2 Chapter 01

APRIL's POV

While looking in the mirror hindi ko mapigilang pag masdan ang napaka perpekto ngunit napaka maling pinag bago sa akin.

Minsan nga tinatanong ko aa sarili ko, bakit hindi nalang ako tinapos?o kung may purpose ba ang lahat ng ito. Nakakatakot, nakakatakot na baka isang araw ito ang maging dahilan para mawasak ang mundo...

"look at her, she is so nakakatakot"

"yeah right! Like OMG! look at her, para siyang witch."

"Oy! Mga pre! tignan niyo oh! Ms. FreakNight is here!"

I just ignor them as I walk in the hallway. Mga walang magawa sa buhay, di nalang pakialaman ang buhay nila kesa sa buhay ng iba. Nang maka rating ako sa room ay puro kotya nalang ang inaabot ko. Na upo na ako sa pinaka dulo ng room.

Hindi na lahat bago sa akin, dati palang ganito na talaga ang trato nila sa akin, pero wala naman akong pake. Dadating din naman ang araw na mananahimik sila.

Kahit na naka tago ang mga mata ko sa likod ng bangs ay nakikita ko parin ang paligid ko, nice and clear. Sanay naman ako sa bangs ko, ganito na ito simula ng mang yari iyun.

Mayamaya lang din ay dumating na ang teacher namin.

"Goodmorning class, wala tayong pasok ngayon-----" hindi pa nga natatapos ng teacher ang sasabihin ay nag hiyawan na ang mga kaklase ko. Basta talaga walang klase ay nagiging masaya sila. Ano ba ang masaya kapag walang klase? Ang boring boring naman kasi walang ginagawa, mabuti pa yung nasa classroom ka. Naka upo ka lang marami ka nang malalaman na maapply mo sa takbo ng buhay mo. Hayy.

Mga kabataan talaga ngayon, hindi man lamang nila na iisip ang pag hihirap ng mga magulang nila. Bakit hindi na isipan na dadating din abg araw na sila naman itong mag tatrabaho at ngayon palang ayusin na nila ang buhay nila.

"CLASS! TAHIMIK! as I said walang klase, but hindi ibig sabihin ay makakalabas na kayo ng school. Wala lang lessons sa kadahilanang may bisita ang school. Andito ngayon ang Armed Forces of the Philippines kasama ang U.S Military para turuan kayo ng self defense..." matapos ni ma'am ang sasabihin niya ay saari saring komento na naman ang narinig ko sa paligid.

Hayy. Nako.. pero wow ah.. may ganito palang pa kulo ang school. Pero ano nga ba ang pinaka dahilan ng school na toh at may pakulo ng ganun? Nung manga naka raang taon wala namang ganito.

Pero bigla atang na proseso ng utak ko ang sinabi ni Ma'am.

Bullshit.

"So! Everyone punta na kayo sa mga lockers niyo at mag palit na kayo ng mga damit. Be on time." dali daling nag si labasan ang mga kaklase ko. Mga excited kasi, sino ba naman ang hindi, but me..

Fuck.

ANDITO na kaming lahat ngayon sa gym, and wow lang talaga! I think may nasa 100 plus na U.S Army and AFP ang andito. Ang andito lang pala na mga students ay mga grade 12 at grade 11.

Habang tinitignan ko sila ay hindi ko rin mapigilang humanga. Ilang taon na ba ng huli akong maka kita ng personal na katulad nila? Noo pa man hinahangaan ko na ang bawat isa sa kanila, dahil sa lakas at tapang nila

"STUDENTS! LISTEN UP! The Armed Forces are here para turuan kayo ng mga Self Defense." panimula ng kalbo naming principal. "Blah bablah bablah blah. Now let us meet the Generals."

"General Chris Kuo Kayato and General Dave Gomez." pumunta sa harapan ang dalawang general na mukhang bata pa.

"Kyaahh!! Ang gagwapo!!"

"OMG!! GENERAL TAKE ME!!"

"God... parang mas magandang maging model si gen."

"kyaaaahhh.. grabe ang hot niya."

sari saring kalandian ang narinig ko sa paligid. Sh!t ang lalandi niyo besh.=.=" like seriously naka kita lang ng gwapo ganyan na sila?

Aaminin ko na gwapo nga ang dalawang general at mukha pang bata. Pero pake ko ba sa kanila? Andito ako para mag aral ng combat (kahit di ko naman kailangan pa) kaso kahit na kalamado ako sa panlabas sa kaloob looban ko ay kinakabahan na ako.

"Good day Everyone I'm General Chris Kuo Kayato. I'm the general of U.S Army." sabi nung Japanese na lalaki na kano?

"And I'm General Dave Gomez from the Armed Forces of the Philippines. We are here dahil sa inutusan kami para turuan kayo ng mga Self combat defence na makakatulong sa inyo sa kahit ano mang panganib. blah blah blah.."

Parang mga tanga ang mga babae dahil nag lahat sila ay tutok na tutok sa dalawang Heneral, hindi dahil sa sinasabi nito kundi dahil sa mukha nito. =.=" How sad..

"Let's start! Pick your partner." nag kaniya kaniya na silang partner at guess what ako ang walang partner. Ang sakit ah.. halatang halata talaga na ayaw nila sa akin.

"Wala bang makiki partner kay Ms. NIight?" tanong ng teacher namin sa P.E. Wala ni isa ang sumagot. Huwaw talaga. =.=" Mag sasalita pa sana ito ng mag salita yung General Kayato.

"It's ok, I can be her partner." sabi nito. Muntik nang malaglag ang mata ko sa sinabi niya. Ano raw? Siya makikipartner sa akin? Di nga?

Ayun na naman ang mga side comments ng mga alien kong kaklase. =.=" mga bitter talaga. Kesyo daw hindi pwede dahil freak ako o kung ano ano pa. Grabe talaga magalit sa akin ang earth. Sila itong may problema sa akin na hindi makipag partner tas ngayon papartner ako sa isang General ayun na naman ang rat rat nila.

"But Gene----"

"NO MORE BUTS! LET'S BEGIN!"

Bagsak balikat na nag simula ang mga babae. Heh! Maingit kayong mga alien! Nakakainis kayo.

But I don't really care kahit na kung ano ang sabihin nila sa akin o kung ano ang gawin nila sa akin. Kahit patayin pa nila ako, I.DON'T.CARE. What really bothers me itong mga militar. I hope they won't interfere in my life.

avataravatar
Next chapter