webnovel

Little Fatty

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napakahusay ni Li Long.

Nang sumunod na araw, isang pares ng sisidlan ng ispada na gawa sa leather ang dumating sa tahanan ni Duan Ling Tian.

Espesyal itong mga sisidlan ng espada dahil ginamit ni Li Long ang mga tirang Violet Meteorite upang kopyahin ang mga flexible swords sa sisidlan.

Salamat dito, maiiwasan nila ang pinsalang dulot ng matutulis na gilid ng Violet Meteorite Flexible Swords kapag kinuha.

Sa dalawang Violet Meteorite Flexible Swords, itinabi ni Duan Ling Tian ang isa para sa kaniyang sarili at ibinigay ang isa kay Ke Er.

Para naman sa kaniyang ina, sa puso niya'y may iba siyang plano.

Ang plano niya ay hintayin ang kaniyang cultivation na tumuntong sa Core Formation stage, kung saan maaari siyang makagawa ng Spirit Sword para sa kaniyang ina!

Spirit Sword, isang mahabang Spirit Sword.

Kapag umikot na ang Origin Energy dito, ang attack power ng gumagamit ay mapapalakas pa. Mas malakas ito kaysa sa ordinaryong sandata!

"Ina, parang napakagalang sa iyo ni Manager Li.Nabanggit niya pa na tinulungan mo siyang umapela sa Patriarch, kung hindi, hindi na siya maaaring manatili sa Li family. Ano ba ang nangyari?"

Sa courtyard, tanong ni Duan Ling Tian kay Li Rou habang marahang pinipisil ang balikat nito.

"Nangyari iyon sampung taon na ang nakalilipas. Noong oras na iyon, si Li Long ay nagkaroon ng lihim na relasyon sa anak na babae ng isa sa mga Elders, nabuntis niya ito. Maiisip mo ang mga posibleng mangyari dahil doon. Pinaghahampas siya ng kahoy bago tuluyang itinapon palabas ng Li family estate. Pagkatapos non, ang anak na babae ng Elder ay nagpumilit na iluwal ang bata, na naging dahilan ng pagkamatay ng Elder dahil sa galit."

"Nakaaawa talaga siyang tao. Kahit na maayos niyang nailuwal ang bata, namatay rin siya dahil sa komplikasyon ng panganganak. Nakita kong mag isa ang bata at walang nag-aalaga, kaya't umapela ako sa Patriarch na payagan si Li Long na bumalik sa Li Family."

Ang mga mata ni Li Rou ay tila naging balisa habang marahan niyang sinasabi ito.

Matapos marinig ang mga sinabi ni Li Rou, naitindihan na rin sa wakas ni Duan Ling Tian.

Hindi niya inakalang may ganoong klaseng nakaraan si Li Long.

"Kapag iniisip ko ito ngayon, kung hindi ako umapela sa Patriarch na payagan syang bumalik sa Li family, siguro ay matagal na siyang lumisan sa Fresh Breeze Town. At ang Li family sana ay nawalan ng napakabihirang talento."

Tumawa si Li Rou.

Tumango si Duan Ling Tian.

Sa mundong ito, may mga bagay talagang nakamamangha.

"OK, bilisan mo na at magcultivate kana.Sa tulong ng Thunder Flame Pills at bilis na iyong pinagsasanayan , mayroon ka paring magandang pagkakataon na makatuntong sa ikapitong antas ng Body Tempering stage sa susunod na dalawang buwan."

Sinabi ni Li Rou kay Duan Ling Tian, pagpilit niya rito na bumalik sa kwarto at magcultivate.

Matapos masaksihan ang lakas ng Sword Drawing Arts ng kaniyang anak.

S abot ng kaniyang pagkakaintindi, hanggat ang kaniyang anak ay kayang makatuntong sa ikapitong antas ng Body Tempering stage, hindi nito mapapatay ang Manager ng Fang family.

"Opo. madam!"

Tumayo ng diretso si Duan Ling Tian na parang isang sibat, binigyan ng saludong pangmilitar ang kaniyang ina.

Habang gulat na nakatingin si Li Rou, tumalikod na ito at bumalik sa kwarto.

"Anong kilos ang ginawa ni Tian?"

Nalilitong ekspresyon ang mayroon kay Li Rou.

Kung may pagkakataon siyang libutin ang mundo, malalaman niyang ang ginawang kilos niDuan Ling Tian kanina ay isang pamantayan ng saludong pangmilitar.

Mabilis na lumipas ang oras.

Sa isang kisap ng mata, isa't kalahating buwan na ang nagdaan.

Crackle

Crackle

Sa bukang-liwayway, mga tunog ng nagkikiskisang buto ang naririnig mula sa kwarto ni Duan Ling Tian.

Sumunod ay nagbukas ang pinto ng kwarto, marahang naglakad palabas si Duan Ling Tian, naliligo sa sinag ng araw.

"Mas maaga ng dalawang buwan kaysa sa inaakala ko"

Ang mga gilid ng labi ni Duan Ling Tian ay kumurba at naging ngiti, habang marahang niyuyukom ang mga kamao. Nararamdaman niya ang walang hanggang kapangyarihan sa loob ng kaniyang katawan.

Salamat sa walang katapusang tulong ng Thunder Flame Pills at ng Seven Treasures Body Tempering Liquid. Mula sa ika-limang antas ng Body Tempering stage ay tumuntong na si Duan Ling Tian sa ika-pitong antas sa loob lamang ng isa at kalahating buwan!

Ang isang ordinaryong ika-pitong antas na Body Tempering martial artist ay magtataglay ng dalawang libong libra ng lakas...

Kahit na si Duan Ling Tian na siyang nagcultivate sa Nine Dragons War Sovereign Technique, sa oras na ito kung saan siya ay patungo sa ikapitong antas ng Body Tempering stage, ang pinakamataas niyang kalakasan ay lumagpas na ng tatlong libong libra!

Kumpara sa tatlong libong libra ng lakas na mayroon siya noong nasa ika-apat na antas siya ng Body Tempering stage, ang lakas niya ay tumaas ng sampung beses!

"Mayroon pa akong natitirang kalahating buwan, tama lang para macutivate ko pa ang martial arts sa Nine Dragons War Sovereign Technique's Spirit Serpent Form at Spirit Serpent Movement Tecnique!"

Habang iniisip ang mga ito ay mas lalong nagningning ang mga mata ni Duan Ling Tian.

Agad niyang inumpisahan ang cultivation ng Spirit Serpent Movement Technique sa courtyard..

Pagkatapos niyang magcutivate ang Nine Dragons War Sovereign Technique's Spirit Serpent form hanggang sa ika-pitong antas ng Body Tempering stage, ang flexibility ng kaniyang katawan ay higit pa sa imahinasyon.

Sigurado si Duan Ling Tian na kahit mga yoga masters na may pinakamagaling na flexibility sa mundong ito ay hindi maikukumpara sa flexibility niya sa kasalukuyan.

"Sou!"

Nagcultivate si Duan Ling Tian sa paligid ng isang malaking puno sa gilid ng courtyard. Ang katawan niya ay parang Spirit Serpent, dumidikit sa katawan ng puno habang umiikot paikot ng mabilis.

Sa ilang sandali, nakalibot na siya sa puno mula taas pababa ng mahigit sampung beses.

Ang Spirit Serpent Movement Technique ay isang purong movement technique martial skill na nakatuon sa sagarang paggamit ng flexibility ng katawan ng nagcucultivate kasabay din nito ang pagbibigay ng nakakikilabot na bilis!

Sou! Sou! Sou! Sou! Sou!

...

Si Duan Ling Tian na ang katawan ay puno ng kinakailangang flexibility upang macultivate ang Spirit Serpent Movement Technique ay nagawang linangin ito ng mahusay.

Pagkatapos ng isang oras, nakuha na niya nag quintessences ng Spirit Serpent Movement Technique.

Siyempre, halos lahat ng ito ay dahil sa pundasyon galing sa Form at Will Boxing na nakamit niya sa nakaraan niyang buhay, kung hindi magiging imposible para sa kaniya ang makuha ang perpeksyon ng Spirit Serpent Movement Technique sa maikling panahon.

Habang mas lalo siyang nagsasanay, lubos siyang nawiwili.

Pagkatapos ng di malaman na oras, ang malinaw at malamusikang tunog ng pagbukas ng pinto ang pumasok sa kaniyang tenga. Doon lamang siya huminto sa kaniyang cultivation.

"Ina!"

Nang makita niya ang magandang mukha ng babae na lumabas, maliit na ngiti ang lumitaw sa mukha Duan Ling Tian.

Siya na isang ulila sa nakaraang buhay niya ay talagang sinasamantala at ikinasisiya ang pagmamahal ng isang ina na binigay sa kaniya ni Li Rou… at nabihag siya ng pakiramdam na ito, hindi makawala sa mga kapit nito.

"Tian."

Sagot ni Li Rou na may kasamang ngiti.

Ngunit agad na tumigil ang kaniyang ngiti.

"Tian, nakalagpas kana?"

Bahagyang nanginig ang boses ni Li Rou.

"Opo."

Tumango si Duan Ling Tian.

"Mabuti, mabuti."

Sa sobrang galak ay hindi na nagawang pigilan ni Li Rou ang kaniyang tono.

Nitong mga nakaraang buwan, palagi siyang nangangamba kung maari bang makatuntong ang kaniyang anak sa ika-pitong antas ng Body Tempering stage bago ang araw ng laban.

Ngunit ngayon ay parang masiyado lang siyang nag-iisip.

Hindi siya binigo ng kaniyang anak, nagawa pa nitong kumpletuhin ang kaniyang ika-pitong antas ng Body Tempering ng mas maaga ng kalahating buwan.

"Tian, masayang masaya ako ngayon. Bibili ako ngayon at magluluto ng masarap para sayo!".

Kumikinang ang mukha ni Li Rou. Umalis ito agad pagkatapos ng kaniyang pangungusap.

Naginit ang puso ni Duan Ling Tian. Naiintinidhan niya ang emosyon ng kaniyang ina.

Pagmamahal at debosyon ng isang magulang...

"Boss, boss!"

Nang ipagpapatuloy na sana ni Duan Ling Tian ang pagcultivate sa Spirit Serpent Movement Technique, isang nagmamadaling boses ang narinig mula sa labas ng courtyard.

"Matigas talaga ang ulo ng matabang ito. Bumalik nanaman siya…"

Kumunot ang noo ni Duan Ling Tian.

Nakilala niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

Nitong nagdaang dalawang buwan, pumunta rito ang matabang ito ng mahigit sampung beses.

Madalas isinasaalang-alang niya ang magandang relasyon sa pagitan ni Fifth Elder at ng kaniyang ina, hindi siya pinapakitaan ng masama ni Duan Ling Tian.

Pero pagkatapos niyang bigyan ang matabang ito ng isang pulgada, sinusubukan nitong umabot ng isang milya!"

Pagkatapos buksan ang pinto, lumabas siya sa courtyard.

"Li Xuan, ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na hindi kita tatanggapin bilang alalay.. Kung patuloy mo akong pipilitin, mapipilitan rin akong iparating ito sa iyong ama!"

Tumingin si Duan Ling Tian sa matabang bata at kumunot ang noo.

"Boss, huwag! Pumunta ako rito dahil mayroon akong importanteng bagay na sasabihin sa iyo. May problema ka, malaking problema."

Nnag marinig niya ang sinabi ni Duan Ling Tian na isusumbong siya nito sa kaniyang ama, agad na natakot ang matabang bata.

"Anong problema? Bilisan mo at sabihin sa akin!"

Ang ekpresyon ni Duan Ling Tian aybahagyang nagdilim.

Sa pagkakaalam niya, ang maruming bibig ng matabang batang ito ay walang masasabing disente.

"Boss, nang marinig ko ito, ang una kong ginawa ay puntahan ka. Hindi ko nga ito sinabi sa aking ama. Matapat talaga ako, hindi ba?"

Lumubo ang mukha ng matabang bata nang tumawa ito.

"Kung hindi mo agad sasabihin sa akin ay huwag mo ng sabihin kahit kailan!"

Nanliit ang mga mata ni Duan Ling Tian. Sa harap ng matabang bata na ito, wala siyang pasensia.

"Huwag boss. Sasabihin ko sayo, sasabihin ko sayo! Narinig ko lamang ito. Kahit na sa Fang family, isa pa rin itong sikreto…"

Ang mataba nitong mukha ay nanginig nang sinabi niya ito at huminga ng malalim ang matabang bata.

"Fang family?"

Tuamaas ang mga kilay ni Duan Ling Tian.

Boss, narinig kong ang Manager ng Fang family na si Fang Qiang ay tumuntong na sa Core Formation stage ilang araw na ang nakalilipas… Hindi na lang kaya natin pansinin ang usapan na dapat mangyayari sa susunod na kalahating buwan? Labing limang taon ka pa lamang, kaya't kahit na tumaliwas ka sa usapan, hindi ito gaanong nakahihiya!"

Matapos niyang sabihin ag gusto niyang sabihin sa isang hingahan, desperadong tumingin ang matabang bata kay Duan Ling Tian.

Hindi nagbago ang mukha ni Duan Ling Tian; tila hindi siya nagulat.

Pero ang mga mata niya ay nanliit, at isang nakasisilaw na ilaw ang makikita mula rito.

Ang bagay na pinangangambahan niyang mangyari ay nangyari na.

Tumuntong na si Fang Qiang sa critical juncture nito!

Ang ika-siyam na antas ng Body Tempering stage ay nagtataglay ng sampung libong libra ng lakas kapag ang ang lakas ng katawan ay magamit lahat. Maaari nitong makuha ang lakas ng langit at lupa para makagawa ng isang ancient mammoth silhouette...

Kung saan ang unang antas ng Core Formation stage, ang lakas ng katawan ay kapantay ng lakas ng ancient mammoth. Ang nagawang Origin Energy ay nagbibigay sa martial artist ng lakas kapareha ng isa pang ancient mammoth!

Ang isang martial artist na nasa unang antas ng Core Formation ay mayroong lakas ng dalawang ancient mammoths kapag nilalabas niya lahat ng kaniyang lakas!

Habang humihinga ng malalim, nararamdaman ni Duan Ling Tian ang kaba. Ang sayang naramdaman niya nang makatuntong siya sa ika-pitong antas ng Body Tempering stage ay nawala.

"Li Xuan, tama ng sinabi mo sa akin ito. Huwag mo sasabihin ito sa ibang tao, naiintindihan mo ba?"

Tumingin siya sa matabang bata habang malamig na sinasabi ito.

"Hindi ko ito sasabihin kahit sa aking ama?"

Inosenteng tanong ng matabang bata.

"Hindi ba tao ang iyong ama?"

Tiningnan ng masama ni Duan Ling Tian ang matabang bata, dahilan para maramdaman ng matabang bata na tila nakaupo siya sa isang kamang gawa sa karayom.

"Boss, iyan ay…"

Nagbago ang ekspresyon ng bata at tumingin ng sabik kay Dan Ling Tian.

"Ano?"

Kumibit ang mga labi ni Duan Ling Tian. Talagang nakakainis ang matabang bata na ito, ngunit para masarado ang bibig niya, kailangang magtiis ni Duan Ling Tian.

"Boss, kailangan ko ng tulong mo na bigyan ng leksyon si Li Ming."

Pinagkiskis ng matabang bata ang kaniyang mga palad habang tumatawa ng tuso.

Nag-isip sandali si Duan Ling Tian.

Inaalala niya kung sino si Li Ming.

Si Li Ming, bunsong anak na lalaki ng Second Elder.

Isang kilalang henyo sa Li family. Ang natural niyang talento ay hindi bababa kay Li Jie sa nakaraan.

Labing pitong taong gulang siya ngayaong taon at nasa ilalaim ng tulong ng Thunder Flame Pills at ng Six Treasures Body Tempering Liquid, nakatuntong siya sa ikaanim na antas ng Body Tempering stage ilang araw na ang nakalilipas.

"Ikaw at si Li Ming ay pareho ng kondisyon, pareho kayong walang kulang sa Thunder Flame Pills at Six Treasures Body Tempering Liquid, kaya't bakit hindi mo na lamang gamitin ang sarili mong lakas para matalo siya?"

Galit na sabi ni Duan Ling Tian.

Sa usapang ito, ang matabang bata ay hindi kapareho ng Fifth Elder.

"Hindi ako kulang don.. Pero ang problema ay mas matanda siya sa akin ng dalawang taon."

Ang matabang bata ay tumingin kay Duan Ling Tian na parang naghihintay habang malisyosong tumatawa.

"Boss, tulungan mo ako. Muntik na akong masipa na parang bola noong nakaraan, inisulto niya pa ako at sinabing isa akong "matabang baboy". Kailangan ko siyang turuan ng leksyon at tatawagin niya akong "Brother Fatty" sa tuwing makikita niya ako.

"Boss, kailangan mo akong tulungan. Kung mabubugbog niya ulit ako. Baka makalimutan ko ang sinabi mo sa akin kanina…"

Nang mapansin niyang pinagiisipan pa rin ni Duan Ling Tian, agad na ginatungan ng matabang bata ang bakal habang mainit pa.

Next chapter