16 VDFIL 17: Jealous

ALYSON'S POV

"Ang vase ko tu, ah!"

Hindi maipinta ang itsura ng mukha ni Tia habang hawak-hawak ang isang piraso ng basag-basag niyang vase.

Akala mo ba magiging masaya itong buong araw mo? Pwes, nagkakamali ka.

FLASHBACK

Matapos kong malibot ang buong sulok ng loob ng bahay ay nagpasya akong lumabas malapit sa may gate. Nang may biglang isang sasakyan na dumating at huminto sa mismong harap ng gate.

And when I looked at it, it was Brice's car.

Kaagad akong nagtago at palihim na nagmasid kung sino man ang bababa dito.

Then suddenly Brice went out from the driver's side at pumunta sa may passenger side. He opened the door at nakita kong lumabas si Tia mula dito hawak-hawak ang isang floral vase.

So, there's really something between the two of them!

Nanikip ang puso ko at nandilim ang paningin ko.

Hindi pwedeng mangyari ito! Hindi pwedeng malamangan mo ako, Tia!!!

Pagkapasok ni Tia sa gate ay kaagad lang ding umalis si Brice manemaneho ang kotse niya. At nang makapasok na si Tia sa main door ng bahay ay kaagad ko siyang sinundan patungo sa kwarto niya.

You must pay for this, Tia! Hinding-hindi ko ito mapapalampas!

Inayos ko ang sarili ko at pinilit kumalma ay kinatok ko ang pintuan ng kwarto ni Tia at malumanay na tinawag siya mula sa labas ng kwarto niya.

"Tia? Tia?"

Pinilit ko talagang ipitin ang lalamunan ko kahit ang gusto ko lang talaga ngayon ay sabunutan si Tia ng walang tigil.

"Ate? Teka lang po saglit." Rinig kong sigaw ni Tia sa loob ng kwarto niya.

"Sige lang. Take your time." Malumanay ko ulit na tugon.

Hoo! Ang hirap palang magpanggap sa isang taong gusto mo ng dambahin!

Mayamaya ay bumukas na ang pintuan ng kwarto at lumabas si Tia dito.

"Pasensya ka na, ha. Naistorbo ba kita?" I uttered softly then I rolled my eyes at her.

Oo, ako ng plastic!

"A-ah. H-hindi naman p-po, ate. B-bakit po? M-may iuutos po ba kayo?" Utal-utal na saad nito.

Kung hindi lang talaga ako makapagtimpi ang kinaladkad ko na ang babaeng ito pababa ng hagdanan!

"Oo sana, eh. Kung okay lang sayo." Ani ko.

"S-sige po."

Humanda ka, Tia! For sure madudurog ang puso mo sa gagawin ko!

"Ipapaligpit ko lang sana sayo yung mga kalat sa may kusina. May gagawin pa kasi ako. Okay lang ba?"

"Sige po, ate. Wala pong problema."

Kaagad na lumakad palabas ng kwarto si Tia at isinara niya ang pinto. At hinintay ko lang siyang makababa talaga ng hagdanan.

Wag mo kasi akong subukang kalabanin, Tia.

Pagkababa niya ay kaagad akong pumasok sa loob ng kwarto niya. At pagkatingin ko sa may bintana nandoon ang vase ni Tia.

I smirked.

I immediately grabbed the vase at palakad-takbong pumunta sa likod ng bahay.

I was facing the garbage bin habang hawak-hawak ang vase sa mga kamay ko at tinitigan ito.

"Ano kayang mararamdaman mo kapag nalaman mong ang vase mo ay matatagpuan mo nalang into broken pieces?"

After uttering that I immediately lifted the vase up at buong lakas na ibinagsak ito sa semento.

"Good luck nalang Tia kung mahahanap mo pa ito."

Isa-isa ay inihulog ko ang mga durog na piraso sa loob ng garbage bin habang nakangiting nakataas ang isang kilay.

"Farewell, ugly vase. You and your owner deserved to be in the trash!"

END OF FLASHBACK

KINABUKASAN

BRICE'S POV

"Hindi ko talaga alam mahal kung bakit basag na ang vase at nasa loob pa ng garbage bin."Malungkot na tugon ni Tia habang nagtataka pa rin sa nangyari kahapon.

When she told me about the vase ay kaagad ko siyang pinuntahan. Hawak-hawak ko ang isang basag na piraso ng vase to checked kung yun nga ang nakapa ni Tia. And she was right.

"Dito ko lang naman yan inilagay sa may bintana ko, eh. Ewan ba at bigla nalang napunta sa basurahan." Dagdag ni Tia.

May ideya na ako kung sino ang may plano talagang basagin ang vase. Wala namang ibang tao dito sa bahay na makakalabas-masok sa kwarto ni Tia.

I held Tia's hand to say that it's okay. "Bayaan mo na, mahal. Papagawa nalang tayo ng bago."

Hindi umimik si Tia. Nakatuon lang ang mga mata nito sa malayo.

It's 2:00 PM. Any minute now ay magsisimula na ang band practice namin for tomorrow's big event. At biglang nakaisip ako ng solusyon to stop all this.

"Bababa na ako ng music room, mahal. I want you to come with me."

Nanlaki ang mga mata ni Tia sa narinig. "Ha? Anong sasama ako sayo, mahal?"

I held Tia's hand tighter. "Sabay tayong papasok ng music room and we'll gonna tell everything tungkol sa ating dalawa."

Naramdaman kong biglang nanlamig ang kamay ni Tia. "Ha? H-hindi pwede, mahal. Mapapatay ako ni Ate Alyson. Itago nalang natin kung anong meron tayo."

Nalungkot ako sa narinig at marahang kinausap siya. "Ayokong habambuhay ay magiging ganito lang tayo, mahal. Mahal kita at gusto kitang ipagmalaki. Hindi ko kayang minamahal kita ng patago."

Sa sinabi ko ay natahimik si Tia at napayuko nalang.

"Wala ng magagawa si Alyson sa kung ano mang meron tayo. Ipagtatanggol kita kay Alyson. Kailangan na nilang malaman ang lahat. At kahit ano pang gawin niya, I'll fight for you. Hinding-hindi kita iiwan. Hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo." I paused then took a heavy breath. "At kung may mawalay man sa ating dalawa, hahanapin kita, kasi alam ko namang hahanapin mo rin ako."

Tears began to fall on Tia's eyes.

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya then I gently gave her a forehead kiss.

avataravatar
Next chapter