"Siguro kayo ay nagtataka kung bakit ako nagdesisyon na linisin ang aking pangalan pagkaraan ng 20 taon. Gusto ko munang ipaliwanag ito. Sa simula, ay pinutol ko na ang lahat ng aking pagkakatali sa pamilya Han, ngunit dahil sa aksyon ng magkapatid na Han sa isang inosenteng tao, ang aking konsensya ay nasaling at ako ay nagdesisyon na linawin ang lahat pagkatapos ng 20 taon. Ginagawa ko ito para sa inosenteng taong ito at para sa aking sarili."
Natural na alam ng media na ang walang 'kasalanang tao' na tinutukoy ni Su Yu ay si Tangning.
Pagkatapos ng lahat, ang samaan ng loob sa pagitan ni Tangning at Han Xiuche ay nakita pa lamang sa sinehan hindi pa nagtatagal.
"Unang una, gusto kong ipagkaila ang lahat ng sinasabi 20 taon na ang nakakaraan. Ang lahat ng nakaulat sa pahayagan ay hindi katotohanan."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com