BATTLE OF TWO KINGDOM
PAG-UUMPISA NG DIGMAAN
NAG umpisa na ang kasiyahan sa kanilang mga puso nung makita nilang tumatakas ang mga goblins pabalik sa kanilang kaharian habang ang iba'y bigla na lang naglaho.
"Ako ang tatapos sa labang ito"
Sinabi ni haring thron ang mga salitang iyon sa harap ng isang nilalang na hindi maaninag ang mukha. Isang kasunduan ang naganap sa kanilang dalawa.
"Nizurin om" (tapusin mo) wika ng isang nilalang na hindi maaninag ang mukha gamit ang lengwaheng elves.
Ang lengwaheng elves ang unang ginagamit ng mga sinaunang nilalang sa nuhrim eartin. Ito rin ang unang wika ng mga tao.
"Wala tayong magagawa sa ngayon, kailangan nating magkaisa para mapabagsak ang mga kalaban! " Saad ni haring lurril steil kay haring rieuin tiriin
Ang magkaribal ay nagsama sa iisang digmaan at makikitang maraming mga goblins ang bumaba sa bundok, mas dumami pa ito dahil sa pagdating ng hari nila.
Ang tatlong kaharian ay nagkaisa at ang mga nilalang ng teruvron kingdom ay nagsama-sama para pabagsakin ang tarzanaria at ang mga kalapit nitong lupain.
Nakita ko kung paano harapin ni haring lurril steil ang mga halimaw, ang espada nitong kumikinang dahil sa talim ay walang iniiwang buhay na kalaban.
Habang ang mga elfs ay hindi natitinag sa tibay ng kanilang mga braso at pananggalang, kahit na ang kanilang laki at taas ay hindi sapat para pugotan ng ulo ang mga evilders at goblins.
"Kailangan kong magtungo sa kinaroroonan ng kanilang hari, hindi titigil ang labanan dito sa bundok hangga't buhay ang ulo!"
Saad ng isang elfs, ang katapangan ni haring rieuin tiriin ay walang kapantay. Ang palakol nitong nakasisilaw dahil sa talas ay tinungo ang madilim at nakakatakot na lungga ni haring thron.
Alam ng mga hari na ang diyos ng kadiliman ay natutuwa sa nakikita nito. Ngunit sa oras na mapatay ang haring utusan hihina ang pwersa niya.
Isang itim na lion ang gamit ni haring rieuin tiriin patungo sa maulap na kabundukan kasama nya ang tatlong mandirigmang elfs.
Nasaksihan ko kung paano harapin ng mga elfs ang kanilang kamatayan.
"Hindi ko inaasahang nandito ang hari ng mga elfs! "
"Nandito ako para pugotan ka ng ulo! Thron of teruvron!"
"Kung!kung mabubuhay kapa hari ng mga elfs!"
"Kamatayan mo!kaligayahan naming lahat!"
"Tapusin sila!!!! "
Malakas nitong sigaw sa kanyang mga alagad, daan daang mga evilders ang sumugod sa mga apat na elfs.
Maraming mga goblins at elfs ang sumalakay sa mga ito.
*DOM! DOM! DOOMM!*
(Tunog ng tambuli)
"Mga kapatid ko isa lamang silang walang kwentang uod!"
Saad ni haring rieuin tiriin sa kanyang mga kasama. Ang tatlong elfs na kasama nito ay agad na bumaba sa sinasakyan nilang lion. Gamit ang kanilang mga palaso pinatamaan ng mga ito ang malalaking tipak ng yelo sa unahan ng mga kalaban, bumagsak ang yelo at makikitang nabutas ang lupa dahilan upang mahulog ang ilan sa mga goblins at evilders.
"Handa!sugod!"
Apat na elfs laban sa daan-daang halimaw ni haring thron, ang nasa isip noon ni haring rieuin tiriin ay ang kapayapaan para sa kanyang nasasakupang lupain. Ang mga elfs ay mabubuti ngunit nasira ang kanilang prensipyo dahil sa walang kabulohang awayan sa pagitan ng reviin tur at andican, Dahil sa ginto ng bundok.
Walang takot na lumaban ang magigiting na elds, natalo nila ang unang hanay ng mga evilders ngunit nagulat ang apat sa pagdating ng mga higanti. Ang mga rebdi [kapre] ay isang uri ng mga higanti na kasing taas ng mga puno ng akasya, may mga malalaking paa at mahahabang taynga habang ang kanilang mata ay tatlo, nakakurba rin ang kanilang likod dahil sa dala dala nitong bato.