webnovel

Tinanggal Ang Pangalan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos marinig ang sinabi ni Master Ni, nanigas ang katawan ni Yang Xi. Kahit na siya ang babaeng pinakamatagal na nakasama ni Master Ni, hindi niya maaaring palitan ang katotohanan na siya ay mistress lamang.

Pinakaimportante sa lahat, bukod sa pagpasok sa entertainment industry at pagiging aktres, walang ibang paraan upang makaranas siya ng kalayaan.

Ang kanyang kalayaan ay habang buhay nang wala sa kanya!

Pagkatapos ng lahat, masyado na siyang maraming nalalaman…

"Ngunit, kung magagawa mong matalo si Tangning, kung ganon nailigtas mo ang aking pagmamalaki. Kapag dumating na ang oras na iyon, mapapasaiyo ang kahit anong gusto mo. Syempre, hindi ka maaaring sumobra sa iyong hihilingin…" marahang tinapik ni Master Ni sa pisngi si Yang Xi at tumayo, naiwan si Yang Xi sa sofa ng nag iisa habang pinipigil ang kanyang emosyon.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com