webnovel

Patayin Ang Dalawang Ibon Gamit Ang Iisang Bato

Editor: LiberReverieGroup

Kasama ang ebidensya na nasa kanyang kamay, umalis si Fang Yu upang hanapin ang may ari ng pit bull terrier. Hindi din maintindihan ng may ari ng aso kung ano ang nangyari. Ang pitbull ay may kinagat na rin dati noong ito ay bata pa, ngunit, nang mga panahong iyon, ito ay maliit na kagat lamang.

At para naman sa buto na nasa bulsa ni Xiao Yue, tinanong ni Fang Yu si Xiao Yue tungkol dito, ngunit si Xiao Yue ay masyado pang bata upang makapagbigay ng maayos na sagot. Kaya, umalis si Fang Yu upang kausapin ang kanyang kindergarten teacher. Ayon sa guro, ang menu para sa araw na iyon ng insidente ay kasama ang pork ribs. At kung paano naman ito napunta sa bulsa ni Xiao Yue, ipinaliwanag ng guro na pangkaraniwan na sa mga bata na palaging magtago ng kung anong bagay na maaaring mapaglaruan, ang lahat ay posible.

Pagkatapos na makinig sa paliwanag ng guro, ang kanyang pagtitiyaga upang mahanap ang katotohanan ay naglaho.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com