webnovel

Bakit Kinakailangan Mo Akong Pahirapan Ng Ganito?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos manood ng balita, inunat ni Mo Ting ang kanyang kamay para patayin na ang TV.

Hindi masaya si Mo Ting sa paraan ng pangangasiwa ni Qin Yu sa bagay na ito; inanunsyo lamang niya ang kanyang pagreretiro at walang layunin ito na humingi ng paumanhin kay Tangning…

Alam ni Tangning na hindi masaya ang kanyang asawa at ito ay galit. Nang makita niya na akma na nitong tatawagan si Lu Che, inunat niya ang kanyang kamay para pigilan ito, "Tama na 'yan. Para sa mapagmataas na tao na katulad ni Qin Yu, ang pagsira sa kanyang career ay mas malala na kaysa sa pagpatay sa kanya … bukod dito, ano pa ang punto ng pamimilit sa kanya na manghingi ng paumanhin?"

"Huwag mon ang sayangin ang iyong lakas sa mga taong tulad niya. Ting … kailangan mo ding magpahinga."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com