Dahil pamamahalaan na ni Han Ruoxue si Tangning, siya, si Lin Wei at si Han Yufan ay nasa meeting room ng umagang iyon upang talakayin ang mga nalalapit na plano nila. Hindi inimbitahan si Tangning sa pagpupulong na iyon, ang katwiran lamang ay dahil ito ay isang pag – uusap lamang. Gayunpaman, maliwanag kay Lin Wei ang tunay na intensyon ni Han Ruoxue – parang isang chess piece lang ang turing ni Han Ruoxue kay Tangning. Hindi mahalaga kung gaano kataas ang katayuan ni Tangning, patuloy pa rin niyang papanatilihin ang kanyang kapangyarihan upang makontrol ang kanyang artist.
Ipinakita ni Lin Wei sa projector screen ang mga trabahong inaalok kay Tangning – ito ay naglalaman ng 23 pangalan ng iba't ibang kumpanya! Nang makita ito – nagulat si Han Yufan. Sa gitna ng mga alok na ito, walang kakulangan ng 2nd-tier magazine. Hindi niya inaasahan na ang publiko ay may mataas na antas ng pagkilala para kay Tangning.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com