webnovel

Kailan Pa Natalo Si President Mo?

Editor: LiberReverieGroup

"Tingnan ninyo, andito na siya," ngumiti si Father Quan habang pinapanood niya na pumapasok sina Mo Ting at Tangning sa bulwagan. Pagkaraan ay sinenyasan niya si Quan Ye na tumayo.

Nakita din ni Second Master Mo si Mo Ting, pero hindi nanatili ang kanyang mga mata dito. Pagkatapos ng lahat, ilang dekada na din niya nakita ang mukha nito; hindi na ito bago. Sa halip, nakatuon ang kanyang mga mata sa babae na nasa tabi nito, si Tangning.

Sa unang sulyap, ang babae na ito ay medyo hindi namamansin pero hindi naman siya parang arogante; siya ay tahimik na mayroong hindi nakakatakot na mga tingin. Natural lamang na makakaramdam ng pagkakomportable ang mga taong nakapaligid sa kanya dahil sa aura niyang ito.

Noong una, inasahan na ng buong pamilya na mananatili binata na lamang habang buhay ang kanyang pamangkin. Sino ang ang mag – aakala na sa wakas ay nagising na din ito.

Gayunpaman, mayroon bang malinis mula sa loob ng entertainment industry?

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com