3 Chapter 02

Sa medyo malayo kami sa kaklase nag pwesto. Yung mga kaklase ko na mga babae ay bagsak ang balikat na nag simula. Ang ilan sa kanila ay patingin tingin sa deriksyun namin.

Ang mga ka kaklase ko at ang grade 11 ay naka linya katabi ang mga partner nila, tapos ang mga militar pili sa kanila ay naka tayo at para nag sisimula na sila. Napa baling ang tingin ko sa kasama ko ng mag salita ito.

"I'm General Chris Kuo Kayato, and you are?" linahad niya ang kamay niya na tinanggap ko rin naman.

"April Night." maikling pagpapakilala ko. Madaldal ako sa aking utak pero hindi sa personal. Nakaka-sayang kasi ng energy kapag lagi nalang nag sasalita.

Nag simula na akong mag stretching at siya naman ay hinubad ang type-A uniform na pang itaas niya kaya white t-shirt nalang ang suot niya, at bakat ma bakat ang katawan niya, parang puputok na nga ang t-shirt dahil sa katawan niya. Nice body build. Sa katunayan he is more than a good looking guy, halatang may panama talaga ito kapag sinabak sa gera. Mataas siya, mga 6 ft at medyo malaki ang katawan niya dahil sa mga muscle niya na bagay naman sa kaniya, maitim na buhok at singkit medyo ang mga mata, makapal na kilay.

Ahmm.. Did I just describe him? Oh well... wala naman nakaka alam.

"Aren't you going to change your clothes? You see, your classmates are in their P.E uniform but you are in your usual school uniform. And it's not nice to fight with a skirt." he ask.

"No. And I don't have any clothes to change on." I casually said. Walang mababakas na kahit na ano sa mukha ko. Di naman ako naka poker face para bang normal lang na expresyon.

"Why?" naka kunot ang noo niya.

"Some stupid students do such a freaking prank in my locker." pagdating ko kasi kanina sa locker area ay nakita ko ang P.E uniform ko na basa at gutay gutay. Sabi ko nga hindi na bago sa akin ito, they always bullied me, pero wala naman silang napapala.

Umarko ang kaniyang kilay at tinignan ako ng mabuti, siguro tinitignan ang reaksyon ko na hindi naman niya makikita dahil sa bangs na naka harang sa mukha ko, kaya tumango tango nalang ito.

"You can borrow my combat uniform, if you want." he said. Napa arko ang kilay ko. Napa kamot ito sa batok niya. "Or we can borrow an extra P.E uniform in your classmates."

"No need, perhaps I can fight with this clothes and if we ever going to borrow in my classmates they won't approve and if I use your combat uniform it would be big for me." nanonosebleed na ako dito at talaga namang napapa haba ang sentence ko kapag nag eenglish ako. Bakit kaya hindi nalang kami mag simula? nakaka sayang ng oras ang pag uusap namin, to be honest.

"Eh? How about your hair? Hindi mo ba yan itatali? Hindi ka na niyan nakaka kita" napanganga ako sa utak ko ng marinig ko ang boses niya. I clinched my fist. Tang'na Heneral na toh,! Nag tatagalog pala ang puts! Pinahirap hirapan pa akong mag english. Amputek!

Marunong naman palang mag tagalog! Napa haba pa tuloy ang sasabihin ko at talaga namang ma nonosebleed na ako!

"No need. Let's just fight." sa inis ko ay sinugod ko kaagad siya lahit na nag eestretching palang siya. Ininis niya ako eh.

Humanda toh! Dahil sa ininis niya ako yang maganda niyang mukha di ko yan titigilan hanggat di yan nag kakapasa. Sisipain ko sana siya sa mukha ng mabilis itong umilag.

"Woawh.. Hmm.. mukha marunong kang makipag laban. Hindi mo na kailangan sa basic combat, so I won't take easy on you pala." sinugod ko ulit siya.

Puro mukha ang punterya ko sa kaniya. Siya naman puro ilag kapag pinapatamaan ko siya at ganun rin ako kapag siya naman ang titira sa akin.

Sisipain ko sana siya sa mukha ng mahawakan niya ang paa ko. Pinilit kong makawala, pero letche lang at ang higpit ng hawak niya. Nanlaki ang mata ko na pilipitin niya ang paa ko, kaya napa ekot ako sa eri.

Pero bago pa ako lumapag ay mabilis ko siyang sinipa sa mukha. Sabay kaming lumagapak sa sahig.

F*cking sh*t ang sakit sa tagiliran at pwet. Dahan dahan akong na upo habang sapo sapo ang tagiliran ko. Pagka upo ko ay napa upo narin siya at hawak hawak ang mukha niya na namumula. Nagka hugis sapatos pa ang pula sa mukha niya. Parang gusto kong tumawa pero hindi na pala, not my thing. Kaya naman napa ngisi nalang ako. Serves him right!

"Ouch, that was freaking hurt."

May nakita ako kung ano sa hips niya na naka kabit. Pinaliit ko ang mata ko at ng makita ko kung ano ito ay mabilis pa sa alas kwatro na dumagan ako sa kaniya at kinuha ang patalim na nasa hips niya naka lagay. Naka higa ulit siya sa sahig at ako naman naka patong sa kaniya habang hawak hawak ko ang patalim. Tinutok ko ito sa leeg niya.

Nagulat siya pero agad din siyang naka galaw, pinalit niya ang pwesto namin. Siya na ngayon ang naka dagan sa akin, kinuha niya ang kutsilyo na hawak ko, tinapon niya iyun sa malayo at linock niya ang dalawa kong kamay para hindi maka wala.

"Dirty tricks ey. Pero papalagpasin kita, talagang hindi ka dapat i-underestimate. Ang galing mong makipag laban, hindi halata sayo."

Sinamaan ko ito ng tingin, gago toh.. ang bigat niya ah! Pinipilit ko makawala pero ang higpit ng hawak niya. Pero hindi ako mag papatalo noh! Gamit ang libring mga paa ko, ingat ko ito at tinamaan siya sa ulo, linakasan ko kaya nabitawan niya ang kamay ko.

Mabilis akong gumalaw, hinawakan ko ang isa pa niyang kamay, pinilipit ko ito saka siya pinadapa at dinaganan. Hahablutin sana niya ako gamit ang isa niyang kamay ng mabalis akong lumayo sa kaniya at tumayo.

Dahan dahan siyang tumayo habang naka tingin sa akin. Halatang nasasayahan ito sa ginagawa namin. Kitang kita rin ang mangha sa kaniyang mukha. Pero nagulatan ako sa kaniyang sinabi.

"Red."

avataravatar
Next chapter