Expected na kapag Pinoy ka, dapat hospitable ka at welcoming sa mga bisita. Parang ako, nag-abala pa talagang maglapag ng pancit canton at tinapay sa harap ni Gio, pati na rin softdrinks – kahit na di ko siya ginusto maging bisita.
"Ay, ikaw pala si Gio, nakwento ka na niya sa akin..." Polite kong bati nung nagpakilala siya, naka-pagitan pa ang gate ng bahay sa aming dalawa. Kung alam lang niyang nasira ang mood ko ng very light.
"Ganun ba, sige alis na po ako-"
"Ano ka ba naman, bakit mo naman ako pino-po..." Anong akala niya sa akin, 45 years old? Ganun na ba ako mukhang katanda? "Baka pabalik na rin iyon. Dito ka muna sa bahay!"
"Ah, eh, nakakahiya naman po..." Alanganin pa rin niyang sagot na parang terror na guidance counselor o pulis ang kaharap niya. "Balik na lang ako next time."
"Sinabi nang huwag mo akong i-po, eh...sige na, I insist." Saka ko binuksan ang pinto as a sign na gusto ko talaga siyang makausap. "I'm Louie nga pala."
"Magkapitbahay po pala kayo…di man lang niya nabanggit sa akin-" Sabay tigil niya sa pagsasalita na para bang nabisto anong kuneksyon namin sa isa't isa.
"So kilala mo pala ako?" Kunwaring pagtataka ko.
"Nakalimutan ko na rin po, but I heard your name a lot dati..."
"More reason for us na mag-usap, then."
Halata kay Gio na awkward ang pagkikita namin sa paraan niya ng pagkuha ng pancit canton sa plato – ilang beses niyang pinaikot-ikot iyon sa tinidor na para bang lutang siya. Nakaiwang bukas ang bag ng tasty sa isang sulok na para bang gusto niya iyong ipakain sa langgam. Kung di lang namin unang pagkikita baka natarayan ko na siya.
"Para sa iyo talaga iyan, don't worry about me..." Assurance ko, kahit na di ko sigurado kung mabubusog siya sa laki ng katawan niya. "Di masarap pancit canton pag malamig."
He looks way more buff, halatang laman ng gym, pero di ko magets bakit parang di siya nagbabawas ng body fat? Kitang-kita ko iyon with how his polo shirt and tattered jeans embrace his big frame. Siguro bitter lang ako o di ko gets how bara culture works - kanya-kanyang trip lang naman iyan.
Hinintay ko muna siyang lumagok ng softdrink bago ko siya subukang kausapin. "So, bakit ka pala napadpad dito?"
"I was just checking if he's okay..." Panimula niya. "Gosh, grabe na pala traffic pala dito. Must be real horrible pag rush hour."
"Saan ka pala galing?"
"Galing pa ako sa Paranaque..." That explains kaya siya may dalang sasakyan. "I didn't plan to visit but I was worried Dan isn't okay. He left JB kasi in bad terms with me."
So hindi pala nagsisinungaling si Dan…but it's not the time to talk more about it.
"Mukhang okay naman siya..." Pasimple ko namang change topic. "Anyway, ano palang pinagkaka-busyhan mo sa buhay?"
Napatigil siya bigla sa pagkuha ng pancit sa plato bago siya bumuwelo. "Paano ba...let's say ako caretaker ng mga business namin dito sa Pinas. Pero personally meron akong AirBnB...pinaparent ko pag out of the country ako. Kayo po?"
Kaya pala expert siya sa real estate, huh. "Actually nakabakasyon lang ako...sort of. Temporary assignment lang sa Manila for our company. Sa SG talaga ako naka-base dati."
"Actually doon po kami nagkita ni Dan years ago..."
"Wait lang, ilang taon ka na ba?" Naiirita na ako sa mokong 'to ha. "Para kasing tingin mo sa akin ang tanda-tanda ko na?"
"33 po..." In fairness, he just looks like in his 20s. Ako pala ang namali ng akala.
"See? 3 years lang halos difference natin?"
Napahinga siya ng malalim na para bang natanggalan siya ng kaba sa katawan.
"Ay, ganun ba? Na-relieve ako dun."
"Why, you thought nangangain ako ng tao?"
"No, no, just wondering…" Para bang bumalik ng slight ang kaba sa mukha niya sa tanong kong iyon. "In my mind I was trying to compare you to the Louie na laging kinukwento ni Dan. I was like, parang exagg naman siya back then."
"Para namang sinasabi mong ang sama ko palang tao."
"No, quite the opposite." Clarification niya na parang ayaw niya akong ma-offend. "Back in Singapore, all he talks about is you. Kung gaano ka ba daw kabait, and accepting...how you welcomed him nung naglayas siya kahit na you barely know each other..."
So alam rin niya talaga niya lahat ng sa aming dalawa.
"Ah right, exagg nga siya. Alam naman niya gaano kasama ugali ko!" Halakhak ko na para bang ako naman ang nagtatago ng kaba. "So alam mo ring naging kami bago siya nag-abroad, no?"
"Of course."
"Grabe, gaano ka ba kadami alam mo? Don't tell me pati mga adventure namin sa kama alam mo?" Oh gosh, I should've said that. "Sorry, sorry, am I offending you? Baka naasiwa ka na."
"Hindi naman, sanay na ako." Ibang klase rin ito. "I just know kung anumang kinukuwento niya sa akin. Ano ba naman ako, di naman ako super close. But he told me enough stuff, alam kong he tried his best to be faithful back then-"
Faitful? Anong pinagsasabi nito? "Wait, what are you in his life exactly? Akala ko-"
"If Dan claimed na naging kami, no, not at all!" Pasimple niyang tawa na sinundan niya ng ngiting mapang-asar. "At least that's how I see it. Fault ko rin naman na I'm pushing myself into him, alam mo na, gwapo and charming and all. But in the end totoo nga na kapag inagaw mo sa iba, kulang din iyong satisfaction. Para bang di proportionate sa results yung konting effort na ginawa mo."
Para bang nanlambot ang puso ko once I heard that words from Gio. Here I was, thinking para siyang mga cliché na third party sa mga telenovela na parang trophy sa kanila ang makabingwit ng lalaking may asawa. But may conscience din naman pala siya kahit papaano.
"Wait, don't tell me sa tagal niyo sa Malaysia walang nangyari sa inyong kahit ano?"
"Nah, di naman ako ipokrito!" Sabay taas ng peace sign na parang gusto niyang humingi ng tawad. "Guess we had fubu moments but our relationship was more on the friend side of things. I always check on him tapos I referred him to my uncle, then nung nagpahanap siya ng bahay ako nag-asikaso sa broker..."
"Yeah, he told me he worked in a chicken farm of all places!"
"Huwag ka, top supplier naman si Uncle sa Singapore no!" Inisip niya siguro baka pipitsuging sakahan ang nasa utak ko. "It was my only way to help him out kasi. May nabanggit ba siya sa iyo about his life back then?"
"Not really, but one time sa inuman namin he mentioned nagpagala-gala siya sa kalsada..."
"It's true." At least na-aapreciate ko ang honestly ng kausap ko. "I know your image of him is that he's a really genius, funny guy pero dami pala niyang tinatagong issue. It was worse than mid-life crisis, I think. Officemates kami noon so I know how he was suffering from our hell of a boss. Alam mo iyon, yung feeling na you know it all and you can handle everything throws at you, masha-shatter lang bigla?"
Napatango lang ako habang tuloy lang siya sa passionate niyang kwento.
"What's pitiful is that he almost had no friends back then. Pinoy mga kasama niya sa dorm pero halos di sila nagkikita't nagu-usap. Kain lang siya, tulog then pasok kinabukasan, kahit weekends. Tapos puro Pinoy din naman kasama namin sa firm pero alam mo na, hanggang doon dinadala pagka-utak talangka, inggitan tsismisan ganun. Guess me being close to him made it worse kasi pati siya inaasar ding bading."
"Must be hard for him." Sang-ayon ko knowing how messy his first same-sex relationship was.
"Yeah. Ako naman, being naive and all, thought I was doing good to him. It's true na nag-confess ako sa kanya but he kept on rebuffing, which was fine kasi he mentioned about you. But then may party kaming officemates, we were drunk and they caught us kissing and all...they used it to blackmail him."
I couldn't believe mas malala pa pala sa teleserye itong back story na maririnig ko, which offended me a bit – why is Dan hiding these details from me? Wala ba siyang tiwala sa akin o isa lang siyang unreliable narrator?
"So ayun, the boss knew and threatened to send him home. Mahirap kasi even now, gay sex is still illegal in Singapore; nandun pa rin yung stigma. The next day di na lang siya pumasok then I just got a call from his dormmates na nawawala daw siya. Iyon pala nandun siya sa Woodlands, pagala-gala sa tulay pa-Malaysia."
"Layo ng pinuntahan niya, ha."
"I know!" Agreement niya. "Then he was sobbing and said he wants to swim back home. Parang tanga lang, pero effect iyon ng mental state niya eh. That's when I realized di ko siya pwedeng iwan na lang basta-basta."
Natahimik lang kami matapos ang kwentong iyon, sinusubukang i-process ang takbo ng usapan namin.
"You know, I just realized na-offend ako sa chika mo sa akin..." Pag-amin ko, total mukhang madali naman siyang kausap. "Naiinis ako kasi yung buong time na magkahiwalay kami, dami na pala niyang problema lagi niyang sinasabi okay siya. Ako naman si tanga, chill lang dito feeling na we can both be productive sa mga buhay namin."
"Ugali niya talaga iyon, kahit nung nasa chicken farm naiinis ako pag di niya sinasabing may problema siya kay Uncle."
"Then you, telling me all these, para bang nabawela lang yung tagal ng relasyon naming dalawa. Scratch that he's stubbornly self-reliant, pero yung ibang tao pa yung pinagkatiwalaan niya kaysa ako? Gaya nga nung sinabi ko sa kanya nung isang araw, it felt like wala talaga siyang tiwala sa akin all this time."
Halata niya sigurong kumukulo ang dugo ko, kaya nag-abot siya ng basong tubig sabay senyas sa aking kumalma. "I'm sorry you're hearing these stuff from me. But be assured that all these happened dahil nagkataon lang that I was there. Siguro naman you understand that."
"Yeah, don't worry. Tagal na rin naman noon." I already promised myself to move on, after all wala naman ako all those times to know and experience it first-hand.
"Pero with how the way you speak, halata ko sa iyong you loved him so much." Inaasar ba ako nitong gagong 'to? "That you genuinely cared for him kahit ang ikli lang ng pinagsamahan niyo."
"Nah, huwag ka ngang mag-joke ng ganyan!" Pagtanggi ko sa observation ni Gio. "Kapitbahay lang ang tingin ko sa kanya."
"I'm a psychologist, Louie." Nag-shift bigla ang tono niya as if nasa clinic kami undergoing therapy. "Seryoso, you loved him before, di ba?"
"Oo naman." Walang kiyeme kong sagot.
"But you still love him now?"
Paano ko ba sasagutin iyon? "Ewan ko rin, we've been apart for so long. I could love him, yes, but times have changed. Tama nga siguro sinabi ko sa kanya na we can't love each other without fixing our flaws. Lalo ngayong you spilled all those stuff."
"You don't need naman to have everything fixed, Gio." Payo niya na parang nasa relationship show kami. "But you can address them, together. If you wanna commit yourself to it, make sure lang na walang bawian. That you'll face it together with a fresh start and a fresh perspective."
"Wow, para bang si Papa Jack lang kausap ko."
"He's bullshit, I tell you." That I wholeheartedly agree. "So as those wannabe love gurus sa ibang station."
"I know! Pero ikaw ba, did you loved him?" Pahabol kong tanong sa kanya.
"I did. Pero I grew out of it na. Happy na akong ganito." Bigla namang tumunog ang phone niya, sign na may message sa kanya sa Messenger. "Ooh, mukhang gabi na daw siya makakauwi. Guess I wasted my time?"
"Sure kang ayaw mong mag-stay dito?"
"Nah, sasalubungin ko pa guests ko sa apartment..." Sabay suot ng dala niyang backpack para maghandang umalis. "Thanks nga pala sa merienda."
Pero di ko pinalagpas na makuha ang number niya bago siya makalabas. He was fun to talk to, after all. Guess marami pa akong gustong malaman tungkol kay Dan...at sa kanya.