webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · Horror
Not enough ratings
115 Chs

Chapter 97

Crissa Harris' POV

Saglit akong napasandal kay bestfriend Renzo at napasabunot sa buhok ko dahil sa sobrang pagkagulo dahil sa nasaksihan namin. Pero agad ko ring binuo ang sarili ko at hinarap siya. Ayaw kong kainin ng kaba at takot na nararamdaman ko ngayon. Hindi yun makakatulong sa sitwasyon.

Mariin akong huminga nang malalim.

"Hahanapin ko si Renzy. Ikaw? Iuwi niyo na ni Owen si Rose at Rosette." pinahid ko ang namumuong luha sa mata ko at mahigpit na hinawakan ang mga armas ko.

"No, ikaw ang sasama kay Owen, at ako ang maghahanap kay Renzy."

Tumalikod si Renzo. Pero hindi ko hinayaang makaalis siya at hinawakan ko siya sa braso.

"Anong ikaw? This is all my fault. I am responsible for her dahil ako ang leader niyo. Dapat binantayan ko siya.. Dapat sinundan ko siya.. Dapat hindi ko hinayaan na mag-isa lang siya.." hindi ko na naitago ang frustration at regret na nararamdaman ko. Nang may tumulo nang luha sa mata ko, naramdaman ko nalang ang pagyakap sa akin ni Renzo bago ang pagpunas niya sa mga luha ko.

"Will you stop blaming yourself? Kasalanan ko rin 'to. I'm her brother, kaya responsable akong bantayan ang kapatid ko." hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinignan nang seryoso. Kahit na ba kitang-kita na rin sa mga mata niya ang takot, pangamba, at galit. "Wala nang oras para sa pagtatalo at pagsisihan. Tutal naman parehas tayong responsable para sa kanya, tayong dalawa nalang ang maghahanap."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako tumango. Tinawag ko si Owen at yung dalawang batang babae na kapwa natakot sa nalaman nila. Si Owen naman ay napakagat nalang sa labi at napailing.

"Sige, ako nang bahala sa mga bata. Mabuti pang mag-umpisa na kayong maghanap. Ako na rin bahalang magpaliwanag kay Christian."

Inakbayan ni Owen yung dalawang bata habang binubulungan na maging alerto at ihanda ang mga armas nila. Naluluha sila parehas pero nakita ko yung galit na bigla nalang lumitaw sa mga mata nila.

Alam ko, buhay na ang diwa nila sa ganitong sitwasyon. Oo, bata sila. Pero hindi na excuse yun para hindi sila makaramdam ng bugso ng damdamin lalo na't nasa kapahamakan yung isang mahal nila. Batid ko ring handa na silang ipagtanggol ang sarili nila, at yung mga taong mahalaga sa kanila; kahit maging dahilan ito para mapahamak sila.

"Owen, protect them. At all costs. Please, do your best. Mag-ingat kayo pauwi." paalala ko.

Isang seryosong tango ang binigay niya sakin bago magsalita. "Sige na. Mag-ingat din kayong mabuti. Samantalahin niyo nang maliwanag pa para hindi kayo mahirapan. As soon as makauwi kami, sigurado akong magpapadala agad ng backup si Christian."

Nang tumalikod sila Owen, mabilis ko na ring hinarap si Renzo na nakatingin na rin pala sa akin.

"Makakauwi sila nang ligtas, magtiwala ka." hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. "Keep your guards up. Tara na."

Tinahak namin ni Renzo yung mapuno at masukal na parte sa gilid ng gasoline station na katapat nung bintana ng banyo. Naisip namin na dun lang yung tanging dadaanan nung mga kumuha kay Renzy dahil bukod sa tago nga at hindi pansinin, may nakita rin kaming mga bakas ng tulo ng dugo doon. Napansin din naming yung mga damo sa parte na yun ay nakadapa na, na ibig sabihin ay may dumaan doon. Nagkaroon ng parang daan na mula sa nahawing damo at halaman. Kaya sinundan na namin yun kasama na yung mga bakas ng dugo.

Kapwa kami alerto ni Renzo habang naglalakad. Handang-handa ang mga sarili namin kung sakaling may bigla nalang tao o undead na susugod samin. Sana lang, walang nagmamatyag samin mula sa malayo. Ano namang laban naming dalawa, kung meron pala at armado pa ng sniper? Nababantayan nila kami pero kami, hindi man lang aware kung asan sila.

Mabuti nalang, may kataasan yung mga talahib dito at posibleng hindi nila kami mamamatyagan mabuti. Kung meron talagang nagmamatyag sa amin.

"Binuhat nila si Renzy. At yung get-away vehicle nila, malayo mula dun sa kinaroroonan natin." sabi ko kay Renzo dahil napansin kong medyo mahaba-haba na rin yung daan na tinatahak namin. Bahagya rin akong nanlumo dahil sa hinaba-haba ng bakas na sinusundan namin, hindi pa rin nawawala yung mga tulo ng dugo.

Hindi ko rin tuloy maiwasang maisip, na mukhang hindi biro yung sugat na nakuha ni Renzy mula sa kumuha sa kanya dahil sa dami ng dugo na 'to na nakikita namin.

Nagngitngit ang panga ko sa mga naiimagine kong scenario. Kung anong ginawa nila kay Renzy, kung anong ginagawa nila ngayon sa kaniya, at kung ano pa yung pinaplano nilang gawin. Nakakapanginig ng laman. 'Wag lang nilang susubukan na gumawa pa nang kahit na ano sa kaniya. Dahil siguradong ngayon, hindi na ako magdadalawang-isip na kumitil ng buhay.

"Exactly. Kasi siguradong maririnig natin yung makina ng sasakyan nila kung sakaling malapit lang sa atin." delayed na sagot ni Renzo. Halatang occupied din ang utak sa mga posibleng nangyayari ngayon sa kapatid niya. At katulad ko, nakikita ko rin sa aura niya ngayon yung nabuong pagkagutom sa loob niya. Pagkagutom na iligtas at iganti yung kapatid niya sa kung sinomang dumukot doon.

"Yung gumawa nito, yun kayang matagal nang pinaghahandaan natin?" tanong niya nang lumipas ang ilang sandali samin na walang nagsasalita.

"Sigurado. Dahil kung ibang tao yun na ang pakay lang ay yung mga armas natin, bakit si Renzy ang kinuha nila at yung mga armas niya ay iniwan nila doon? They could've killed us all nung minamatyagan nila tayo, lalo pa at we're all focused sa training. Para lang makuha nila yung mga armas natin. But they did not. Kita mo? Tao ang pakay nila. Tayo ang pakay nila. Hindi yung mga gamit natin." sagot ko na nagngingitngit ang panga.

"Pero Crissa.."

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon si Renzo dahil bigla nalang din siyang huminto.

"Paano kung, paano kung patibong lang 'to? Na kinuha nila si Renzy para tayo na ang kusang lumapit sa kanila? Paano kung hinuhuli lang nila tayo? Hindi ba't, masyadong delikado na kumilos tayo agad ngayon without consulting Christian?"

Sinundan ng tingin ko yung paghinga nang malalim ni Renzo.

Ramdam ko yung takot niya para sa kapatid niya, pero hindi rin maipagkakaila na dama ko rin yung nararamdaman niyang takot para sa kaligtasan naming dalawa; na bigla nalang sumugod ngayon at kumagat sa pain nitong mga taong nagmamatyag sa amin. Walang opinyon ni Christian, at walang maiging pagpaplano ng buong grupo.

Hindi nga biro 'tong biglaang pinasok namin dahil wala kaming kaide-ideya kung ano bang peligro ang nag-aabang samin kung sakaling masundan talaga namin yung mga kumuha kay Renzy. Ni wala nga kaming kaide-ideya kung sino ba sila at anong bang klase silang mga tao. Hindi namin alam kung ano yung extent ng kademonyohan na kaya nilang gawin. Basta nalang kaming sumugod.

Napatingin ako sa pistol na hawak namin ni Renzo. Kapwa rin kami may sukbit na micro smg. Pero sasapat ba 'to para maipagtanggol ang mga sarili namin, pati na si Renzy? Laban sa kanila? Lalo pa at dadalawa lang kami?

Huminga ako nang malalim bago ko ibinalik kay Renzo ang tingin ko.

"Andito na tayo e. Ngayon pa ba tayo aatras?" ngumiti ako sa kaniya at mahinang sinuntok ang balikat niya. "Isa pa, may panahon pa ba tayong maduwag? Alam niyo na namang basta para lang sa kaligtasan niyo, handa akong sumugal."

"Crissa.." alalang bulong ni Renzo.

"Seryoso ako. Hindi ko hahayaang may mamatay isa man sa inyo. Kaya kahit ikamatay ko rin ang pagliligtas sa inyo, gawin ko. All for one, diba? At one for all?"