2 Striking Back at the Cheating Couple

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

At doon nagsimula ang pagbagsak ng isang supermodel. 

Pero parang hindi lang dito nagtatapos ang kwento ni Tangning.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi niya na-realize na ang tapang niya - at nagpakasal siya sa isang estranghero! Pero nangyari na ang mga nangyari, at hindi niya iyon pinagsisihan.

Bumalik si Tangning sa kanyang kotse. Bubuksan pa lamang niya ang makina ng kanyang sasakyan ng biglang siyang nakatanggap ng tawag galing kay Han Yufan.

"Tangning, nasa'n ka ngayon?"

"Nasa harap ng Civil Affairs office, pauwi pa lang." sagot ni Tangning habang tinatago ang kanyang emosyon.

"Yurou has a very important show… kailangan kong palitan mo siya kaagad. Sinabihan ko na ang make-up artist na bigyan ka ng mask - walang may makakaalam na ikaw 'yon," Sabi ni Han Yufan na may tono ng superior. "At since nasugatan si Yurou, kailangan mo munang magsakripisyo ng kaunti…"

"'Di ba sabi mo nasugatan si Miss Mo sa stage? Kung gano'n, alam na ng media na nasa hospital siya…"

"Pero may kinausap na akong tao at sinabihan na pupunta siya kahit may sugat siya. Pagsinabi kong pumunta ka, pumunta ka!"

Napakawalang hiya niya. Dati, ang daming katangahan na katulad nito ang ginawa ni Tangning para kay Mo Yurou.

As it seems, siya ay ginagamit lang. Gayunpaman, hindi niya hahayaang ganito na lang ang gawin nila palagi!

Kalmadong tumango at sumagot si Tangning, "Okay, bigyan mo ako ng oras at address, pupuntahan ko 'yon ngayon."

"Tangning, malapit na tayong magpakasal. Tulungan mo muna ako magboost kay Yurou, her career is currently on rise."

"I'll give her a boost for sure…" Makabuluhang sagot ni Tangning.

"Ibababa ko na 'to. Dinner tayo mamaya."

Walang kaalam-alam si Han Yufan sa mga mangyayari, siguro ngayon, nakaupo ito sa tabi ni Mo Yurou habang tinititigan ang babaeng mahal nito. Binaba ni Tangning ang tawag nito bago tawagan ang kanyang manager. At sumagot ito ng pa-galit sa kanya.

"Gusto ni President Han na ikaw ang magstep up para sa B-grade na modelong iyon?! Nababaliw na ba siya?! Kung hindi ka nag desisyon na iwanan ang pagmomodelo, hindi siya makaligtas sa industryang ito."

"Long Jie, um-oo na ako…" kalamadong sagot ni Tangning.

"Kailangan mo talagang pumunta?" Parang masusuka ng dugo na sabi ng kanyang manager sa pagkadismaya nito. Sina Tangning at Mo Yurou ay mga modelong nakakontrata sa Tianyi Entertainment, pero dahil sa kagustuhan ni Tangning na umurong, nadamay ang kanyang manager at pinagsalitaan din ito ng hindi maganda.

Alam ni Tangning na her manager wanted to stick up for her injustice. Pagtiyak na tugon niya, "wag kang mag-alala, hindi na ako magiging bobo, hindi na ako magpapagamit sa kanila!"

Matapos marining iyon ng kanyang manager, biglang nabuhayan ito, "So, sinasabi mo bang may plano ka na?"

"Long Jie, mula ngayon ikaw lang ang pwede kong mapagkakatiwalaan, tulungan mo ba akong tulungang gawin ang isang bagay?"

"Magsalita ka." Loyal ang manager niya sa kanya. After all, magkaparehas sila ng objective.

"Desperado si Mo Yurou na kumbinsihin ang media na pupunta siya ng show kahit may sugat siya dahil ayaw niyang maapektuhan ang kanyang posisyong para sa 'Top Ten Model Awards'. Tulungan mo akong bumisita sa Tian He hospital."

"Alam ko na ang gusto mong mangyari. Gusto mong kumuha ng ebidensya na nasa ospital pa siya at ipakita ito sa publiko habang nasa ipinapalabas pa ang show." Nasasabik na ngiti ng kanyang manager.

"Hindi, may mas malaki pa akong pasabog. Buntis siya at si Han Yufan ang ama! Tapos, tulungan mo rin akong magbigay ng statement na makailang ulit akong ginamit ni Han Yufan para maging pamalit sa show ni Mo Yurou. At sa kung anong palabas? Kinakailangan ko ang tulong mo para malaman ang mga iyon."

Sa una ay nagulat ang kanyang manager sa nalaman nito pero naiintindihan din naman nito ang biglaang pagbabago ng ugali ni Tangning. Mga walang hiyang magkasintahan! Hindi lang sila manloloko, ginamit pa nila si Tangning - ordering her around like a puppet.

"Wag kang mag-alala, Tangning. Tutulungan kitang gawin ang lahat ng ito."

Hindi kumibo si Tangning. Napakalmado ng nararamdaman niya. Ibabalik niya sa mga ito kung ano ang pagtrato ng mga 'to sa kanya!

Pagkatapos niyang klaruhin ang kanyang saloobin, nagmamadaling kinuha niya ang kanyang mga gamit at dumeretso sa show upang makipagkita sa assistant ni Mo Yurou.

He was a married man na malaki ang pangangatawan at may palabirong personality.

Magalang ito kay Tangning. Kahit hindi na ito sikat, ang Tang family ay hindi basta-basta na lang nilang pwedeng husgahan.

"Ba't ang tagal mo? Bilis… halika na at nang matapos na ang make up mo."

"Anong klaseng show ito ngayon?" habang nagmamadaling bumaba sa hallway.

"Nothing special!" sagot ng assistant nito. Ang totoo, isa itong jewelry show ng isang sikat na French brand. Ang HF.

Pagkatapos ng show na ito, magkakaroon ng oportunidad si Mo Yurou upang pumirma at maging spokesperson ng HF. Dapat ang pagkakataong ito ay hindi mapupunta kay Mo Yurou dahil sa kanyang sugat, pero dahil sa suggestion ni Han Yufan, sigarudong hindi aangal si Mo Yurou.

Actually, habang papunta siya sa show ay nag research na si Tangning sa gaganaping show ngayon. At ito ay ang: Crown's Star Jewelry Show.

Sadyang nagsinungaling ang assistant ni Mo Yurou sa kanya. Ganun ba ba talaga siya kabilis mauto?

"Thanks to Yurou's current status, may make up room kang sa'yo. Ikaw ang panghuling lalabas at ito ang alahas na iyong ipapakita ngayon. Ito ang schedule…" Paliwanag ng assistant nito habang tinuturo ang alahas na nasa stage. Pagkatapos no'n, inutusan niya na ang make up artist na lagyan ng kolorete sa mukha si Tangning.

Talaga bang tingin ni Han Yufan na kahit lagyan siya ng maskara, hindi siya makikilala ng mga tao?

Bagaman, sukdulan ang kanyang naiisip, bibigyan pa rin niya ang mga taksil ng pang-habang buhay na surpresa!

Samantalang sinusundan ng assistant ni Mo Ting ang bawat galaw ni Tangning at narinig nito na ginawa siyang kapatid ni Mo Yurou sa show. Agad-agarang ni-report niya ito kay Mo Ting. Nang malaman ni Mo Ting ang nangyari, agad niyang inutos dito, "Pupunta ako sa jewelry show ng HF! Make arrangements immediately!"

"Yes, President!"

Hindi ito isa sa mga particular na special na show, pero gusto niyang makita ang gagawin ni Tangning.

11 am, ang klasikal na tugtog ay maririnig sa buong paligid ng Hai Yi Centre, the show had begun.

Sa loob ng make up room, tapos na ang make up ni Tangning at nakatayo siya sa harap ng salamin habang naghihintay. Suot ang white tight-fitting long dress, simple pero classy, suot ang maskarang nagbibigay hiwaga, ang buhok ay nakatali sa likod malayo sa kanyang mukha na may isang rosas - she was absolutely stunning!

Hindi makapagsalita ang assistant. Iniisip niyang kahit siguro tumayo lang si Tangning sa harap nila, makukuha niya pa rin ang atensyon ng mga taong nakapaligid sa kanya. Paniguradong makukuha ni Mo Yurou ang kontratang ito!

"Ibababa ka sa stage gamit ang upuan galing sa taas. Ito ang bracelet ng Crown's Star, hayaan mo akong maglagay nito sa'yo." Maingat at dahang-dahan na iniligay ng assitant ang bracelet kay Tangning. Pero, dahil sa pagiging slim ni Tangning kaysa kay Mo Yurou, naging malaki ang bracelet na ito sa kanya. Na kahit sa buhat lang ng kanyang braso, masaslide na ito.

Ang bracelet na to ay denisenyo ng founder ng HF para sa kanyang anak na babae. Sa gitna ng golden bracelet was a crown encrusted with white diamond. Sa pagitan naman nito ay dalawang stars na gawa sa pure and immaculate white gem stones - nagpapakita ng dalawang taong pinuprotektahan ang kanilang pinakamamahal na anak.

"Hindi mo ito masusuot ng ganito… Anong gagawin ko?"

"Do you trust me?" Biglaang tanong ni Tangning sa assistant ni MoYurou.

"Sa ngayon, ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko." Sabay tango ng assistant. Kung walang sulosyon, ang magagawa niya lang ay ang pagkatiwalaan ang modelo. This was Yurou's opportunity at being a spokesperson, pagpumalpak siya, talagang tatanggalin siya ni President Han.

"Kung ganun, ako ng bahala…" Tangning reassured.

"Bilis! Maghanda ka na, lalabas ka na ng stage soon!"

Sa buong kumosyon na nangyayari, hindi nakita ng assistant ang tingin na ipinapahiwatig ng mga mata ni Tangning.

avataravatar
Next chapter