webnovel

Thunder Flame Inscription

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sumpain kang mataba ka, nagawang mo akong pagbantaan?!"

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay nagbigay ng malamig na tingin na nagpaatras sa matabang bata dahil sa takot. "B-Boss, nasa mali ako, nasa mali ako!"

"Tama na!"

Habang nakakunot ang noo, hindi na nag-abala pa si Duan Ling Tian sa pakikipagtalo sa matabang bata.

Habang dahan-dahang inaalis ang tansong singsing sa kanyang daliri, tumingin siya sa matabang bansot at sinabing, "Kunin mo ang singsing na ito at ibigay mo sa akin ang singsing na nasa kamay mo!"

Nagulantang ang matabang bansot.

Sumulyap siya sa tansong singsing na nasa kamay ni Duan Ling Tian at tumingin din siya sa gintong singsing na nasa kanyang hinlalaki. Ang kanyang matabang mukha ay nagpakita ng masakit na ekspresyon. "Boss, ito ang regalo sa akin ng aking lolo sa aking kaarawan noong nakaraang taon…"

"Makikipagpalit ka ba o hindi? Kasi kung hindi, umalis ka na!"

Sigaw ni Duan Ling Tian sa mababang tinig. Matapos ito ay tumalikod siya at akmang aalis na.

Ang matabang bansot ay isang mataling tao, agad niyang napansin ang mga nakatagong pahiwatig. Mabilis niyang inilapat ang kanyang mga kamay upang harangan si Duan Ling Tian. Siya ay paimbabaw na ngumiti at sinabing, "Boss, mayroon bang sikreto ang singsing na nasa iyong kamay?"

Sumagot si Duan Ling Tian, "Hmph, kung kukunin mo itong singsing, ang matalo si Li Ming ay magagawa sa loob lamang ng ilang segundo. Pero dahil ayaw mo namang ibigay ang singsing na bigay ng iyong lolo, wala na rin iyong kabuluhan!"

Si Duan Ling Tian ay akmang babalik na sa courtyard nang matapos siyang magsalita.

"Boss, nasa mali ako, inaamin ko na nagkamali ako. Hindi pa ba yun sapat?!"

Naging balisa ang matabang bata. Habang mabilis na naglalakad, tumingin siya kay Duan Ling Tian ay seryosong sinabi, " Boss, itong singsing sa iyong kamay, huwag mo sabihing may nakasulat ditong inscription."

"Alam mo din ang tungkol sa mga inscriptions?"

Bahagyang nagulat si Duang Ling Tian. Hindi niya inakalang alam din ni Li Xuan ang tungkol sa mga inscriptions.

"Hehe."

Malugod na tumawa ang matabang bata. "Noong ako ay nasa bahay ng aking lolo, nakita ko ang ilang talaan ng mga inscriptions sa isang sinaunang libro. Hindi umano, ang inscriptions daw ay madalas na nakasulat sa mga pansariling kagamitan na nagbibigay ng hindi kapani-paniwala kapangyarihan sa isang indibidwal.

"Ang kapalaran ay talagang pabor sa tanga."

Umiling si Duan Ling Tian nang ipasa niya ang tansong singsing na nasa kanyang kamay, papunta sa matabang bata. "Kunin mo ito. Kung ayaw mong ibigay ang gintong singsing na nasa iyong kamay, kapag nagamit mo na ang inscription na nasa tansong singsing, ibalik mo ito sa akin."

Ang matabang bata ay pinahaba ang kanyang matabang kamay upang tanggapin ang singsing. Ang kanyang mga maliit na mata ay mariing tumitig dito bago siya sumigaw, "Boss, gusto ko lang ulit makasigurado. Itong singsing mo ba ay mayroon talagang inscription?"

"Walang kwenta!"

Si Duan Ling Tian ay napa "hmph" na lamang.

Ang inscription na nasa singsing na ito ay naisulat gamit ang mga materyales na nabili niya noong nakaraang araw.

Ang kanyang orihinal na pakay dito ay itatabi niya ito upang may magamit siya kung sakaling kailanganin niya ito laban sa Manager ng Fang family.

Ngunit sinong makapagsasabing magkakaroon si Fang Qiang ng kritikal na sitwasyon?

Ang ganitong klase ng inscription ay mabisa lamang laban sa mga Body Tempering martial artists, wala itong bisa laban sa mga Core Formation martial artists!

Samakatuwid, sinamantala niya ang pagkakataon at ibinigay ito sa matabang bata.

Sa kanyang kasalukuyang lakas, hindi na niya kailangan ang kapangyarihan ng inscriptions upang matalo ang isang Body Tempering martial artist.

"Boss, may kakilala ka rin bang Inscription Master?"

Ang mga mata ng matabang bata ay nagsimulang lumiwanag na para bang hindi ito makukuntento hangga't hindi niya nalalaman ang lahat.

"Tama na. Bilisan mo at umalis ka na! Tandaan mo ang aking sinabi: kapag nagtangka kang sabihin ang nangyari kay Fang Qiang, lalo na sa aking ina… gagawin kitang bola at sisipain kita!"

Lumakad papunta sa courtyard si Duan Ling Tian matapos niyang titigan ang matabang bata.

Subalita, ang matabang bata ay sinundan siya sa courtyard. "Boss, boss!"

Sumimangot si Duan Ling Tian, "Ano nanaman iyon?"

Ang matabang bata ay nahihiyang ngumiti, "Boss, paano mo ina-activate ang inscription sa singsing na ito?"

"Hindi ba't binasa mo ang sinaunang libro tungkol sa mga inscriptions? Tapos ay kailangan mo ako para turuan ka sa simpleng bagay?"

Galit na binigyan ni Duan Ling Tian ang matabang bata ng isang masamang tingin at tinuruan niya na itong iactivate ang inscription bago niya ito pinaalis.

Nang makaalis na ang matabang bata, nagkaroon ng nakakatakot na ekspresyon si Duan Ling Tian.

Ang makapasok si Fang Qiang sa Core Formation stage ay isang masamang balita para sa kanya.

Marahil ang pamamaraan ng inscription ay kahanga-hang, mayroon pa rin itong limitasyon.

Sa kasalukuyan, ang mga inscriptions na kayang isulat ni Duan Ling Tian ay epektibo lamang sa mga martial artist na hindi pa nalilinang ang kanilang Origin Energy.

Ang mga inscriptions na kayang apektuhan ang mga Core Formation martial artists ay kinakailangan ang kombinasyon ng Origin Energy at ng mga materyales upang matagumpay na itong maiukit.

Naisip niyang humingi ng tulong sa kanyang ina, ngunit ang pag-uukit ay isang malawak at malalim na sining. Ang isang tao na kulang sa kaalaman tungkol sa inscriptions ay kailangan ng ilang taong pag-aaral tungkol sa Dao of Inscription bago ito makagawa ng matagumpay na inscription.

Ang tanging dahilan kung bakit madali siyang nakasusulat ng mga inscriptions ay dahil sa mga alaala ng Rebirth Martial Emperor na sumanib sa kanya. Kapag sumulat siya ng isang inscription, para bang ang Rebirth Martial Emperor ang gumagawa nito, kaya hindi siya nakararamdam ng presyon.

"Mukhang kung gusto kong mapatay si Fang Qiang ay hindi dapat ako umasa sa mga panlabas na pwersa, kailangan kong umasa sa aking sarili!"

Kumislap ang mga mata ni Duan Ling Tian nang makabalik siya sa courtyard.

Siguro ay ang Spirit Serpent Movement Technique ang magiging pag-asa niya!

Hindi niya pinayagan si Li Xuan na ikalat ang balita na si Fang Qiang ay nakarating na sa Core Formation stage dahil ayaw niyang malaman ito ng kanyang ina.

Alam niya na sa sandaling malaman ito ng kanyang ina ay hindi kailanman sa isang milyong taon niya itong papayagan na pumunta sa Fang family, kalahating buwan mula ngayon.

Itinago ng Fang family ang tungkol dito dahil nag-aalala sila na hindi siya pupunta sa kanila sa sandaling marinig niya ang tungkol dito.

Halatang sinasamantala ng Fang family ang pagkakataong ito upang mapahamak siya!

"Fang family, talagang minamaliit niyo ako!"

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay nagbigay ng isang malamig na tingin.

Sa Li family Martial Arts Practice Hall, ang mga kamay ng matabang bata si Li Xuan ay nakapasok sa kanyang bulsa at mayabang na nakatayo.

Siya ay napapaligiran ng mga disipulo ng Li family. Bawat isa sa kanila ay nakatingin kay Li Xuan habang nakaturo sa kanya at pinag-uusapan siya. "Adik ba siya? Talaga bang nagawa niya hamunin si Li Ming. Hindi pa ba sapat ang kaawa-awang ginawa sa kanya ni Li Ming noong nakaraan?

"Hindi ko alam. Siguro dahil makapal ang kanyang balat at laman, hindi siya nakararamdam ng sakit."

"Ang Fifth Elder ay gwapo at hindi kayang pigilan na may kahanga-hangang panlabas na anyo, ngunit bukod sa kilay ni Li Xuan, wala na siyang pagkakatulad pa sa Fifth Elder."

"Kahit pa na may pagkakaparehas sila sa panlabas na anyo, natakpan na ito ng kanyang taba."

...

Maraming diskusyon ang napuno ng pangungutya. Pakiramdam nila ay masyadong mayabang si Li Xuan.

"Punyetang matabang baboy, narinig ko na hinahamon mo raw ako?"

Ilang saglit, isang bata ang naglakad mula sa malayo at huminto sa harap ni Li Xuan. Ang kanyang mukha ay nangangasar habang nakatingin kay Li Xuan. Minamaliit niya ito.

Siya si Li Ming, ang anak ng Second Elder ng Li family.

"Li Ming, magkakaalaman tayo ngayon!"

Ang matabang bata ay sumigaw nang napakalakas kaya naman gumalaw din lahat ng kanyang taba sa katawan. Ang kanyang matabang kamao ay sumuntok patungko kay Li Ming.

"Masyado kang mayabang!"

Ngumiti si Li Ming nang may pangungutya. Hindi siya nag-abalang gumalaw at ang kanyang kamao ay sumuntok rin upang maharang ang suntok ng matabang bata.

Sa kanyang pagkakaalam, basta't matamaan niya ng suntok ang matabang bata ay tatalsik na ito na parang bola.

Ganoon din ang nasa isip ng mga disipulo ng Li family na nasa paligid.

Sa kanilang opinyon, Si Li Xuan ay hindi kayang pantayan si Li Ming…

Ping!

Ang kanilang mga kamao ay nagbanggaan.

Ngunit sa sandaling nagbanggaan ang kanilang kamao, ang mga mata ng matabang bata ay kumitid ang pagkakadilat. Agad niyang inactivate ang inscription na nasa kanyang hinliliit.

Hisssss

Mabilis naramdaman ni Li Ming na para siyang tinamaan ng kidlat. Ang kanyang buong katawan ay nanghihina.

Bukod pa rito, ang kanyang buong katawan ay nakaramdam ng sakit na parang tinamaan ng kidlat at apoy.

Ang ganitong pakiramdam ay sobrang pamilyar sa kanya, ito ay parehas na parehas sa pakiramdam matapos niyang kainin ang Thunder Flame Pill.

Bago pa niya maisip kung bakit ang mga sintomas ng Thunder Flame Pill pagkatapos makain ay nararamdaman niya ngayon, ang nanghihinang si Li Ming ay tumalsik palayo dahil sa suntok ni Li Xuan.

Kasunod nito ay sinundan ito ng isa pang suntok ni Li Xuan na tumama sa pisngi ni Li Ming na nagpatumba sa kanya!

Pagkatapos nito ay sunod sunod na pag-atake.

Isang labanan na isa lamang ang umaatake!

"Binibiro mo ba ako?"

Ang mga nanunuod na disipulo ng Li family ay napanganga na lamang.

Ang iba sa kanila ay madiing kinurot ang kanilang mga hita na nagbigay ng sakit sa kanila upang mapagtanto nila na hindi ito isang panaginp.

Lahat sila ay nagulantang.

Kailan naging sobrang lakas ni Li Xuan?

Hindi ba't ilang araw lamang ang nakalilipas nang makarating si Li Ming sa ikaanim na antas ng Body Tempering stage?

"Tigil, tumigil ka na!"

Nang mawala ang nararamdamang pananakit ng kanyang katawan, gustong gumanti ni Li Ming, ngunit sa tuwing bahagya siyang gagalaw ay sumasakit ang kanyang kalamnan. Siya ay lubos na napinsala ni Li Xuan.

Dahil sa mga pangyayaring ito ay mabilis siyang humingi ng awa.

"Tatawagin mo pa rin ba akong punyetang matabang baboy?"

Si Li Xuan ay walang awa, kahit na ang kanyang kalaban ay bagsak na, tinapakan niya pa rin ang hita ni Li Ming kaya naman ito ay napasigaw sa sakit.

"Hindi na, hindi na!"

Sabi ni Li Ming sa isang bahagyang isterikong tinig.

"Sa susunod na makita mo ako, tawagin mo akong Kuya Fatty. Naiintindihan mo ba?"

Ang matabang bata ay nagbigay sa kanya ng isang mabangis at malisyosong titig bago siya pagbantaan.

"Oo, Kuya Fatty, Kuya Fatty!"

Mabilis na sabi ni Li Ming, natatakot siya na kung siya ay mabagal ay masusuntok nanaman siya ng matabang bata.

Ang isang matalinong tao ay hindi nakikipaglaban kung ang mga posibilidad ay laban sa kanya. Dahil ang kanyang buong katawan ay puno ng pinsala, wala siyang tyansang matalo si Li Xuan, mas pinili niyang magtiis!

Para sa kanya, kapag nanumbalik ang kanyang lakas ay magagawa niyang takpan ang pait ng pagtitiis niya ngayon.

Paniguradong siya ay nalilito sa kanyang puso kung bakit ang mga sintomas ng nakapagpapagaling na mga katangian ng Thunder Flame Pill ay kumalat sa buong katawan niya sa sandaling nagbanggaan ang kanilang mga kamao ni Li Xuan.

Maaaring ito ay isang epekto mula sa pagkain ng Thunder Flame Pill?

"Kailanman ay hindi ko napansin na isa ka palang napakasamang tao. Masunurin ka lang kapag nabugbog!

Matapos gumawa ng "hmph" na tunog ay iniwan na ni Li Xuan si Li Ming sa Martial Arts Practice Hall na puno ng taong 'di makapaniwala.

Matapos turuan ng leksyon si Li Ming ay naging masaya si Li Xuan. "Ang Thunder Flame Inscription na ibinigay ni boss ay talagang mahusay. Sigurado ako na iniisip pa rin ni Li Ming kung bakit naramdaman niya ang epekto ng Thunder Flame Pill… Sigurado ako na inakalang niyang side effects ito ng Thunder Flame Pill, haha!"

Sa courtyard, isang balingkinitan, kaaya-aya, at magandang batang babae na may Violet Meteorite Flexible Sword sa kanyang kamay ang nag-eensayo. Siya ay nag cucultivate ng Drawing Sword Arts.

Sa kanyang tabi ay isang gwapong bata na may kaaya-ayang katangian. Siya matiyagang nagpapaliwanag ng lahat na kailangan matutunan sa Sword Drawing Arts at sinasagot nito lahat ng tanong ng batang babae na para bang isang guro na hindi napapagod.

"Boss, boss!"

'Di nagtagal ay may tunog ng isang tao tumatawag sa labas ng courtyard ang maririnig na magdudulot ng pagkainis ng bata. "Istorbo talaga tong punyetang matabang 'to!" Ke Er, lalabas lang ako saglit. Mag-cultivate ka muna mag-isa."

"Sige po, Young Master."

Napatango ang batang babae.

Ang bata ay lumakad papalabas sa courtyard nang may malalaking hakbang. Nang makita niya ang matabang bata na naglalakad ay kumot ang noo nito at nagtanong, "Ano nanaman iyon?"

Ang matabang bata ay palihim na tumawa at tinanggal niya ang tansong singsing sa kanyang hinliliit at tinanggal niya rin ang gintong singsing sa kanyang hinlalaki bago niya ito ibinigay sa bata. "Boss, ang singsing mo…"

Hindi gumalaw ang bata para kunin ang singsing, bagkus ay tinignan niya ang gintong singsing sa kamay ng matabang bata. "Anong ibig sabihin nito?"

Nahihiyang tumawa ang matabang bata. "Boss, walang awa kong binugbog si Li Ming ngayon. Sigurado ako na babawian niya ako sa oras na manumbalik ang kanyang lakas, kaya Ako… Ako ay may hiling sa'yo na hanapin mo ang Inscription Master upang umukit siya ng Thunder Flame Inscription para sa'kin."

Next chapter