"Huwag ka na munang magalit. Mula sa kung ano ang narinig ko mula sa ibang tao sa loob ng idustriya, nang dahil sa insidenteng ito, sinamantala ng Cheng Tian ang pagkakataon na ito upang ipatigil ang lahat ng trabaho ni Tangning. Narinig ko din na ang mga tarabaho na dati nang napirmahan ni Tangning ay naibigay na sa iba. Wala na siyang abilidad ngayon na hamunin ka," umupo sa tabi niya ang kanyang manager at ibinahagi ang lahat ng detalyeng napag – alaman niya.
"Totoo ba 'yan?" inagat ni Ling Feng ang kanyang ulo at uminom muli ng wine habang nakasandal ang kanyang likod sa sopa, "Nakumpirma mo na ba ang impormasyon na ito?"
"Medyo kumpirmado na ito."
Ibinaba ni Ling Feng ang kanyang wine at biglang tumawa ng malakas, "Tingnan natin kung paano na ako hahamunin ng p*t* na iyon ngayon … Pero, mayroon pa akong katanungan: kakapapirma pa lang ng Cheng Tian kay Tangning, paano napunta sa ganitong punto ang kanilang hindi pagkakaunawaan?"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com