webnovel

Voice Do Fall In Love

She was blind. She hasn't seen the world. Then she met him. Her dark world turned bright. But when she got the chance to see with her eyes, the man who lightened up her world turned it dark again. He was gone... leaving her with just a voice.

Deynee · Urban
Not enough ratings
18 Chs

VDFIL 16: Fragmented

ALYSON'S POV

Buong lakas kong itinulak pabukas ang pinto ng kwarto ni Tia. Alas nueve na ng umaga ay hindi ko pa rin siya nakikita sa baba. Siguro tinamaan na naman ito ng katamaran. Kahit kailan talaga sakit lang sa ulo ang idinudulot sa akin nito.

The door slammed open. Ngunit napalaki lang ang mga mata ko nang pagkabukas ko ng pinto ay walang Tiang tamad na nakahiga sa ibabaw ng kanyang kama.

"Saan na naman ba ang babae na iyon?!"

Nakaligpit ng maayos ang higaan nito. Nakatupi na ang kumot, nakaayos na din ng lagay ang mga unan.

Kaagad akong bumaba at nilibot ang lahat ng parte ng bahay. Mula sa music room, sa kusina, sa banyo, pati na rin sa bakuran.

Pero wala. Wala akong Tia na nakita.

I immediately grabbed my phone from my pocket at idinial ang cellphone number ni Freya.

Ringing...

"Freya! Nand'yan ba si Tia?!" Pabulyaw kong tanong dito. At sinagot lang niya akong wala daw at hindi pa niya ito nakikita ngayong araw.

Kumunot ang noo ko sabay baba ko sa cellphone ko.

Hindi din naman pwedeng magkasama sila ni Kyan o kung sino pa man dahil wala naman kaming practice ngayon. At imposible din namang umalis lang siyang mag-isa dahil nga naman bulag siya.

Punyeta kang babae ka! Humanda ka sa akin pag nakita kita!

TIA'S POV

"Eto na yung nagawa kong vase." Rinig kong tugon ni Mang Caesar matapos ang pagsubok namin ni Brice ng pottery making sa may potter's wheel.

May naramdaman akong bagay na dumampi sa kamay ko. Siguro ito na yung vase na sinasabi ni Mang Caesar.

"Round pottery vase yan. Nilagyan ko na din ng mga bulaklak na dekorasyon para mas personalized para sa inyo." Dagdag na tugon nito.

Dahan-dahan kong tinanggap at hinawakan ng mabuti ang babasagin na vase. Sobrang higpit ng hindi ito dumulas sa mga kamay ko at mabitawan.

"Pwede mong ilagay yan Hija sa may bintana ng kwarto mo. Lagyan mo ng indoor plant o kaya bulaklak para mas maginhawa ang ambiance ng kwarto mo."

Sa sinabi ni Mang Caesar ay kaagad akong napaisip ng magandang indoor flower na ilalagay ko dito pagkauwi. Ano kaya?

"Ingatan mo yan, Hija. Sinadya talagang ipagawa yan ni Brice para sayo. Ganun ka niya kamahal kaya gusto niyang bigyan ka ng mga bagay na pinaghihirapan."

Napangiti ako sa sinaad ni Mang Caesar. Dahan-dahan kong isinandal ang ulo ko sa kaliwang balikat ni Brice na ngayon ay nasa tabi ko lang.

"Salamat, mahal." Ani ko.

***

Pagkatapos naming matutong mag pottery making at makuha ang vase ay nagpasya na si Brice na ihatid na ako pabalik ng bahay. Pagkadating ay hindi na siya pumasok pa sa loob at nagpasya nalang na ibaba ako sa may gate at uuwi na rin siya sa kanila. Baka kasi mahuli pa kami ni Ate Alyson at mabugbog na naman ako.

Pagkapasok ng main door ng bahay hawak-hawak ang vase ay kaagad akong umakyat ng hagdan patungo sa kwarto ko. Pagkapasok ng pinto ng kwarto ay kaagad ko namang inilagay ang vase sa may bintana gaya nga ng sinabi ni Mang Caesar, inilapag ang bag, at nagbihis.

Mayamaya ay may narinig na lamang akong katok sa pintuan ng kwarto ko.

"Tia? Tia?"

Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang boses ni Ate Alyson.

Hala! Nakita niya kaya akong pumasok ng bahay??? Siguro nalaman na niyang umalis ako! Patay na naman ako nito!

Tarantang-taranta ay kaagad kong isinuot ng madalian ang pambahay kong damit.

"Ate? Teka lang po saglit." Pasigaw kong tugon dito para marinig niya ako sa labas ng kwarto.

"Sige lang. Take your time." Malumanay na sagot ni Ate Alyson.

Napalaki ang butas ng mga tainga ko.

Anong nangyayari kay Ate Alyson at bigla niya akong kinausap ng malumanay? Dapat binubulyawan na niya ako, eh, o hindi naman kaya puro mura na ang naririnig ko.

Nakalutang ang isip sa kawalan dahil sa biglaang pagbabago ni Ate Alyson ay binuksan ko na ang pinto ng kwarto.

"Pasensya ka na, ha. Naistorbo ba kita?" Ani Ate Alyson.

Takang-taka ay sinagot ko siya. "A-ah. H-hindi naman p-po, ate. B-bakit po? M-may iuutos po ba kayo?" Utal-utal kong saad dito.

"Oo sana, eh. Kung okay lang sayo."

"S-sige po."

"Ipapaligpit ko lang sana sayo yung mga kalat sa may kusina. May gagawin pa kasi ako. Okay lang ba?"

"S-sige po, ate. W-wala pong problema."

Pagkasabi ko nun ay tuluyan akong lumakad palabas ng kwarto at isinara ang pinto.

Gaya nga ng utos ni Ate Alyson ay kaagad kong nilinis ang sinasabi niyang kalat sa loob ng kusina lalo na sa ibabaw ng lamesa. Mula sa mga plastic ng mga pagkain, sa mga balat ng gulay, at mga maduduming pinggan at kubyertos.

Pagkatapos mailagay ang mga maduduming gamit pangkusina sa lababo ay isinilid ko naman sa bin bag ang mga plastic at mga balat ng gulay. Dahil napuno na ng basura ang bin bag ay itatapon ko na ito sa garbage bin na nasa likod ng bahay.

Tangay-tangay ko ang bin bag paroon habang pakapakapa lang ako sa paligid ng hindi ako maligaw. Nang pakiwari ko'y nasa likod bahay na ako ay kaagad kong kinapakapa ang garbage bin kung saanman. Nang may bigla akong nabangga. Pagkabangga ko nito ay narinig kong parang natumba ito sa semento. Kaagad akong napaupo at sinubukang kapain ang bagay na nakatumba. Pagkapakapa ay nakahawak lang ako ng malalagkit na cellophane. Ang natabig ko pala ay ang mismong garbage bin.

"Naku! Dagdag pa sa trabaho ko ito, oh!" Inis kong saad sa kawalan.

Patuloy lang ako sa pagligpit at pagdampot nang may bigla akong nahawakan na parang babasagin. Parang isang basong basag ngunit makapal. Matutulis ang magkabilang gilid nito na ano mang oras ay maaaring makasugat sa akin. Hinawak-hawakan ko ito ng maigi. At biglang na lamang akong nagulat, dahil sa paghimashimas ko nito ay nadama ko ang disenyo ng bulaklak na nakaukit ng paangat sa ipinagawang vase ni Brice.

"Ang vase ko tu, ah!"