webnovel
avataravatar

Ang Pang – aabuso ni Han Rouxue

Editor: LiberReverieGroup

"Dahil hindi na ako ang Tangning na hinahayaan ang iba na abusuhin siya. At isa pa, kasama na kita ngayon. Kalmadong sagot ni Tangning, habang nagpapakita ng tiwala sa kanyang sarili.

"Kung hindi lang dahil nakasakay tayo ngayon sa eroplano ... Hahalikan kita hanggang sa maubusan ka ng hangin para huminga," sinubukan ni Mo Ting na pigilin ang labis na pagnanais niyang mahagkan ang mga labi ni Tangning. Bagkus, niyakap na lamang niya ito ng mahigpit habang inaamoy niya ang kakaibang halimuyak na nagmumula sa katawan ni Tangning.

Sa oras ding iyon, humahanap ng paraan ang assistant ni Mo Yurou upang malaman kung ano ang ginagawa ni Tangning sa loob ng First Class Cabin, ngunit, hinarangan siya ng air - hostess na makapasok sa Cabin at hanggang sa makababa ang eroplano ay nawalan na siya ng pagkakataon na makapasok pa dito.

Pagkatapos ng 12 oras na biyahe sa eroplano, nakalapag na din ito sa wakas sa US ng mga bandang 9 ng umaga sa lokal na oras ng bansang US. Ang nakatatandang kapatid ni Han Yufan na si Han Ruoxue ay naghihintay na sa pagdating nila. Nang mamataan sila nito, nasasabik na niyakap sila nito - kahit si Tangning ay nagawang yakapin nito.

Kahit na ang mukha ng kapatid ni Han Yufan ay mayroong oriental looking face, kapansin - pansin naman ang taas nito na parang mga taga - kanluran. Ang mga damit na suot nito ay pawang mga limited edition - na kung saan ay nag - iisa lamang sa buong mundo.

Sa kasamaang palad, mayroon itong isang kapintasan, ito ay ang pagiging ordinaryo ng kanyang mukha, kung hindi, maaari na itong magkaroon ng career bilang isang celebrity. Ang kanyang tanging kalamangan ay ang kanyang kakayahan na makakita ng mga taong may talento; kahit na ang mga hawak niyang mga artist ay hindi gaanong sikat, nakapamaimpluwensiya pa rin ng mga ito sa western market.

Noong mga panahon na magkasintahan pa sila ni Han Yufan. Dalawang beses lamang niyang nakita si Han Rouxue. Hindi gusto ni Tangning ang mga babaeng kinkontrol ang ibang tao at si Han Rouxue ay sobrang mapagkontrol na tao.

"Tangning, nabalitaan ko na ang mga nangyari sa inyong dalawa ni Han Yufan at napagsabihan ko na siya, ngunit... dapat mong paghiwalayin ang trabaho at ang personal na relasyon mo. Hindi tama na maging sanhi ka ng problema sa trabaho para lamang sa personal na pakinabang mo," kritika ni Han Rouxue kay Tangning sa harap ng lahat – malinaw na sinusubukan na nito na magtatag ng ranggo ng kapangyarihan sa pagitan nila.

Sa pagkakataong ito, para sa shooting ng Secret Magazine, give some face; makinig ka sa kanilang mga kahilingan at 'wag mong bigyan ng problema si Han Yufan, OK?"

Pagkatapos nilang marinig ang mga sinabi ni Han Rouxue, biglang napuno ng galit ang puso ni Long Jie. Bakit hindi turuan ni Han Rouxue si Mo Yurou ng aral sa halip na pagdiskitahan si Tangning? Iniisip ba niya na sa pamamagitan ng tusong pagdadala nila kay Tangning dito sa US ay nasa teritoryo na niya ito ngayon at kaya na niya itong pahiraman kung kailan niya gusto?

Nanatiling tahimik si Tangning. Pinagmasdan lang niya si Han Rouxue at bahagyang ngumiti dito. Hindi uminit ang ulo niya o kaya naman sumang - ayon sa kahit anong sinasabi nito. Ang reaksyon niyang ito ang nagpahirap kay Han Rouxue na hulaan kung ano ang mga susunod na planong tumatakbo sa isipan niya.

Ang buong team ay nasimula nang maglakad patungo sa exit ng paliparan, habang sa parehong oras naman, si Mo Ting at ang ilan sa mga higher – ups ng isa sa mga American Subsidiary companies niya ay lumalabas sa arrivals hall.

Nang nakita ni Han Rouxue si Mo Ting, tila ba may namataan itong superstar, suot ang kanyang mataas na sapatos hinabol niya ang lalaki. Talaga nga namang masyadong popular ang lalaki. Katulad ng isang taong ipinanganak upang maging isang pinuno, siya ay mas kapansin - pansin kaysa sa ibang kilalang celebrity.

"President Mo...President Mo..."

Nang marinig niya ang pagtawag ni Han Rouxue, lumingon si Mo Ting para tingnan ang papalapit na team ni Han Yufan. Ang kanyang tingin ay nakatuon lamang kay Tangning habang tila nag – uusap ang kanilang mga mata. Nauunawaan ni Tangning ang mga tingin na ito ni Mo Ting sa kanya, gusto nito na humanap siya ng pagkakataon na lumipat sa bahay nito upang magkasama silang dalawa.

Ngumiti si Tangning na nagpapahiwatig na naiintindihan niya; gagawin niya lahat ng kanyang makakaya.

Alam ni Lin Wei at Long Jie ang dahilan ng paglingon ni Mo Ting sa kanilang direksyon. Alam din nila na titigil si Han Rouxue ng hindi bababa sa 2 metrong layo kay Mo Ting …

Syempre, pagtapos nitong lumingin at makita si Tangning, nagpanggap si Mo Ting na hindi niya napansin si Han Rouxue at direktang sumakay sa Lincoln Limousine na naghihintay para sa kanya

Ang tanging nagawa na lamang ni Han Rouxue ay ang panoorin sa malayo si Mo Ting habang ito ay papaalis.

Nakakatawa! Ngumisi si Long Jie sa kanyang isipan. Sa tingin ba nito ay maaaring lapitan ng "kung sino lang" ang big boss ni Tangning?

Kahit na hindi nagkaroon ng pagkakataon si Han Rouxue na makalapit sa kanyang idol, labis itong natuwa, "Hindi ko inaasahan na maaari kong makasalubong si Mo Ting dito, napakagwapo talaga niya!"

Sa pagkakataong iyon, si Lin Wei naman ang nagbigay ng kanyang reaksyon. Mayroon pang isang bagay ang hindi mo inaasahan: ang taong iyong inaapi kani – kanilang lang ay ang asawa ni Mo Ting.

Pinanatili ni Tangning ang kanyang kahinahunan habang malumanay niyang isinusuot ang kanyang sunglasses na para bang walang nangyari. Sa kabilang dako naman, bumalik na dominanteng asal ni Han Rouxue bilang isang top manager habang nagsasalita ito sa kanilang tatlo, "Tangning, dahil sa kararating mo sa dito sa US, magpahinga ka muna at sanayin mo ang iyong sarili sa pagkakaiba ng oras ng Beijing at US. Dadalhin ka ng driver sa hotel na tutuluyan mo. Ako, si Yufan at Yurou ay may dadaluhang family dinner. Kayong tatlo, alagaan ninyo ang inyong mga sarili."

Family dinner...

Sa madaling salita, natanggap na Han Rouxue si Mo Yurou bilang kanyang hipag.

Para sa isang katulad ni Tangning, na nasa dayuhang lugar, na walang masyadong resources at koneksyon sa media, napakadali para sa kanya na abusuhin ito. Malinaw na gusto ni Han Rouxue na mawala si Tangning.

Gayunpaman, mayroon siyang isang bagay na nakaligtaan. Noong nakalipas na 3 taon, lumabas si Tangning sa ilang malalaking American commercials. Bagaman hindi niya naabot ang pinakatugatog ng kanyang karera, hindi siya ganap na nag – iisa.

"Sa loob ng mahabang panahon, ngayon na lamang ako muli nakarating ng US. Aalis na muna ako upang bisitahin ang aking mga dating kaibigan dito. Sa katunayan, maaaring doon na muna ako manatili sa kanila habang naririto ako, maaari mo nang kanselahin ang hotel room," kalmadong tugon ni Tangning.

"Mainam naman kung gayon, ngunit, kapag nakipag – ugnayan kami sa'yo na pumunta sa set, kailangan mong pumunta ng naayon sa tamang oras," tumango si Han Rouxue upang ipakita ang pagsang – ayon nito.

Sa buong panahon na iyon, nanatili lang na tahimik si Mo Yurou, ibinababad niya ang kanyang sarili sa kaligayahan kung paano itinatrato ni Han Rouxue si Tangning. Malinaw na pinagdidiskitahan nito si Tangning…

Ngunit, kahit gaano pa man ang pagkadisgusto ni Han Rouxue kay Tangning, pero para sa kapakanan ng kanyang nakababatang kapatid, nagpigil siya ng kaunti.

Dahil siya ngayon ay nasa US, iniisip pa rin ba ni Tangning na makakabalik pa siya sa industriya?

Lubos na naniniwala si Mo Yurou na ito na ang pagkakataon na kanyang hinahanap.

Samantala, walang namang balak na tulungan ni Han Rouxue si Mo Yurou … ngunit talaga bang iniisip niya na magiging madali ang lahat?

Pagkatapos ng pakikipag – usap nito kay Tangning, umalis na ng paliparan si Han Rouxue kasama si Han Yufan at Mo Yurou. Pagkatapos umalis ng tatlo, tinawagan ni Tangning si Mo Ting, "Ting … nakalayo ka na ba?"

"Ano sa palagay mo?" inutusan na ni Mo Ting ang kanyang drayber na pumunta sa isang tagong lugar upang maghintay; alam niya na gagawa ng paraan si Tangning upang makalayo sa iba – at hindi nga siya binigo ng kanyang munting asawa.

Ngumiti lang si Tangning sa kanyang sarili at tahimik na naghintay. Nang wala pang isang minuto, huminto ang isang Lincoln Limousine sa kanyang harapan. Binuksan ng may paggalang ng drayber ang pinto nito para sa kanya at binati siya nito sa kanyang pagsakay ng sasakyan sa lenggwaheng ingles.

Sumakay ng kotse si Tangning kasama ni Long Jie at Lin Wei. Ito ang unang pagkakataon na makita ni Long Jie at Lin Wei ng malapitan si Mo Ting.

Gayunpaman, wala sa kanilang dalawa ang may lakas ng loob na tingnan ito ng diretso …

… dahil tanging sa harap lamang ni Tangning ipinapakita ni Mo Ting ang maamong mukha nito, samantala, sa harap ng ibang tao, para itong isang bloke ng yelo.

"Iniisip mo ba ang tungkol sa shooting mo sa Secret Magazine?" pagtatanong ni Mo Ting habang ipinapasa sa kanya ang isang baso ng red wine at habang dahan dahan nitong hinahaplos ng kanyang kamay ang mahabang buhok ni Tangning.

"Pare – pareho ang tatlong iyon ng iniisip, siguradong may balak ang tatlong iyon na gawan ako ng problema. Hindi na ako magugulat kung ako ay mapapalitan o kaya naman ay malaman ko na pumunta lang pala ako dito para sa wala. Sa ngayon, inihahanda ko ang aking isipan sa mga susunod na magaganap."

"Inaapi ni Han Rouxue si Tangning dahil hindi siya pamilyar sa lugar na ito at wala siya ritong tagahanga!" galit na pagsusumbong ni Lon Jie.

"Sinong may sabi sa'yo hindi ako pamilyar dito?" tanog ni Tangning kay Long Jie na may malalim na ibig sabihin.