Kung ang isang tao ay gumawa ng hakbang sa kanyang harapan, direktang haharapin ito ni Tangning. Ngunit, kung ang isang tao ay aatakihin siya ng palihim…
… natural lamang tumugon din siya ng tahimik.
Sa harap, inimbitahan siya ni Hua Wenfeng upang makipag kita sa professor. Ngunit ang katotohanan, gusto lamang nitong malaman kung ano ang kasarian ng baby. Ano ang eksaktong plano ni Hua Wenfeng?
Pagkaraan ng ilang sandali ng maingat na pag iisip, si Tangning ay wala pa rin maisip na ideya. Ang maaari lamang niyang gawin ay tiisin ito sa ngayon habang pabalik sa opisina ng professor.
Nang makita ang kanyang pagbabalik, si Hua Wenfeng at ang professor ay umaakto ng normal habang patuloy silang nag uusap tungkol sa kanilang pamilya; handang paghintayin si Tangning na magtiis na maghintay sa sofa.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com