webnovel

Mas Mabuti Pa Ang Mamatay Kaysa Ang Magsumikap Na Mabuhay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bukod sa kanyang kapatid na lalake, si Xia Hanmo ay wala ng ibang kamag anak. Kung kaya, ang kanyang libing ay lubhang napakasimple.

Bahagyang umuulan sa araw ng kanyang libing. Si Tangning at ang mga tao sa Superstar Media ay dumating ng nakasuot ng itim, may hawak na itim na payong. Idagdag pa ang mga tagahanga, ang kinalabasan nito ay lubhang maringal.

Ang mga tagahanga ni Xia Hanmo ay nagsisipag iyak habang hawak nila ang mga libro na isinulat niya at mga poster ng pelikulang nilabasan niya. Ang lahat ng ito ay isasama sa kanyang libingan.

Sinabi ni Tangning kay Xia Hanmo na si President Fan ay pinahihirapan na sa kulungan at aalagaan niya ang kapatid nitong lalake sa ngalan ni Xia Hanmo umaasang siya ay matatahimik na.

Ilang sandali pa, biglang humilig si Long Jie sa braso ni Tangning at nagtanong, "Tingnan mo ang lalakeng nakatago sa likod ng puno. Si Zhou Qing ba iyon?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com