Mapanghamak na tumingin si Father Xu kay Tang Jingxuan at may pagdududa, "Sa gitna? Tinutukoy mo ba ang Tang Corps? Wala akong pakialam kung makatrabaho ko kayo o hindi. Sa totoo lamang, maaari kong kanselahin ang ating kontrata anumang oras.
Ang aking kapatid ang kasalukuyang namamahala ng Tang Corps; wala akong karapatan upang iwagayway ito sa harapan mo Father Xu, kahit pa gustuhin ko. Kaya dapat lamang tayong manatili kung ano ang mayroon tayo ngayon. Alam kong gusto ni Father Xu ang mag exercise at mayroon naman akong kaunting kaalaman sa Kung Fu, bakit hindi tayo magpalitan ng galaw?"
Interesadong tiningnan ni Father Xu si Tang Jingxuan, "Kailangan mong malaman na ako ay nagsasanay ng Muay Thai sa loob ng 20 taon."
"Alam ko, kung kaya si Qingyan ay maraming pinsala sa kanyang katawan," tango ni Tang Jingxuan.
"Hindi ka ba natatakot na mapatay kita?"
"Hindi pa natin alam kung sino ang mananalo," sagot ni Tang Jingxuan ng nakangisi.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com