan bah yun? kinarga niya ako at naging komportable naman ako sa pagkakarga niya.

"Sino ka bah ha?" tanong ko habang nakakarga pa rin sa kanya.

"I thought you know me?" natatawang tanong niya at pumasok ulit kami sa elevator.

"Di kita maaninag ng maayos" pagsasabi ko ng totoo pero natawa lang siya.

"Just sleep, ihahatid nalang kita. Where is your address? Condo? Apartment? Where?" tanong niya nung bumukas ulit ang elevator at sinakay niya ako sa kotse niya, sa likod. Bigtime ata tung kausap ko.

"I don't know I forgot" sagot ko and I saw his eyes amused what I said.

"What do you mean? Sariling tahanan hindi mo maalala?" di makapaniwalang tanong niya at hiniga ko nalang ang sarili ko.

"I don't know, iuwi mo nalang ako sa inyo" wala sa sariling sagot ko at nanlaki na naman ang mga mata niya. What's his problem? May nasabi bah akong mali?

"What are you saying? Where is your phone? I will find your address" seryusong saad niya at kinuha ko naman ang cp ko at binigay sa kanya.

"Here! Iuwi mo nalang kasi ako" pagpupumilit ko pero di niya ako pinansin.

"Your phone is dead" tipid na sabi niya at pumikit nalang ako.

"Just take me to your home" saad ko at narinig ko siyang bumuntong- hininga.

Wala na akong narinig na sagot galing sa kanya at pumikit nalang, naramdamman ko nalang ang pag- andar ng kotse at paghinto nito. Naramdaman ko rin na may kumarga ulit sa akin. Agad kong dinilat ang mga mata ko nung bumaliktad ang sikmura ko.

"Ibaba mo ako! Nasusuka ako!" sigaw ko at binaba niya naman ako. Sumuka ako sa may mga halaman na malapit sa parking lot.

"Are you okay now?" tanong nung lalaki at inabot niya sa akin ang mineral water bottle na hindi ko alam kung saan nanggaling. Kinuha ko rin ang panyo sa sling bag at pinunasan ang labi ko. Nakakadiri na ako!

Umupo ako sa may bench at doon ininom ang tubig na binigay niya sa'kin, parang nahimasmasan ako roon ah! Tiningnan ko ang lalaking... nanlaki ang mata ko sa gulat nang mapagtanto ko kung sino ang katabi ko ngayon!

"Zaniel..." nasambit ko nalang at tumingin naman siya sa'kin.

"Okay ka na?" nakangiting tanong niya at naramdaman ko ang pamumula ng mga pisnge ko.

"Oo... medyo nahihilo pa" sagot ko at tumayo na siya.

"I think you know where your address is" saad niya at tumango ako. Nakakahiya ka Kaireen Hanael! Nakakahiya! Pvcha! Pvcha!

Paulit- ulit kong minumura ang sarili gamit ang isipan ko at habang nasa byahe kami papunta ng apartment ko ay tahimik lang ako at pati rin siya na panay sulyap sa rear view mirror.

"Anong sinasabi ko kanina?" tanong ko and I saw how he smirked what I asked.

"You forgot?" tanong niya pabalik at napairap ako. Nagtatanong bah ako kung hindi?

"Ugh nevermind!" asik ko at natawa naman siya.

"Well I thought when you get drunk, you can remember all the things you did after" may patrivia pang nalalaman, ewan ko sayo!

"Dami mong sinabi, at isa pa! Wala naman akong ginawang katarantaduhan hindi bah?" tanong ko at tumaas ang isang kilay niya.

"Hmmm" yun lang ang sagot niya! Peste! Anong sagot yan?!

"Bahala ka na nga sa buhay mo!" saad ko at nung makarating ako sa apartment ay bumaba agad ako. "Salamat sa paghatid" tipid na sabi ko.

"You're welcome" tipid rin na sagot niya at sinarado ko na ang pinto at naglakad papunta sa loob ng apartment.

_

Araw ng Martes ay bumili kami ni Queco sa Mall ng maisusuot sa party ni Ate Veronica mamaya, it's her 19th birthday at kailangan nandoon kami para maging espesyal ang kaarawan niya. Di ko pa rin pinapansin ang lima kong kaibigan lalo na si Patricia na lagi kong kasama. Panay tawa lang siya kahit alam ko naman na nagtatampo na siya sa'kin. Magtampo siya! Bahala siya!

"Paano kung ito nalang ang susuotin ko Kaireen?" tanong ni Queco habang sinusukat ang dark blue suit na bagay naman sa kanya.

"Okay lang naman pero I prefer you wearing the light grey suit" turo ko sa sa light grey na suit at sumimangot naman siya at sinauli ang hawak niya at nagtungo sa tinuro ko.

Isa itong fashion botique na pwede sa lalaki at babae at puro sikat ang designer and gumawa ng mga suits, cocktail dresses, long gowns, at fitted gowns. Pumipili rin ako ng cocktail dresses pero naramdaman kong fitted gowns ang susuotin ng mga babae sa party, wala rito ang mga designer at nasa ibang bansa sabi nung nagbabantay sa cashier.

"Mas gusto ko talaga yung dark blue Kai eh" reklamo ni Queco at umirap nalang ako sa kanya.

"If that's what you think na bagay sa iyo, sige Go! Bilhin na natin para makauwi na ako at makapaghanda" sagot ko at lumiwanag naman ang mata niya at kinuha na ang gusto niya na suit. Wala pa rin akong mapili!

"Ano kaya susuotin ko mamaya?" bulong ko sa sarili habang tumitingin sa mga fitted gowns.

Naagaw ng atensyon ko ang isang fuscia na fitted gown pero parang hindi ako komportable kung masusuot ko na at ang nagustohan ko ay ang fitted red gown na open ang likod at may string para isabit sa leeg at maluwag ang bandang dibdib. Agad ko itong kinuha at pumunta sa fitting room at saktong- sakto lang sa katawan ko. Okay na ito!

"Holy f*ck! Ang ganda mo sa suot na yan Kai!" saad ni Queco pagkalabas ko para tumingin sa salamin. Nahiya naman ako.

"Tumahimik ka nga" sabi ko at napatingin naman ang ibang tao na pumipili rin ng maisusuot.

"Ang ganda mo Miss Celestar" saad nung cashier na malapit lang sa mahabanh salamin.

"Gosh! Akala ko ay wala nang may mas igaganda ang nanalo sa Campus Queen natin last year meron pa pala!" rinig ko ang sabi nung babae na kaedad ko sa katabi niya.

"Ang ganda naman niya" rinig kong bulong ng isang bata na ang edad ay nasa fourteen at nginitian ko naman siya.

"Mommy look! Beautiful girl!" rinig kong sigaw ng batang babae na hawak ang kamay ng kanyang ina, nginitian ko rin siya.

"That's Kaireen Hanael Celestar baby" sagot ng kanyang ina at mas lumiwanag ang mga mata nung bata.

"Magbihis ka na woi! Naging artista ka naman sandali Hahaha" natatawang saad ni Queco at nakasimangot akong tumingin sa kanya. Tiningnan ko lang sandali ang sarili ko at nagbihis na ulit sa fitting room.

Pagkatapos namin sa Botique ay sinabihan ko si Queco na bibili ako ng heels na terno sa susuotin ko mamaya at pumayag naman siya. Imbitado sila Tessa, Weshia, at Leria mamaya sa party lalo na si Patricia dahil sinabihan ni Queco si Ate Nica na may bisita daw siya. Ang kupal rin talaga ni Queco eh hindi naman niya birthday. Papansinin ko nalang sila mamaya baka magtampo na silang lahat sa akin.

"Not bad you look gorgeous in that attire darling" sabi ni Mommy nung makapasok siya sa kwarto ko. Nandito ako sa mansion namin umuwi at sa apartment ako matutulog.

"Thanks Mommy" saad ko at napangiti naman siya at hinaplos ang buhok kong nakabagsak at nakasoft curls.

"Mas mabuting messy bun ang hairstyle mo, Kai. Madali ka lang kasi pagpapawisan lalo na at ganyan ang buhok mo" suggestion si Ate Yannise na ang buhok ay nasa left side na nakacurl rin.

"Your sister is right, you will look extra gorgeous" pagsang- ayon ni Mommy at tinali nga nila ang buhok ko na ayon sa sinabi ni Ate Yannise.

"There! Mas formal kag tingnan!" ani ni Ate at ngumiti naman ako. Narinig namin na may kumatok at bumungad ay si Daddy na natulala pagsilip niya.

"Wow ladies... you three look beautiful tonight" bati sa amin ni Daddy at napahagikgik naman si Mommy. Sana all.

"Let's go baka malate tayo sa opening" di namin namalayan na nakasunod lang si ate Yaro kay Daddy.

Nagtungo na kami sa Five Star Hotel kung saan ang venue ng party at pagpasok namin ay marami nang tao, mga kaibigan ni Ate Nica, mga kakilala ng parents niya at parents ko.

"Happy Birthday Veronica Dawn!" bati ni Ate Yannise kay ate Nica paglapit niya rito.

"Happy Birthday Ate Nica!" bati ko rin at bumeso sa kanya. Ang ganda niya tingnan sa fuscia fitted dress na suot niya, she has this little cute silver crown sa ulo niya.

"Bakit naging bata ka ata sis?" nang- aasar na tanong ni Ate habang tinuturo anh crown ni Ate Nica.

"Daddy bought it at gusto niya makita na nakasuot ako neto ngayon" natatawang sagot ni Ate Nica.

"Pero bagay sa iyo, nga pala I have a gift for you. Hanael, may pupuntahan muna kami ni Ate Nica mo ha? Pakisabi nalang kila Mommy" saad ni Ate Yannise at tumango ako. Iniwan nila ako sa table at tumayo naman ako para kumuha ng pagkain sa catering.

"Wow ang ganda mo naman ngayon teh" nagulat ako nung may bumulong sa kaliwang tenga ko.

"Wag mo nga yang gulatin kaibigan natin Weshia!" sigaw ni Pat at lumiwanag naman ang mga mata ko nung makita silang lima na nasa kaliwa at kanan ko.

"Wag mo rin nga yang pansinin ang babaeng yan! Iniwan tayo nung biyernes at di pa pinansin si Pat kahapon" mataray na saad ni Tessa.

"Napakachildish mo" komento ni Leria na nasa tabi niya. Napakagarbo nila tingnan sa mga suot nila ngayon at kagaya ko ay nakafitted dress sila at ang kay Tessa lang ang may hiwa sa gitna ng dibdib.

"Pero ang ganda ni Tessa ngayon" pang- uuto ko at nanlaki naman ang mga mata niya.

"Duhh! Ngayon ka lang sa gandang itinaglay ko?" mataray na tanong niya sa'kin. Ay parang hindi siya nauto.

"Hayaan mo na yan Kai, may pinopormahan yang babaeng yan" bulong ni Weshia.

"Kumain na muna tayo bala dumating na si Kiel at hinahanap na ako" malambing na saad ni Tessa at natawa nalang si Pat sa tabi ko.

"Parang aso talaga kung maghabol, eh hindi naman sinagot ang gaga" bulong ni Patricia at nagsimula na kaming pumili ng makakain.

"Woi Leria! Kumain kapa ng marami! Sa sobang sexy mo baka maging kawayan ka na niyan" walang- hiyang sabi ni Tessa at nilagyan ng sweet and sour fish ang plate ni Leria.

"Uhmm Tessa..." Leria said in a small voice at tinaasan lang siya ni Tessa ng isang kilay. Gaga talaga ang baliw!

"Ano?" nagtatakang tanong ni Tessa at binatukan kaagad siya ni Weshia.

"BOBA! Allergy si Leria sa isda!" ani Weshia at napahiya naman si Tessa.

"Ay sorry gurl akala ko kasi kumakain ka ng isda, eto oh sayo nalang ang plato ko at akin nalang yang plato mo hehe" parang tanga si Tessa at una na silang naglakad sa table, habang ako ay busy pa rin sa pagpipili pati na rin si Leria.

"Una na ako Kai" saad ni Leria at tumango lang ako. Agad kong kinuha ang clip para sa crispy squid rolls at nilagyan ang plate ko. I'm craving for this.

"Hinay hinay lang, marami pa sa stockroom" narinig kong ani ng isang lalaki at paglingon ko ay nakita ko Zaniel. Napasimangot ako dahil sa huli naming kita ay napahiya ako.

"What are you doing here?" mataray na tanong ko.

"I'm invited also my sister and what a coincidence" sagot niya. Anong coincidence?! Sinasadya ata toh ng panahon noh!