Kinabukasan dumating nang maaga si Bei Chendong para mag-tea kasama ang kanyang ama.
Naghihintay si Father Bei sa hardin. Habang hinahanda ang tea, tiningnan niya ang anak niyang lalaki at nginitian ito, "Bihira lamang sa iyo na isipin ang tatay mo."
"Tinanggal ni Bei Chendong ang kanyang coat at umupo sa batong upuan, hindi pinapansin ang kaonting nyebe na bumabagsak sa kanya habang dinadampot ang maniit na isang tasang tsaa, "Father, nandito ako para aminin ang isang bagay."
"Ito ba ang ugaling ginagamit kapag aamin?" tanong ni Father Bei habang tinitignan ng masama ang kanyang anak na lalaki at humigop mula sa kanyang tsaa, "Magsalita ka, anong problema?"
"Sa totoo, wala akong sakit," direktang wika ni Bei Chendong.
Nang marinig ito ni Father Bei, binagsak niya ang kanyang kamao sa batong mesa at kumunot ang noon kay Bei Chendong, "Hinahamon kita na sabihin mo muli iyan."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com