webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Fantasy
Not enough ratings
49 Chs

Chapter 4

May mga bato ang likod ng mga rebdi, ang batong iyon ay kanilang ginagamit pangwasak ng bahay o tulay kung gugustohin nila.

"Malaki ang mga ito, pero wala silang utak kaya't ako na ang bahala sa dalawang iyon! "

Ang tatlong elvilder ay agad na sinakyan ang mga lion at tinungo nila ang kinaroroonan ng mga goblins at evilders. Patuloy pa rin ang labanan sa nagyeyelong kabundukan.

"Kailangan nila ng tulong!"

"Ang ating hari! Tignan nyo!"

Pinanonood ng mga elfs ang kanilang hari na papalapit sa mga higanti, walang takot at hindi natatakot ang haring tumatakbo sa gitna ng nagyeyelong paligid.

Binato ng rebdi si haring rieuin tiriin ngunit nailagan nya iyon, mabilis na nakalusot sa harapan ng mga higanti si haring rieuin tiriin. Mabagal kung kumilos ang mga higanti kaya't walang sinayang na oras ang hari bagkos mabilis nitong inakyat ang likoran ng higanti.

Nakita ng isang higanti si haring rieuin tiriin na nakasabit sa likod ng kasamahan nya kaya't agad na hinampas ng higanting iyon ang kanyang kasama dahilan upang sumabog ang ulo nitong puno ng likido, Bumagsak sa yelo ang katawan ng higanti kasama ang haring rieuin ngunit himala itong nakatalon at nakaligtas.

Sunud-sunod na hinampas ng higanti ang tinatakbuhan ni haring rieuin tiriin, nawawasak ang bawat tatamaan ng sandata nito

Makikitang ang elf na matanda ay nahihirapang makatakbo ng mabilis.

"Kamahalan!talon!"

Mabilis na lumundag si haring rieuin tiriin mula sa nakaharang na malaking kadena.

Ang kadenang kinakalawang ay tumama sa paa ng higanti kaya't natumba ito, Hawak hawak ng dalawang elfs ang magkabilaang dulo ng kadena.

Mula naman sa unahan ng higanti isang nakausling lumang taryaka [talim ng palaso na malaki] ay tumama iyon sa noo ng higanti at dahil sa pagkawala ng mga higanti nagalit si haring thron.

"Hahaha!! Mahusay tegin! Mahusay!" Si tegin ang isa sa tapat na kaibigan ng hari. Nakangiti itong naglakad patungo sa hari ngunit biglang lumusot sa dibdib nito ang itim na palaso.

"Tegin!!"

"Hindi!!"

Sigaw ng dalawang elfs na kasama nito, nag-susumgiw ang hari sa pagkawala ni tegin.

"Tegin!!!! Tegin!!!"

Dahil sa galit ng hari tinungo nito ang kinaroroonan ng mga evilders at pinagtatagpas nya iyon gamit ang espada ni tegin. Ngunit tinamaan ang hari sa kanang braso ng palaso.

Habang ang dalawa ay mabilis na napaligiran ng mga goblins at evilders.

Pinagkaisan ng mga halimaw ang dalawang evilders, pinaslang at kinain ang mga laman nito at wala silang tinira kahit lamang loob. Gutom ang dahilan kung sila'y ganid at wala sa mga sarili.

"Mahina! walang kwentang elf!"

Saad ni haring thron sa harapan ni haring rieuin, nakaluhod ang hari ng mga elfs. Dahil iyon sa palasong tumama sa dalawa nitong binti at dahil sa nakalalason na palaso ang hari ay nanghihina.

Pinanonood ng mga elfs at ng mga kabalyero ang nagaganap sa bundok na iyon, akmang tatagpasin na sana ni haring thron ang ulo nito nung biglang nahulog ang mga tipak ng yelo mula sa itaas ng bundok at isang malakas na pagsabog ang tumama sa tuktok ng nagyeyelong kabundukan.

Ang paligid na madilim ay biglang nagliwanag dahil sa sikat ng araw, sa pagkawasak ng malaking bundok na puno ng yelo lumitaw ang sikat ng araw.

Nagulat ang hari ng mga elfs sa kanyang nasaksihan at hindi nya lubos akalaing may darating na tulong upang iligtas siya sa kamay ng kadiliman.

Isang nilalang ang lumitaw sa bundok na iyon, nakatayo ito sa gitna ng nawasak na bundok at may mga kasamang mandirigma mula sa white counsel.

Natanggap ni tamberow laurhim ang babala ng hari, kaya't agad itong nakiusap kay lady qenhrin, diyosa ng buwan na tulongan ang mga mandirigma sa tarzanaria.

Ang matandang salamangkerong iyon ay hindi nagustohan ang ginawa ni haring rieuin tiriin sa pagsugod nito na hindi kasama ang kanyang hukbo.

-BATTLE OF TWO KINGDOM-