webnovel

Ang Kanyang Asawa?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"OK" tango ni An Zihao.

Pagkatapos marinig ang tugon ni An Zihao, tumalikod na si Chen Xingyan, bumalik sa silid tulugan at nahiga na pagkatapos magshower. Inakala niya na kapag sinunod niya ang mga salita ni An Zihao, hindi niya ito sususkuan.

Ngunit, hindi niya alam na ang kanyang reaksyon ay nangangahulugan ng kakulangan sa seguridad. Ang alam lamang niya ay nakakaramdam siya ng pagkabalisa, ngunit hindi alam kung paano ito sasabihin.

Alam ni An Zihao na nasaktan niya ito. Kaya, binaba niya ang trabaho na nasa kamay niya at pumasok sa silid tulugan. Sa gitna nang kadiliman, inunat niya ang kanyang kamay at niyakap si Chen Xingyan, "Patawad sa hindi ko pagprotekta sa puso mo."

Hindi nagsalita si Chen Xingyan. Bumaba lamang siya sa brason ni An Zihao at nag-iwan ng malalim na marka ng kagat.

"Kahit na anong mangyari, hinding hindi kita susukuan o iiwan. Ngunit, sana huwag mo rin akong sukuan."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com