Personal na tumawag si Lan Xi kay Tangning para alokin ito ng kontrata Cheng Tian Entertainment.
Personal!
Kahit na sinubukan ni Tangning ang kanyang makakaya upang manatiling kalmado, medyo nasorpresa pa rin siya sa alok nito.
"President Lan..."
"Tangning, ipagpaumanhin mo sana. Sa katunayan, pagkatapos mong ikansela ang kontrata mo sa Tianyi, mayroon na talaga akong intensyon na papirmahin ka sa ilalim ng kumpanya ko. Ngunit, may nakapagsabi sa akin na pipirma kana daw sa Creative Century, kaya naman isunuko ko na ang ideya kong ito."
Gayunpaman, ngayong gabi, nagkaroon kami ng kaunting pag – uusap ni Father Five. Sinabi niya sa akin na wala kang intensyon na pumirma sa Creative Century. Sa ganoong kaso, pumapayag ka bang pumirma sa ilalim ng Cheng Tian?"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com