webnovel

Chapter 6

Mga tanghali na rin nang nakarating ako sa bahay namin sa Fairview. Medyo confident pa akong di magiging issue ang oras ng pag-uwi ko – tutal matanda na rin naman ako at sanay na rin sila na inuumaga ako ng uwi dati. Pero nag-iba ang ihip ng hangin pagbukas ng gate sa harap ko.

"Inumaga ka ata ng uwi, Louie..." Sa lahat ng pwede bang sumalubong sa akin, ang tatay ko pa ang nagbukas ng gate. Nakakapagtaka kung bakit parang puyat siya kakahintay, kahit na noon wala naman siyang paki-alam saan ako pumunta. Kasalanan ko nga rin sigurong nasabi ko sa nanay kong uuwi ako agad kinabukasan.

"Ah, eh...nagpa-alam naman ako kay mama..." Pagdadahilan ko para matapos lang ang usapan. Gusto ko na ring magbawi ng tulog pero mukhang di nila ako hahayaang makalagpas.

"Ano bang ginawa mo doon?"

"Naaya lang pa..." Half-truth kong pagpapaliwanag. Maiintindihan naman niya siguro iyon bilalang lalaki din naman siya.

"Nandyan na ba si Louie?" Kaso gumatong pa ang nanay ko, nagtataka habang pinagmamasdan ang cargo shorts at mumurahing t-shirt na pahiram sa akin ni Dan. "Akala ko ba wala kang baon na damit?"

"Pahiram lang sa akin 'to ma..."

"Parang ang bilis mo namang maging close sa mga kapitbahay mo..."

"Di naman, ma." Pagmamadali kong pumasok at umakyat sa kwarto dahil siguradong mas lalong di niya ako tatantanan. "Tulog muna ako."

Di ko namalayan na napasarap ako masyado ng tulog lagpas alas-sais na akong nagising. Pagkadilat ng mga mata ko, para bang nanibago ako sa kwarto ko kahit na ilang araw na akong natutulog doon. Naka-ayos naman ang higaan para sa akin noong dumating ako galing airport pero halos lahat ng gamit ko noon, nasa kahon na. Para bang pahiwatig sa aking walang isyu sa kanila na umalis ako sa bahay for good.

Pupungat-pungat pa ako nang mapansin ko yung isang bungkos ng illustration board na nakasupot sa isang garbage bag. Mga drawing iyon ng bahay, kasama ang isa pang sketchbook na may design naman ng interior.

Para 'to sa magiging bahay nating dalawa, pambobola pa noon sa akin ni Dan kapag nakikita ko siyang ginagawa iyon. Minsan ko pa ngang sinabing dapat nag-architecture na lang siya dahil sayang talent niya, na kinakilig naman niya noon. Ang cheesy kung iisipin ko ngayon – kaya siguro di ko nagawang itapon ang mga iyon kahit na matagal na kaming nagkahiwalay.

"Ma, wala ka bang pinagsabihan kung saan ako nakatira?" Seryoso kong tanong habang nakatutok ang paningin niya sa teleserye sa TV. Nasabayan tuloy ng pagtaas ng kilay ang tingin niya sa akin.

"Wala naman, bakit?" Nagtataka niyang sagot na nasundan ng pagtayo niya't paglapit sa mesa. "Wala namang magtatanong sa akin dito. Alangan namang di ka magpa-housewarming para sa mga kaibigan mo?"

"Ano, kasi..." Unti-unti kong linapit ang upuan ko dahil ayokong mapalakas ang boses ko't marinig pa ni papa na nasa sala. "Alam mo bang si Jordan nakabili ng bahay sa subdivision?"

Halatang laking-gulat ni mama sa sinabi ko. "Hindi nga? Paano mo nalaman?"

"Magka-block kasi kami, tapos kalilipat lang din daw niya. Coincidence, di ba? Di ako makapaniwalang wala siyang idea tungkol doon."

Pero kaysa sumakay sa pagtataka ko, tumalim ang tingin ng nanay ko sa akin na para bang gusto niya akong interogahin. "Huwag mong sabihing siya ang dahilan kaya di ka umuwi?"

"Hindi, no! Nauna pa talaga yung paalam ko sa iyo bago ko siya nakita!"

"So siya din ang nagpahiram sa iyo, ganun?" At nahaluan na ng malisya ang pagtatanong niya, diyos miyo!

"Ayaw ko nga sana kaso todo-insist talaga siya..." Justification ko. "Saka wala namang problema iyon, tagal na naming magkakilala eh...tamang pakikisama lang."

Pero ang kadaldalan ng nanay ko nag-full throttle bigla at di napigilang i-tsismis sa tatay ko ang lahat! "Hon, si Jordan daw kapitbahay ng anak mo...naalala mo ba siya?"

"Ah, iyong muntik mo nang ampunin kasi tumakas sa kanila?" Napangiwi siya bigla na parang may bumalik na asiwang pakiramdam dala ng pangalan na iyon. "Kumusta na siya kamo?"

"Ayos naman siya, pa...medyo tumanda na rin itsura ng konti gaya ko." Neutral kong sagot dahil siguradong pakitang-tao lang ang pagtatanong niyang iyon.

"Nag-asawa na ba siya?"

Sa limang salitang iyon doon ko ulit na-realize na di niya matatanggap kahit kailan na naging bading ang anak niya. In fairness sa tatay ko, di siya nagbitaw ng mura't masakit na salita sa harap ko kahit na nalaman niya kay mama ang katotohanan sa amin ni Dan. He tolerated us sa bahay na parang may ampon siyang pamangkin – kung anong trato niya sa akin ganun ang pakikitungo niya sa kanya.

Pero walang sign sa kanya ng acceptance – nagjo-joke pa rin siya tungkol sa mga bading, sumasabay siya ng amen kapag may sermon ang mga pari tungkol sa same-sex marriage, at tingin pa rin niya sakit ng bading ang HIV. Tiniis ko na lang ang mga iyon dahil inisip ko stress lang iyon na di worth it pagsayangan ng oras.

Kaya nung naghiwalay kami ni Dan at bumalik ako sa bahay noon, para bang nabuhayan siya ng loob na baka maging straight ako ulit. Binibiro niya akong isasama niya sa mga inuman ng mga kumpare niya, at todo share siya sa akin ng profiles ng mga babae na pwede ko daw ligawan. Nakakatawa pa nga nung natuwa siyang nag-start akong mag-gym – wala siyang ideya na mas uso na sa mga gays kaysa mga alphamales ang pagpapa-borta.

"Hindi pa nga pa eh, mukhang balak atang maging bachelor!" Tinapatan ko na lang ng joke ang banat niya, pakunswelo na lang sa pagkalungkot ko.

"Sabihin mo pag pinatagal pa niya kamo pag-aasawa niya, mas lalong wala siyang mahahanap…" Seryoso niyang payo. "Sa bagay, parang alak lang iyan...habang tumatagal, lalong masarap..."

Ang corny ng joke na iyon, ha.

"Eh yung anak mo kaya bakit di mo tanungin ng ganyan..." Singit ng nanay ko na para bang di naiisip kung anong nararamdaman ko.

"May konti pang oras iyan si Louie...sa lakas ng kamandag niyang anak mo, magulat na lang tayo may foreigner na iyang dala dito sa bahay, di ba?" Oo nga, sa sobrang lakas ahas rin ang nakukuha.

Bago pa ako matapos kumain ay nag-ayaan kaming mag-groupie tapos i-post ko daw sa Facebook. Si Jordan, napa-haha react na lang nang nakita iyon sa My Day ko.

"Sabi nila, bumisita ka man lang daw sa bahay..." Reply ko sa kanya sa Messenger. Kaso tumatawang sticker lang ulit ang sagot niya.

He must know what's up.

Mga isang linggo din bago ako nakabalik sa Norzagaray. Since doon rin naman na ako magtatagal, inunti-unti ko nang dalhin yung iba kong gamit. Sakto din para malagyan ko man lang ng personal touch yung mga furniture at pader.

Naka-ready na ang lahat saka ko lang na-realize...wala pala akong martilyo saka mga drills! Nagpakahirap pa akong magbuhat ng gamit kung madedelay lang din ang pag-aayos.

Naisip kong puntahan si Jordan sa bahay niya sa kabilang dulo ng bloke. Di ko siya nakakausap masyado kahit sa Messenger, kaya di ko sigurado kung nandito ba siya. Pero wala naman akong nababalitaang pinagkaka-abalahan niya at di ko rin naiisip itanong. He must be giving me space sa bilis ng mga nangyari noong nakaraan.

Tahimik lang ang kalsada dahil yung mga bahay sa gitna, saka yung nasa katapat naming block walang mga nakatira. Kung wala nga lang sigurong mga CCTV sa kalsada kahit mag-outdoor sex kami sa bakanteng lote walang makakapansin – as if naman may balak akong gawin iyon.

"Ikaw pala iyan Louie..." Gulo-gulo pa ang buhok niya sa pagsalubong niya sa akin. Kagigising lang siguro nito dahil di man lang niya inabalang palitan ang suot niyang boxers. "Namiss mo ba 'ko? Tagal mong nawala, ah."

"Kailangan kong bumawi sa parents ko..." Explanation ko. "Anyway, may martilyo ka ba diyan saka drill?"

"Wait, tignan ko lang sa mga gamit ko..."

Inaya niya akong pumasok sa bahay niya, at laking asar ko na di pa rin pala niya naaayos lahat ng impake niya since the last time na nagkita kami. Naka-kalat ang mga kahon sa sala, at halatang tamad siyang maglinis sa kung paanong gulo-gulo ang itsura ng mga gamit. Kahit nga yung kwarto niya, naka-kalat ang kumot at bedsheet sa sahig pati na rin mga maruming damit at mga toiletries niya.

"Dan, hindi ka pa ba nakakapag-ayos ng bahay mo?" Asar kong tanong. "Since kailan pa 'to?"

"Di ko na alam..." Hikab niya. "Di kasi ako makatulog nung mga nakaraan, ngayon lang ako nakaka-bawi..."

"Himala buhay ka pa ngayon..." Sarcastic kong sagot habang sinusubukang hanapin ang kanyang laundry basket. "Daig mo pa yung teenager..."

"Sorry naman!" Walang sincerity sa paghingi niya ng sorry, ha. "Sige na, ako na mag-aayos diyan, naka-abala pa ako sa iyo..."

Dumaan lang sa dalawa kong tenga ang pakiusap niya habang tuloy-tuloy lang ako sa pagpulot ng mga damit. "Paano ka nakakain nung wala ako? Don't tell me di ka rin nakakapag-laba?"

"Pina-deliver ko galing Honestbee..." Pag-amin niya. Sosyal, may pambayad ng delivery fee. "Saka may laundry naman sa kanto doon ko na lang dadalhin iyan..."

It was enough for me to realize na di makaka-survive itong loko nang wala ako.

"Mag-ayos ka Dan, aalis tayo..."

"Saan?" Pagtataka niya kahit obvious na dapat sa kanya ang sagot.

"Kalimutan mo na yung hiniram ko. Pupunta tayo sa mall..." Utos ko. "Bumili ka ng mop, ng mga panlinis, saka grocery ata wala ka rin..."

"Ang thoughtful mo naman!"

"Thoughtful ka diyan, na-o-OC ako sa bahay mo, Diyos ko!"

Pagkatapos niyang mag-madaling maligo dumiretso kami ni Dan sa mall malapit sa village. Buti na lang naimbento na mga warehouse store, isang ikot at pila na lang kami ng mga bibilhin namin. Wala rin halos tao bilang weekday naman – thankful ako doon kasi ayokong pagtinginan kami ng masama ng mga tsismosang jejetweens.

"Naalala mo pa ba anong wala sa bahay mo?" Simula ko habang tulak-tulak ko ang dala naming pushcart.

"Wait, di ko sure, sabihin ko na lang sa iyo pag nadaanan natin..."

"Huwag na, bilhin na natin lahat para may stock ka na rin..." Pagtapos ko dahil sigurado akong wala talaga siyang naaalala. Inuna ko na ang mga pang-almusal dahil iyon na rin ang sumalubong sa amin.

"Bakit yung Bonus nilalagay mo?" Pagtataka niya habang kinukuha ko yung mga generic na itlog at asukal sa istante. "Ayaw mo nitong Magnolia?"

"Brand lang babayaran mo diyan..." Turo ko sa kanya habang papadaan naman sa mga de-lata. "Gaya nito, walang brand pero sa likod Century Tuna din naman manufacturer..."

"Baka naman di masarap iyan!" Pag-aalala ni Dan. Isa siguro 'to sa ordinaryong taong basta pulot na lang ng branded na kape at toothpaste tapos magugulat sa presyo pag-labas.

"Tanong, may pambili ka ba ng sosyal?"

"Di ko akalaing kuripot ka pala..."

"Di naman, sayang lang din yung pera..." Asar kong reaksyon. "Mas maiging ilagay mo na lang sa ibang bagay yung matitipid mo, no. Like travel, o kaya investment..."

"Naku problema iyan, sa pagkain lang saka nomo mapupunta savings ko pag nagkataon!"

"Di bagay sa iyong mataba Jordan, kahit dad-bod hindi..."

Since usapang daddy na rin naman, it's his time to shine nung napadaan kami sa hardware section. Simpleng martilyo't drill lang hanap ko pero todo insist siyang maghanap ng magadang brand.

"Huwag kang mag-tipid diyan, para di ka magugulat pag kailangan mo na..." May point nga naman siya, kung magtatagal ako sa bahay yung matino na dapat gamitin ko; investment ba.

Pati nga yung mga light bulb at extension napansin pa niya – palitan ko daw lahat ng LED para tipid sa kuryente. Kumuha daw ako ng cord na may USB plug na. Pati nga antenna bumili daw ako para di daw puro Netflix papanuorin ko – anong paki ko sa pagkakaiba ng mga antenna puro bakal lang iyon lahat? At least he's making me understand these guy stuff more.

Nakakatawa lang, para kaming mag-asawa in the traditional sense – ako expert sa kusina habang siya sa pagbuting-ting ng mga bagay-bagay. Fuck gender roles dapat pero nakakakilig din ng kaunti na may bonding moment kami na ganito. Marami diyan mag-asawa na pero di nila ma-appreciate o kahit magawa man lang mga ganitong bagay habang kami, enjoy langi na parang totoo talaga ang forever...as neighbors nga lang.

Sa sobrang enjoy naming mag-shopping di namin namalayang hapon na pala kami natapos. Dumami na rin mga namimili kaya mahaba na ang pila sa counter. Kung di lang mala-Extreme Makeover yung mga pinamili ng sinundan namin kanina pa sana kami nakalabas.

Dahil na rin sa boredom, nauwi sa pag-alala sa mga memories ang small talk naming dalawa.

"Thank you nga pala sa pagtulong..." Bulong niya sa kawalan kahit na obvious na maririnig ko rin naman. "Siguro kapa-kapa pa ako ngayong balik na ako sa Maynila. Hirap din pala kapag mag-isa ka lang sa bahay."

"Ako din naman, pero kailangan eh...sanayan lang." Walang emosyon kong tanong.

"Natatawa nga ako pag naaalala ko nung nagre-rent pa tayo..." Pag-reminisce niya sa mga kalokohan namin dati. "Wala tayo halos pera pero pag nag-go-grocery tayo lagi tayong nag-aasaran noon. Kung anu-ano kasing nilalagay mo sa cart di na nga kasya sa budget..."

"Tapos lagi akong na-aasar pag pinaghuhugas mo ako ng plato saka pinaglalaba..." Daing ko.

"Pinagluluto naman kita noon, grabe ka!" Panapat ni Dan.

"Tapos sinasabay ko sa plantsa mga damit mo. So fair lang!" Halakhak naming dalawa. It was definitely nice being young pero di naman masamang ganito lalo na't maginhawa na ang buhay namin.

What came immediately after is something...I somehow expected.

"Wala bang chance, Louie?" Seryoso niyang tanong dahilan para mapatigil ako sa pag-labas ng mga gamit mula sa pushcart. "I mean...magsimula tayo ulit?"

"Masyadong gasgas iyang linya mo, narinig ko na iyan sa radyo..."

"Seryoso nga..." Pangungulit niya. "Ikaw na rin nagsabing di na tayo mga bata. I'm sure marami tayong mali noon pero di ba magandang mag-start tayo ng malinis? Yung tipong...parang magkakilala lang tayo ulit?"

"Imposible iyon, anong tawag mo sa make out natin last week?" Lahat na lang dinadaan ko sa biro.

"Sige ganito na lang..." Di ko akalaing naghahanap na pala siya ng hamon. "Bigyan mo na lang ako ng kundisyon para maging tayo...ulit."

"For one, di pwede ulit..." Sita ko na parang di ramdam na seryoso talaga si Dan sa mga balak niya. "Kung gusto mo talaga 'to, dapat gamitin mong term talaga, habambuhay, ganun. Swerte mo nagpaulan si Cupid ng pana sa subdivision nakakuha ka pa ulit ng chance, kaya seryosohin mo na. One-time big-time lang 'to."

"Tindi din ng mga hugot mo..." Amused niyang sagot. "Dali na, bigyan mo naman ako ng sagot na malinaw..."

"Fine..." Diretsuhin ko na 'to total wala na rin akong energy na makipag-areglo. "One, hiwalayan mo si Gio."

"Di ba sinabi ko naghiwalay na kami nun..."

"Okay sige, sabi mo 'eh...I trust in you." Diin ko na parang nagdadasal lang ng Three O' Clock Prayer. "Pero mas may dapat kang ayusin, Dan…yung pamilya mo. Alan ko nag-sacrifice ka na't lahat pero di mo pwedeng hayaang unresolved 'to hanggang sa mamatay na parents mo..."

"Bakit ikaw ba, sure ako di ka pa rin tanggap ni Tito..."

Bumalik din sa akin ang sinabi ko na parang boomerang. "Yun nga, so I'm also imposing conditions upon myself. Gusto ko kasi, pag nagka-relationship ako ulit, wala na talagang sabit. May idadagdag ka pa ba?"

"Wala naman." Kumpirmasyon niya. "Wish ko lang sana di tayo magka-ilangan. Yung natural lang ba, parang ganito. Saka pag aalis ka, sabihin mo sa akin..."

"Clingy lang?"

"Di ka na ba babalik abroad?"

"Di rin ako sure Dan, I mentioned namang 2 months lang ako dito..." Ayun nga, kahit ako aminadong it's an offer so hard to refuse. "Sabihin na nating huling biyahe na 'to, parang domestic helper lang. Nasanay na kasi akong working for myself, eh. Saka alam mo iyan, we've been there before..."

Naputol ang usapan namin without our deal being sealed. Pero sana gets niya ang point kung bakit ang hirap sa aking um-oo. Di na kami pabebe na kayang lumaban against all odds. Saka naniniwala naman akong love is patient – kung kami talaga, magiging kami talaga. Mas maigi nang slow but stable.

Especially knowing that I also have issues na dapat ring ayusin. God, dapat pala di ko muna tinuloy yung check-up na iyon. Ang sagwang something's bothering me sa ganitong situwasyon.

Ang di ko alam, mapapa-aga pala ang pagtest sa akin ng patience ng nasa itaas. A few days later, may nagkamaling kumatok sa gate ng bahay na inakala kong delivery lang ng bill. Isang bear ang lumitaw sa labas, litong-lito kung nasaan ang bahay na hinahanap niya.

"Good morning po, alam niyo po ba kung saan bahay ni Jordan?" Haggard niyang tanong. "I'm sure it's in here pero di mo matandaan saang corner..."

"Nasa kabilang side iyon. Pero wala ata siya diyan ngayon..." Turo ko sa ligaw na nilalang. "Sino po pala kayo?"

"Gio po. Kayo po?"

Next chapter