webnovel

Mayroon Ding Dignidad Ang Ibang Tao

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Maingat na inilagay ng assistant ni Elder Nangong ang balita sa harapan ng matandang lalake.

"Ano ang tungkol sa lahat ng ito?" Tanong ng matandang lalake pagkaraan niyang basahin ang buong balita.

"Ang Hai Rui ay nagsagawa ng isang anniversary event para sa 'The Ant Queen' kahapon. Sila ay nakipagtulungan sa mga sinehan sa buong bansa upang magsagawa ng isang misteryosong promotion at sinorpresa ang lahat para sa premier ng 'The Ant Queen 2'."

"Walang sino man ang mag aakala na ang 'The Ant Queen 2' ay ipalalabas sa ganitong paraan. Nararamdaman ng lahat na ang paraan ng Hai Rui ay napaka kawili wili at matagumpay. Tila, ang benta ng tiket para sa 'The Ant Queen 2' ay umaabot na sa bilyon."

"Narinig ko na ito ay isang malaking hit na ang tiket ay mahirap na makuha ngayon!" Wika ng assistant habang naiilang na nakasulyap sa matandang lalake.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com