webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · Horror
Not enough ratings
115 Chs

Chapter 98

Crissa Harris' POV

Hindi ko na siya hinayaang makasagot pa at muli ko nalang siyang hinaltak para maglakad. Hindi na rin naman siya nagsalita pa dahil kapwa na napako ang atensyon namin sa paligid. Mahirap na no. Baka may bigla pang lumitaw na undead dito.

Base sa pwesto ng araw, nasa bandang mga alas dos hanggang alas tres na ng hapon ngayon. Malapit nang mag summer kaya medyo dama na rin yung init sa hangin. Sumasagitsit na sa kili-kili, leeg at alak-alakan.

Peste! Ang init! Ngayon ko lang naramdaman dahil kanina, masyadong occupied ang isip ko ng poot at galit. Hay.

Pero teka? Bakit nga ba naka long sleeves at pants ako ngayon?

Tumigil ako sa paglakad at humarap kay bff Renzo.

"Bes, peram ngang combat knife mo."

Wala naman siyang angal at ibinigay niya na nga lang yung kutsilyo niya. But as soon as makita niyang itinapat ko yun sa may kaliwang balikat ko, mabilis na niyang inagaw sa akin yun.

"A-ano bang balak mong gawin, ha!?"

Kunot-noo ko siyang tinignan at inagaw pabalik yung kutsilyo. "Anong drama mo, bestfriend? E tatanggalin ko lang sleeves nitong suot ko." sinira ko na nga lang yung magkabilang sleeves ng suot ko at ginawang sleeveless.

"Akala ko, magpapakamatay ka e. Maglalaslas, ganon." nakangusong sabi niya kaya natawa ako.

"Maglalaslas, sa balikat? Hahaha. Okay ka lang?" yung pants ko naman ang pinutulan ko hanggang kalahati ng hita. "Ang init kasi e, hindi ako komportable." inabot ko sa kaniya yung kutsilyo at naglakad na ulit.

"Saka hindi pa ako pwedeng mamatay. Hindi ko pa naililigtas ang kapatid mo e." seryosong sabi ko at mas binilisan ko pa ang lakad ko.

Sumunod na lang siya sakin at mga ilang saglit pa, narating na namin yung dulo nung damuhan na sinusundan namin. At ngayon, nandito kami sa isa pang kalsada na sa tingin ko ay nasa kabilang side nung pinanggalingan naming gasoline station kanina. Na located din sa isa pang kalsada na kinaroroonan din nung pinagsstayan namin.

Mahirap iexplain pero, ayun na yon. At hindi yun ang focus ng chapter na 'to.

Namataan agad namin yung isang grupo ng patay na undead na nakahandusay sa lupa. Although hindi na sariwa yung dugo nila dahil double dead na sila, alam kong kani-kanina lang din at hindi pa matagal ang pagkamatay nila. May mga sugat sila sa noo na mukhang galing sa pagkakasaksak at umaagos mula doon ang itim na dugo.

Nalipat ang paningin ko kay Renzo na may sinusuri sa sementadong kalsada sa may 'di kalayuan sa akin.

"Itong natuyong tulo na 'to, gasolina. Dito nakapark kanina yung get away vehicle nila." agad na sabi niya sa akin pagkalapit ko. Tumango-tango nalang ako bilang pagsang-ayon sa kaniya dahil nakita ko rin na kung saan nag-umpisa yung tulo ng gasolina, doon naman nagtapos yung tulo ng dugo ni Renzy. At sa may 'di kalayuan, may nakita rin akong basyo ng bala.

Hmmm.. Mukhang alam ko na ang nangyari dito.

"Hinuhuli nga nila tayo, at si Renzy ang naging pain nila sa atin." lumakad ako nang kaunti at dinampot ko yung basyo ng bala. "Sinadya nilang mag-iwan ng bakas na susundan natin papalapit sa kanila. Siguro, sa sasakyan nila ay may reserbang galon ng gasolina at may isa sa kanila na bumaril doon. Para tumagas at tumulo dito sa daan." tinapon ko sa sahig yung basyo at ikinasa ang hawak kong baril.

Nang mapansin kong nakatitig sa akin si Renzo, napatingin din ako sa kaniya. "Magtititigan na lang ba tayo dito, bff? It's now or never. Buhay ng kapatid mo or buhay nating dalawa. You choose."

Parang bigla naman siyang bumalik sa sarili at isang matalim na tingin ang binato niyaa sakin. Nakita ko rin ang gigil sa bibig niya. And with that, hinaltak ko na siya paalis. Dahil hindi ko na kailangang intayin ang sagot niya kasi alam ko na.

Binaybay na nga lang namin yung sementadong daan na yun habang pilit pa ring inaaninag yung tulo ng gasolina na medyo natutuyo na. Mahaba-haba na ang nilalakad namin kaya hindi na rin naiwasan na may makasalubong kaming mga naglalakad na patay.

Pero dahil hindi naman sila ang pakay namin, hindi na kami nag-abala pang mag-aksaya ng oras at lakas sa kanila. Pati bala. Yung mga pwedeng iwasan, iniiwasan nalang namin. Yung hindi, madaliang saksak nalang. Buti nalang, wala kaming nakakasalubong na malakihang grupo or horde dahil dun talaga kami mapapa trouble.

Saka isa pa, meron kaming mas dapat paghandaan. Lao pa at hindi namin alam ni Renzo kung anong peligro ang naghihintay sa aming dalawa mamaya.

"Wait, bes." tumigil ako sa paglalakad at hinaltak ang braso ni Renzo. Dahil mula sa kinaroroonan namin, ay may natatanawan na kaming nakahintong pick up truck.

Si Renzo naman this time ang humaltak sa akin at talagang hinaltak niya ako patago dun sa isang puno sa gilid.

"Sa tingin mo, yun na yon?" mahinahong tanong niya. Pero halata pa rin ang gigil at galit na nanunuot sa panga niya.

Isang seryosong tingin nalang ang binigay ko sa kaniya bago ako nagsalita.

"Hindi natin malalaman kung hindi natin titigan." humawak ako nang mahigpit sa balikat. "Para sa kapatid mo..

..Lalaban tayo."

Third Person's POV

"Oh ano, boss? Bilib ka na sa akin no? Sabi ko naman sayo e, mas effective to." nakangising sabi nung lalaki dun sa babaeng kasama niyang nakatago sa itaas ng isang puno. Malapit sa nakaparadang pick up truck.

Ngumisi pabalik yung babae habang pinagmamasdan si Crissa at Renzo na maingat na naglalakad palapit doon sa sasakyan. "Matagal na akong bilib sayo, Joey. Mula nang magawa mong traydorin ang kapatid ko."

"Ako pa ba? Magaling ata akong umarte; at dumiskarte. Tignan mo yan." inginuso niya si Crissa at Renzo na ngayon ay hinahalughog na yung loob ng pick up truck. "Diba? Kumagat sa pain ko. The more, the merrier. Matalino ang blonde na yan; medyo kinulang nga lang nang kaunti.."

"Or should I say, masyadong nagpapadala sa awa at emosyon. Yun ang kahinaan niya. Masyadong selfless. Masyadong mabait. Mas iniisip ang iba kahit na ikapahamak pa ng sarili niya." umirap ang babae at muling nagsalita. "Kabaitan na naging katangahan. How pathetic."

Sasagot pa sana si Joey nang mapansin nilang may ilang undead ang naglalakad papalapit doon kay Crissa at Renzo naghahalughog sa pick up truck.

Isang malaking ngisi pa ang binigay ng babae bago sinenyasan si Joey. Ilang magkakasunod na putok ang pinakawalan ng lalaki iyon para tadtarin ng bala yung mga undead na papalapit kina Crissa at Renzo na masyadong busy sa ginagawa nila.

Tumumba sa sahig yung limang undead. Kasabay nito ang pagsensyas ng babae sa itaas ng puno at pagtapos, ay ang paglabas ng apat pang mga lalaking armado ng baril galing sa magkakahiwalay pwesto sa ibaba. Pinalibutan nila si Crissa at Renzo na hindi na nagulat sa biglaang paglabas ng mga armadong lalaki na yun. Para bang yun na talaga ang inaasahan nila.

"Ibaba niyo yang mga armas niyo sa sahig kung ayaw niyong may mangyaring masama sa babaeng gusto niyong iligtas." sigaw ni Joey mula sa itaas ng puno. Sapat lamang para marinig nung mga nasa ibaba.

Walang kapalag-palag ngang ibinaba nung dalawa ang mga armas nila sa sahig. Mula sa mataas na kalibreng baril, hanggang pistol at combat knife. Matapos nito ay kapwa rin nila itinaas ang kamay nila sa ere. Si Joey naman ay maingat na tumalon para makababa.

Mula sa itaas, ay kitang kita ng babae ang nangyayari sa ibaba. Dalawa sa iba pang lalaki na kasama nila ang kumapit kay Renzo upang pigilan kung ano mang pinaplano nito. Kitang kita niya rin ang agarang pagkawala ng malay nito nang pukpukin ito ni Joey ng baril sa ulo.

Walang magawa si Crissa sa ibaba kundi pagmasdan nalang at pikit matang tanggapin muna ang mga nangyayari na iyon. Na kahit ba ay inasahan na nila, hindi pa rin sila talagang nakapaghanda.

Dahil wala. Wala silang kalaban laban sa mga oras na iyon.

Gayon na lamang ang pandidiri at gigil na naramdaman niya nang siya naman ang lapitan ng lalaking pumukpok sa ulo ng kaibigan niya. Mabagal siyang hinaplos nito sa mukha kasabay ng pagbulong nito sa tenga niya. "Maganda plus palaban, equals, titikman kita mamaya."

Mas lalong nagngitngit ang panga ni Crissa pero hindi na niya nagawang duruan ang lalaki sa mukha nito gaya ng sinisigaw ng isip niya. Dahil naramdaman na lang niyang tinakpan nito ang mga mata niya kasabay ng mg kamay na mahigpit na humawak sa magkabilang braso niya.

Bigla nalang din niyang naramdaman na may tumalon galing puno at unti unti na itong naglalakad palapit sa kanila.

"At last, nagkita na ulit tayo, Crissa." sabi ng isang pamilyar na boses ng isang babae.

Halo-halong emosyon ang naramdaman niya nang tanggalin nung lalaki yung kamay nito na nakatakip sa mata niya. Dahil hindi niya halos mapaniwalaan nang makita niya yung mukha nung babaeng nagsalita.

Kilala ito ni Crissa. Kilalang-kilala.

"A-ate Jade?.." yun nalang ang tanging nasabi niya dahil agad na rin siyang pinukpok ng baril sa ulo ng babaeng kaharap. Naging sanhi yun para agaran din siyang mawalan ng malay.

"Oo, Crissa. Ako nga. Ang ate Jade mo. Na kapatid ni Axel, na galing sa angkan ng mga Suarez, na matagal na ring kaibigan ng angkan ninyo..

..Na nangyari ding matagal nang nagpaplano na ubusin kayo."