webnovel

Hindi Ako Natatakot Sa Kahit Ano

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi inaasahan, ng mga oras na iyon, ang luxury commercial na dating ginawa ni Tangning para sa Fearles ay lumabas sa isang sikat na magazine; labis na nasorpresa si Tangning.

Si Tangning ay lubos na nakatuon sa paggawa ng pelikula kung kaya ganap na niya itong nakalimutan. Halos nakalimutan na niyang nagmodelo siya sa mga larawang iyon. Ngunit, habang nakatingin sa email na ipinadala ng Fearles ng isang magazine front cover, biglang nakadama si Tangning ng kakaibang emosyon. Dahil sa paggawa ni Tangning ng pelikula, ang Fearles ay hindi rin nakadalo sa Autumn/Winter Fashion Week.

Habang nakatingin pa rin si Tangning sa email, ang Hai Rui ay agad na ipinost ang kanyang larawan sa front cover sa online at agad itong nakaakit ng maraming atensyon.

Ito ay tila isang karakter mula sa pelikula na talagang umiral sa totoong buhay at kinunan ng commercial para sa isang kilalang designer.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com