"Miss Tang, paumanhin… nagmamakaawa ako sa iyo."
Nang makita ang bigong ekspresyon ni Doctor Lin, hindi man lang nakadama si Tangning ng kahit kaunting awa. Alam niya na kung hindi nadiskubre si Doctor Lin, hindi nito ituturing na nagkamali siya. Sa katotohanan, ipagmamalaki pa nito ang perang kanyang natanggap mula sa pananakit kay Tangning at masayang gagastusin ito ng malaya sa kanyang sarili.
"Walang halaga ang pagmamakaawa mo sa akin. Lalo na dahil hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na humingi ng awa sa iyo."
Sa sandaling lumabas ang mga salitang ito sa bibig ni Tangning, sinenyasan ni Mo Ting si Lu Che na samahan palabas ang babae. Pagkatapos, pinapasok nila ang doktor na unang nag eksamin kay Tangning.
Nang makita ang naging kapalaran ni Doctor Lin, ang bata pang babae ay labis na natakot, nagsimula itong manginig.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com