webnovel

UNBROKEN VOW (JOURNEY TO FOREVER SEQUEL)

Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero sa kabila niyon ay nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Pero hindi madali ang lahat, dahil minsan kahit hawak mo na ang mundo kailangan mo parin itong bitiwan, hindi sa kung anumang kadahilanan kundi dahil pinili iyon ng tadhana. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusin ay posible rin namang masira?

JessicaAdamsPhr · Urban
Not enough ratings
29 Chs

PART 21

"TUMAHAN ka na, baka makita ka ng Papa mo, magtataka iyon" alo sa kanya ni Roxanne nang araw na dalawin siya nito sa mansyon. Nasa kwarto niya sila nang mga sandaling iyon kaya hindi niya nakontrol ang sariling emosyon.

Ang totoo malaki ang pasalamat niya at dinalaw siya ng kaibigan niya. Tatlong araw narin kasi ang nakalilipas mula nang mangyari ang pagtatalo nilang iyon ng kanyang ama. Kinuha ni Roberto ang kanyang cellphone. Grounded siya dahil sa ginawa niyang pakikipagtalo rito. Kaya hindi na niya nakausap o naitext si Benjamin at maging si Roxanne.

"Ayokong umalis dito Roxanne, paano na kami ni Benjie?" aniyang pinahid ang luhaang pisngi.

Noon hinawakan ng kaibigan niya ang kanyang kamay saka iyon pinisil. "Mag-usap kayo, iyon ang mas magandang gawin" suhestiyon ni Roxanne.

"Paano? Grounded nga ako ng one week di ba?" hopeless niyang sagot.

"Teka, iyon bang cellphone mo naka-off?" nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan.

Tumango siya. "Naisip ko narin iyan kaya pinatay ko iyong phone bago ko ibinigay sa kanya" aniya.

Ngumiti si Roxanne. "Hayaan mo, gagawa ako ng paraan para makapag-usap kayo ni Benjamin bago ka umalis" sa narinig ay muli nanaman siyang nakaramdam ng lungkot.

Umaliwalas ang mukha ni Sara sa narinig. "Promise?" sa kabila ng lungkot na nararamdaman niya dahil sa katotohanang malapit na silang magkahiwalay ng nobyo ay pinili parin niyang magpakatatag.

"Oo, pero sana huwag kayong gagawa ng bagay na pwede ninyong ikapahamak ha? Isipin mo si Benjamin at kung ano ang kayang gawin sa kanya ng Papa mo sakaling may magawa kayong hindi maganda" paalala lang iyon kung tutuusin pero hindi niya naiwasan ang matakot para sa nobyo.

"Sige, basta sabihin mo mag-iingat siya ha? Saka pakisabi mahal na mahal ko siya" aniyang nangilid nanaman ang mga luha.

Nakakaunawa ang ngiting pumunit sa mga labi ni Roxanne. "Makakarating" anito.

TININGALA ni Benjamin ang mataas na bakod na pader ng mansyon ng mga Medina kinagabihan. Iyon ang likurang bahagi ng mansyon. Hindi iyon ang unang pagkakataong nagawi siya roon pero ngayon lang niya gagawin ang pinaplano, para kay Sara.

Mataas ang puno ng duhat na inakyat niya pero wala siyang pakealam dahil iyon lang ang tanging paraan para maakyat niya ang bakod na pader. Tamang-tama dahil pagbaba niya tanaw na doon ang kwarto ni Sara, ang veranda.

Magkakahalong pananabik, pangungulila at pag-aalala ang nararamdaman niya nang simulan niya ang plano. Ayaw niyang malayo ang dalaga sa kanya. At isang paraan lang ang naiisip niyang solusyon doon. Ang itanan ito. Pero hindi pa man nahuhulaan na niya ang pwedeng kahinatnan ng lahat kapag ginawa niya iyon. Dahil tiyak na ang dalawang matanda ang babalikan ng mga magulang ng dalaga kapag nagkataon.

"B-BENJIE?" anag-ag man ang ilaw na nagmumula sa lampshade ay napabalikwas ng bangon si Sara nang makilala ang nakatayong bulto sa mismong paanan ng kanyang kama.

"Hello" anitong humakbang palapit sa kanya saka naupo sa gilid ng kanyang kama.

"P-Paano ka nakapasok?" nang maalalang wala nga pala siyang suot na bra ay mabilis niyang hinila pataas ang kumot niya saka iyon itinabing sa kanya mismong harapan.

Matamis ang ngiting pumunit sa mga labi ng binata. "Naiwan mong bukas iyong pinto" anitong inginuso ang veranda. "akala ko pa naman sinadya mong hindi isara kasi alam mong darating ako" anitong humimig na tila nagtatampo bagaman nanatiling nakangiti.

Umikot ang mga mata ni Sara sa narinig. "Sira, pero seryoso. Masaya akong nandito ka" aniyang ginagap ang kamay ni Benjamin saka iyon hinalikan.

Wala siyang narinig na anumang sagot mula sa binata. Sa halip ay lumapit ito sa kanya saka siya niyuko at hinalikan din sa mga labi. "Akala ko masisiraan na ako ng bait, tatlong araw akong wala anumang balita galing sa'yo eh" anito.

Nag-init ang mga mata niya sa narinig. "A-Aalis na ako B-Benjie" sa huling tinuran ay hindi na niya napigil ang umiyak.

"Sinabi sa akin ni Roxanne kanina" anitong sinundan pa iyon ng buntong hininga.

Noon siya napaiyak. "I'm sorry" ang tanging nasabi niya.

Hinawakan ni Benjamin ang kanyang mukha saka iyon ikunulong sa sarili nitong mga kamay. "Naiintindihan kita" anito.

"M-Masakit, parang hindi ko kayang tanggapin na hindi tayo para sa isa't-isa" mapait niyang hayag habang patuloy sa pag-iyak.

"Sinong nagsabi sa'yo? Kasi ako nararamdaman kong may karugtong pa ito" ang binatang nagpilit pang ngumiti pero pansin din niya ang pagpipigil nitong maluha. "let's grow old together?"

Sa tanong na iyon ng binata impit siyang napahagulhol. "Iyon naman ang gusto ko talaga, wala nang iba" aniya.

Noon na nga tuluyang umagos ang mga luha ng binata. "H-Hihintayin kita, dito rin mismo kung saan tayo nagsimula. At kung sakali mang kailanganin kong umalis dito, pangako babalik at babalik ako to meet you again" anitong hinaplos ng marahan ang kanyang mukha na basang-basa ng luha.

"P-Pero paano kapag na-in love ka sa iba? At isa pa hindi ko alam kung makakabalik pa ako" ayaw man niyang isipin pero dahil posible ay hindi niya napigilang sabihin.

Suminghot sandali ang binata saka nito tinuyo ang sariling mga luha. "Hindi mangyayari iyon Sara" anito.

"Gaano ka kasigurado?"

Noon nakangiting inilapit ni Benjamin ang mukha nito sa kanya. At gaya ng dati, malaya niyang nasamyo ang mabangong hininga ng binata. "Wala ka bang tiwala sa akin? Sa lahat ng sinasabi ko?"

Tumango-tango siya at sa wakas ay napangiti narin. "Mahal kita, kaya kahit masakit sa tingin ko hindi tamang itali kita sa isang pangakong parang wala namang kasiguraduhan."

"Listen, hindi ako ang tipo ng taong mahilig mangako. Pero para sayo gagawin ko" ang binata. Nang manatili siyang tahimik ay muli itong nagsalita. "magsisikap ako para sa susunod na chapter hindi na ganito. Hindi na tayo magtatago, malaya nating maihahayag ang pagmamahal natin sa isa't-isa. Para maging karapat-dapat ako sa'yo." Nang hindi siya magsalita ay nagpatuloy ang binata. "dalhin mo na ang kalahati nitong puso ko. Para saan man ako dalhin ng tadhana. At saan ka man ihatid ng mga paa mo may guide ka kung paano babalik sa akin."

"Oh Benjie!" aniyang muling napaiyak at mahigpit na yumakap sa binata.