webnovel

To the Underworld

Agad nawala sa paningin ko si Lycus, sa tingin ko'y he travelled through fast speed. After all, kaya naman niya ata iyon. He's Hermes' son, the fast messenger.

I rested my back sa puno, sobrang sakit parin ng tagiliran ko but I think it's healing fast. Enchanting. Pinanood kong lumitaw ang mga gold dusts from my wound. Nawawala na rin agad ang sakit.

May ilan pang mga nakapasok after ko, and the proud look on their faces shone.

Nang wala ng nakapasok na iba, nagsara ang gates. Tiningnan ko ang mga tao sa labas, at nangingiyak-iyak na sila. They looked more tired than us. I just sighed sadly.

Nakapasok na kami, but the test is still not over.

Few moments have passed, at namangha kaming lahat nang may mga lumipad na chariot sa ere, bumaba sila isa-isa sa aming harap.

May mga pakpak ang mga kabayo, and the carriages looked simple but elegant.

Sumakay ang ibang tao doon, kaya't sumakay na rin ako. Humawak ako sa lubid, at naramdaman ko ang pag-angat namin sa ere. Natuwa ako sa pagflap ng kabayo sa pakpak nito, if I am not mistaken, this is called pegasus.

Inihip ng malamig at sariwang hangin ang buhok ko, nanigkit ang mata ko dahil doon. The clouds passed by me, may mga bahaghari rin kahit saan. At nakakatuwa 'pagkat naabot ko ang mga ito. I reached out my hand to the rainbows, I can feel magic in my hand. Totoo palang you can reach the unreachable skies, if you just believe.

Bumaba ang chariot, nagland kami sa isang isla. Puno ng templo, pyramid, mausoleum ang isla. Kahit saan ka tumingin, ay meron nito.

Tumalon ako at sumama sa crowd. Naguusap-usap sila, at nilibot ang tingin sa buong isla. "I'm sure si God Hermes ang may-ari nito!" Bulyaw ng isa.

I looked at her, then looked at what she's looking.

Doon sa langit, right above the island, ay mayroong simbolong nag-iilaw ng kulay kahel. A symbol of a wing.

Nanatili akong nakatingin doon, until I felt someone hold my neck. It was a swift movement, like air.

Nagtaka na rin ang iba. They were looking for that mystery person. Ibig sabihi'y hindi lang ako ang nakaramdam noon.

Bahagya ko nang naaninag ang aura noong nangunguha. Naglilibot siya kung saan saan, at hindi siya nahahalata dahil sa angkin niyang bilis. Everyone gossiped, nagkagulo sila at luminga linga sa paligid.

He, then, passed by me. Ngunit hindi pa siya ganoong nakakalayo'y nahuli ko na ang kamay niya.

Nakakunot ang noo ko sakaniya, likod pa lamang ang nakikita ko, his bare broad shoulders. Hindi ko alam kung ilusyon lamang iyon ngunit mayroong cave sa kaniyang harap, it appeared attractingly as if calling me. Huh? Paano nagkaroon ng kweba? Nagpatuloy ang pagkamangha ko roon sa kweba hanggang sa lumingon siya sa'kin. All thoughts vanished when I saw his face.

Kaagad akong napabitaw. Nanlaki ang mata at yumuko. Ilang beses din akong napalunok, "P-pasensya Lord Hermes," nahihirapan kong wika. Hindi ko inakalang si Lord Hermes na pala iyon! I shouldn't have touched a God!

Iniangat ko ang tingin ko. Naningkit ang mapungay niyang mata sa'kin, he's really bothered. Partly disgusted, amazed, angry, fascinated, whatever.

Yet, there's this attraction. Something connected to my ability to see the dead.

"You have third eye?" Tanong niya sa'kin. Bahagya akong napaitlag, ngunit nasundan iyon ng sunod-sunod na tango. He nodded too, "Kaya pala malakas mo akong naramdaman."

Tinalikuran niya ako ng ganun ganun lang. Huh? Anong meron sa third eye ko? What's the connection? Suddenly, he snapped so we gathered in front if him.

"I am Hermes, god of thieves, trade, travel and luck. The Messenger God," pagpapakilala niya sa sarili niya. He gave us a small smile.

"Ang ibibigay ko sainyong exam ay madali lang," wika niya.

"Una, kailangan ninyong mahanap ang bagay na kinuha ko sainyo, hindi ninyo ito namalayan dahil sa sobrang bilis ko and naitago ko na rin iyon agad. It will include travelling through the island. Someone might have seen your item and get it, so you'll need to get it from that person with the power of trade or thievery. Lastly, when you get the item, you'll have to message me. It's an easy task, so good luck."

Nawala siya kaagad, hudyat na simula na ng battle. So basta kailangan ko lang mahanap ang gamit ko. But ano nga ba ang nawawala sa'kin?

I immediately touched my neck and noticed the absence of the metallic feeling to my skin. Nawawala necklace ko!

Sa lahat ba naman ng puwedeng manakaw sa'kin ay iyon pa? That necklace is my only remembrance of my mother, regalo niya iyon sa'kin before she just... vanished.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy at kaagad na tumakbo sa kung saan man. It seemed impossible to look for it since maraming mga buildings, but hindi ko pwedeng mawala ang kwintas na iyon.

Nakaramdam naman ako ng enerhiya sa bandang kaliwa ko. Kinutuban akong naroon ang necklace ko bigla, like something's pulling me to go there. Kumaripas ako ng takbo papunta roon. I can't be wrong, malakas ang koneksyon ko sa kwintas. It's like some magic.

Tumigil ako sa tapat ng isang malaking templo, umihip naman ang malakas na hangin, blowing my hair backwards at naningkit din ang mga mata ko.

"Nandito kaya?" Bulong ko sa sarili ko. I was attracted to the shining beauty of the temple, tiningnan ko ang itaas at may nakalagay nakaukit na sentence na στον κάτω κόσμο

Nagulat ako nang may malamig na kamay na humawak ulit sa akin. Isa na namang soul. Nilingon ko ito, nakangiti ito at tiningnan lang ako. Bumaba ang tingin nito sa aking leeg, at muling ibinalik ang tingin sa aking mata.

"Nawawala ang kwintas mo," she stated. Ngumisi ako at tumango. "Tingnan mo ulit ang templo," she ordered.

Tumingin naman ako, ngunit bigla kong naintindihan ang sentence na nakaukit sa itaas. To the underworld.

Thieves of Harmony

By lostmortals

Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!

Next chapter