Nang makita niya si Fang Yu, nakaramdam ng kaunting hiya si Huo Jingjing. Pagkatapos ng lahat, wala siyang gaanong suot.
Sa sandaling nakita niya ang namumulang mga pisngi ni Huo Jingjing, agad na hinubad ni Fang Yu ang kanyang jacket, lumakad patungo sa runway at inilagay ito sa mga balikat ni Huo Jingjing.
Gayunpaman, nang akmang isasama na niya ito paalis, biglang tinanong ng show director, "Sino ka?"
"Ako ang Artists Director ng Hai Rui, Fang Yu!" sagot ni Fang Yu gamit ang malamig na tono.
Medyo natigilan ng ilang sandali ang lalaki bago nagtanong nang mas malumanay kasya noong una, "Hindi siya pwedeng umalis, nagtratrabaho pa siya. Gusto ninyo bang sumayin ang kontrata ninyo?"
"Kontrata?" dahil sa pagkakabanggit sa kontrata, nilingon ni Fang Yu ang manager ni Huo Jingjing at inutos, "Dalhin mo dito sa harap ko ang kontrata!"
Pinunasan ng manager ni Huo Jingjing ang kanyang mga luha at agad na ibinigay ang kontrata kay Fang Yu.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com