webnovel

UNBROKEN VOW (JOURNEY TO FOREVER SEQUEL)

Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero sa kabila niyon ay nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Pero hindi madali ang lahat, dahil minsan kahit hawak mo na ang mundo kailangan mo parin itong bitiwan, hindi sa kung anumang kadahilanan kundi dahil pinili iyon ng tadhana. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusin ay posible rin namang masira?

JessicaAdamsPhr · Urban
Not enough ratings
29 Chs

PART 2

PRESENT DAY...

KINABIG ni Benjamin ang manibela pakaliwa papasok sa malaking gate ng isang kilalang kompanya ng mga adhesives na may mga sangay na sa lahat halos ng bansa sa buong mundo. At dito sa Pilipinas, siya ngayong tumatayong ng Vice President ng Marketing Department.

Sa isang kilalang unibersidad sa bayan nila sa San Fernando siya nagtapos ng kursong Business major in Marketing kung saan siya Full-Scholar. He graduated as Summa Cum Laude kaya naman hindi siya nahirapang maghanap ng trabaho dahil trabaho ang lumapit sa kanya.

Beinte uno anyos siya nang tanggapin niya ang offer ng kasalukuyang kompanya niya bilang Marketing Manager. At nang magretiro ang Bise Presidente ng kanilang department limang taon na nga ang nakalipas ay siya na nga ang pumalit sa posisyon nito.

Sa edad niyang thirty one masasabi niyang malayo na ang narating niya kung ikukumpara sa buhay niya noon sa San Fernando kasama ang dalawang matanda na siyang nagpalaki at umaruga sa kanya. Namatay kasi sa panganganak sa kanya ang nanay niyang si Angela habang ang tatay naman niyang si Serafin ay nauna nang binawian ng buhay dahil sa sakit sa baga. Ipinagbubuntis palang siya noon ng nanay niya, limang buwan.

"Good morning sir Benj" ang nakangiting bati sa kanya ng kanyang sekretaryang si Lorna. Kagaya niya taga-San Fernando rin si Lorna, sa katunayan ay naging tao pa ng Lolo niya sa manggahan ang ama nitong si Mang Lope.

"Good morning" aniyang nakangiti.

"May iniwan po akong sulat sa table ninyo sir, galing po sa atin" balita nito sa kanya.

"Galing ng San Fernando High School?" hula niya.

Tumango si Lorna. "Formality po sir" anitong sinundan pa ang sinabi ng mahinang tawa.

"Sige" aniya saka na pumasok sa loob. Agad naman niyang namataan ang sobre. Binabasa na niya iyon nang ilapag ng sekretarya niya ang kape sa kanyang tabi.

Maingat niyang ibinalik sa loob ng sobre ang kulay puting papel saka iyon ibinaba sa ibabaw ng lamesa. Dinampot at tasa ng kape saka humigop. Ibinaba iyon saka nagbuntong hininga. Pagkatapos ay sinulyapan ang sobre.

"Hey" ang malamyos na tinig na iyon ang umagaw sa pansin ni Benjamin.

"Kelly" aniyang nginitian ang magandang babaeng mabilis na nakalapit sa kanya at yumuko para dampian siya ng halik sa pisngi. "napasyal ka?" tanong niya. Commercial model si Kelly. Tatlong taon narin mula nang magkakilala sila sa isang sikat na bar sa Makati. At noon na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

Nagkibit ito ng balikat. "Wala lang, gusto lang kitang makita" anito. "anong sulat ito?" nang masulyapan ni Kelly ang sulat.

"Invitation from San Fernando High School, kinukuha nila akong Speaker sa graduation day next month" aniya.

Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ng babae. "Nice, hindi masamang bumalik sa nakaraan lalo na kung doon ka namang naging masaya."

Tinawanan niya si Kelly. Hindi naman kasi lingid rito ang nakaraan niya. "Tama ka naman."

"So, you're ready to go back?"

"I think so" aniyang sinundan ng kibit-balikat ang sinabi.

Tumango ang dalaga."So paano mauuna na ako" paalam nito.

"Ingat" aniya.

OSLO, NORWAY

"MABUTI iyan, para maasikaso mo narin ang pagbebenta ng mansion at manggahan sa San Fernando" ang Papa ni Sara na si Roberto. Gabi na noon at magkakaharap silang tatlo na kumakain ng hapunan.

Nakatanggap kasi siya ng email mula sa bestfriend niyang si Roxanne na ikakasal na sa susunod na buwan. At dahil matalik na kaibigan, siya ang kinukuha nitong maid of honor. Head Chef si Roxanne sa isang malaking restaurant sa Maynila at si Carlo na lalaking pakakasalan nito ay nobyo pa ng kaibigan since college.

Culinary ang kursong kinuha niya noon sa Roswell University, ang pinakasikat na unibersidad sa bayan ng San Fernando. Doon siya pina-enroll sa kolehiyo ng mga magulang niya sa kagustuhan ng mga itong ilayo siya sa barkada. Nang mamatay ang Lolo niyang si Antonio ay isinama rin siya pabalik sa Norway nina Roberto at Betty para doon niya ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Incoming second year na siya noon.

"Paano na ang mga tao Papa? Wala silang matutuluyan?" ang nag-aalalang tanong ni Sara sa ama saka sinulyapan ang ina niyang si Betty na nagkibit lang ng balikat.

"Hindi na natin problema iyon. Besides sampung taon narin mula nang iwan natin sa kanila ang mansyon. Siguro naman sapat-sapat ng tulong iyon" giit ng ama niya.

"Tama ang Papa mo anak" sabad ng Mama niya. "siguro naman sapat na iyong sampung taon na libre natin silang pinatira sa mansyon. At isa pa ibibigay naman natin ang dapat na sa kanila, alam ng abogado natin ang tungkol doon" pagpapatuloy pa nito.

Hindi nakaimik doon si Sara. Wala naman na talagang dahilan para hindi pa nila ibenta ang mansyon dahil kumikita naman ng maayos ang cake shop nila ng Mama niya. Ang Betty and Sara's Cake Shop. Habang ang Papa niyang si Roberto ay Production Manager sa isang malaking kompanya ng sports car.

Maayos ang buhay nila dito sa Norway, at higit sa lahat malayo sa mga alaala. Noon gumuhit sa dibdib ni Sara ang isang pamilyar na sakit na hindi nagawang walain ng kasalukuyan niyang nobyong si Marcus. O kahit ng sino lalaking nakarelasyon niya doon sa Norway.

"Maiba tayo, wala pa ba kayong planong magpakasal ni Marcus? Aba anak twenty seven kana, hindi kana bumabata" si Betty na tumawa ng mahina.

Napangiti siya saka inabot ang baso ng tubig at uminom. "Sa totoo lang po hindi manlang sumasagi sa mga pinag-uusapan namin ni Marcus ang kasal everytime na magkasama kami" amin niya saka sinulyapan ang mga magulang niyang nahuli niyang nagpalitan ng makahulugang tingin.

Kulang isang taon narin niyang nobyo si Marcus. At sa lahat ng naging nobyo niya ang binatang ito ang talagang nagustuhan ng mga magulang niya. Paano'y bukod sa Pinoy na ay isa pang mahusay na Dentista sa Oslo. Ang pamilya ng binata ay nasa Norway narin lahat at maganda ang estado ng kabuhayan. Doon lihim na pinagtawanan ni Sara ang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang basis ng mga magulang niya sa pagpili ng taong tatanggapin at hindi.

"Gusto rin naman kasi namin ng Mama mo na makita at maalagaan pa ang apo namin sayo kaya ka namin pinaaalalahanan" si Roberto na sinulyapan siya saka muling niyuko ang pagkain.

Hindi na kumibo si Sara sa sinabing iyon ng kanyang ama. Nauunawaan niya iyon, pero bilang babae wala siyang ibang choice kundi ang maghintay. Bukod pa roon ay hindi naman niya talagang hangad ang maging asawa ni Marcus. Dahil ang totoo, binuo niya ang future niya kasama ang isang lalaking bahagi ng kanyang nakaraan. Nang isang napakagandang nakaraan na hindi niya malimot dahil pinili niyang huwag kalimutan.