webnovel

Where Do We Go From Here?

Nataranta si Ethan, hindi nya maintindihan kung anong ginawa nya bakit galit ang ina.

"M-Mom?"

"S-Sya ang Mom..my mo?"

Kinakabahang tanong ni Khim.

Hindi na nakasagot si Ethan dahil nakalapit na ang ina at paglapit ay bigla itong binatukan.

"What happened to you?

Ni hindi ka nagpaparamdam ng ilang months at hindi ko man lang alam na missing ka pala!

At bakit hindi mo sinabi na pupunta ka dito at higit sa lahat ... bakit may kasama kang teenager?!"

Singhal ng ina habang patuloy nya itong hinahampas at sinisipa.

"Ow! Ow! Ow! Wait Mom! Let me explain!"

Napahakbang paurong si Khim sa takot.

'Juskopo! Akala ko ba sabi nya mabait ang Mommy nya?'

'Ano bang dapat kong gawin, magstay o iwan si Ethan?'

'Pag nagstay ako baka pati ako magulpi ng Mommy nya!

'Pag umalis naman ako baka isipin ni Ethan wala akong pakialam sa kanya kaya iniwan ko sya!'

Juskupo anong gagawin ko?'

Kaya wala syang nagawa kundi umurong ng kaunti at baka madamay sya.

Nang mapagod, saka lang tumigil ang Mommy ni Ethan.

"Mom, sorry kung pinagalala kita! But something big happen to me kaya hindi ako naka contact sa inyo! Na stranded po ako at mamya ikukwento ko sa inyo ang lahat!"

"Eh, itong teenager na ito, paano mo naman nakilala ito at bakit mo kasama?"

"Sya po si Khim, kapatid ni Elise yung girl na nameet ko!"

"So babae ang reason kaya hindi ka nagpakita sa akin?"

"Well not really, it's just that ... I don't have a choice! We are out of nowhere!"

"Out ... of ... nowhere?"

"Yes Mom and it's a very long story!"

"May naging jowa ka ... out of nowhere?"

"What?"

"Girlfriend!"

"Uhm, not really! I can't explain but..."

"But you feel something to that girl, whose name is Elise, out of nowhere!"

Hindi nakasagot si Ethan. Pero kita ng ina nito ang mga ngiti sa labi ng anak.

'Mukhang nainlab na nga ata itong mokong na 'to dun sa Elise!'

Pero hindi nila napapansin si Khim na masama ang loob.

'Si Ate Kate ang tinutukoy nya! Huhuhu!'

'Hindi man lang nya naisip na andito ako! Kung magusap sila parang ala ako dito!'

Gusto ng maiyak ng tuluyan ni Khim at tumakbo palayo.

"So, in love ka nga dun sa girl na nakasama mo out of nowhere! Gusto kong mameet yang girl na yan! Andito rin ba sya?"

"Yes po Mom, she's here!"

Buong ngiting sagot ni Ethan.

Lumukso ang puso nito sa sinabi ng ina.

Tila nakaramdam naman ng hiya si Khim.

Eto sya pinagpipilitan na magustuhan ni Ethan pero ang Ate Kate naman pala ang iniisip nito hindi sya.

Hindi na nya napigilan ang mga luha nya na pumatak kaya napatakbo sya palayo.

"Huh? Anyare dun?"

Nagtatakang bulalas ni Ethan.

"She looks familiar!"

"Hayaan na natin sya Mom, baka pupunta sa family nya. Let's talk about what happened to me at kung paano kami nag meet ni Elise."

Masayang sabi ni Ethan.

Sa di kalayuan huminto si Khim, nagbabakasakali sya na susundan sya ni Ethan, pero ....

Sinilip nya ito at masayang masayang kinukwento ang nangyari sa kanila ni Kate, dinig pa nya mula sa kinaroroonan nya ang boses nito na puno ng saya.

Lalong tumindi ang sama ng loob nya.

'Hmp! Bakit kasi si Ate Kate pa may Melabs na yun pero bakit sya pa rin ang nagugustuhan nya? Kainis!'

Hindi namamalayan ni Khim na nagseselos na sya ng walang dahilan sa Ate Kate nya.

Kumaripas ito ng takbo papunta sa resort. Hindi nya pinansin ang si Kate at si Mel na nakasalubong nya.

Muntik pa ngang matumba si Mel ng masagi nya ito.

"Khim ano ba?"

Galit na sigaw ni Kate pero dirediretso ito at hindi sila pinansin.

"Anyare dun bakit parang umiiyak?"

"Napansin mo rin?"

"Teka, diba si Ethan ang kasama nun?"

"Oonga! Asan yung mokong na yun, bakit iniwan magisa si Sister Khim?"

"Buti pa hanapin natin at baka maligaw yun!"

Sabi ni Kate na nagaalala.

Nagpoprotesta si Mel.

'Bakit ba kailangan pang hanapin? Hayaan na lang maligaw ang mokong na yun!'

Pero sumunod din sya kay Kate.

*****

Samantala.

Sa isang ospital sa Maynila.

"Doc ano ho ba talaga ang sakit ko at bakit ayaw nyo pa rin akong pauwiin?"

Madyo naiinip na si Jaime kaya ganito sya magtanong.

Kahapon pa sya naka confine dito at ang dami ng check up ang ginawa sa kanya pero wala pa ring sinasabi ang mga duktor.

"Jaime, kumalma ka nga dyan!"

Nagaalalang suway ni Nadine sa asawa.

"Pasensya na Gen. Santiago, we just need to double check."

"So ano nga ang findings? Ano ang sakit ko at huwag nyo ng patagalin pa Doc sabihin nyo na ng deretsahan!"

Iritableng tanong ni Jaime.

"May kidney problem po kayo at kailangan nyo ng transplant as soon as possible!"

"What?"

Gulat na bulalas ni Nadine.

"Bukod sa kidney nya may problema din sya sa liver nya."

"S-Sigurado po ba kayo Doc?"

"Yes Mam na double check na po namin!"

"A-Ano po ang dapat naming gawin?"

"Mam both of his kidney has a problem kaya operasyon na lang ang best option. In the meantime kailangan nyang magdialysis habang wala pa kayong nakukuhang donor."

Tila bato na bumagsak sa langit ang sinabi ng duktor.

Humagulgol sa pagiyak si Nadine at natulala naman si Jaime. Ang kaninang katapangan ay tila naglaho at napalitan ng takot.

*****

Samantala.

Sa isang ospital sa Maynila.

"Doc ano ho ba talaga ang sakit ko at bakit ayaw nyo pa rin akong pauwiin?"

Madyo naiinip na si Jaime kaya ganito sya magtanong.

Kahapon pa sya naka confine dito at ang dami ng check up ang ginawa sa kanya pero wala pa ring sinasabi ang mga duktor.

"Jaime, kumalma ka nga dyan!"

Nagaalalang suway ni Nadine sa asawa.

"Pasensya na Gen. Santiago, we just need to double check."

"So ano nga ang findings? Ano ang sakit ko at huwag nyo ng patagalin pa Doc sabihin nyo na ng deretsahan!"

Iritableng tanong ni Jaime.

"May kidney problem po kayo at kailangan nyo ng transplant as soon as possible!"

"What?"

Gulat na bulalas ni Nadine.

"Bukod sa kidney nya may problema din sya sa liver nya."

"S-Sigurado po ba kayo Doc?"

"Yes Mam na double check na po namin!"

"A-Ano po ang dapat naming gawin?"

"Mam both of his kidney has a problem kaya operasyon na lang ang best option. In the meantime kailangan nyang magdialysis habang wala pa kayong nakukuhang donor."

Tila bato na bumagsak sa langit ang sinabi ng duktor.

Humagulgol sa pagiyak si Nadine at natulala naman si Jaime. Ang kaninang katapangan ay tila naglaho at napalitan ng takot.

Pagkatapos masabi ng duktor ang results, nagpaalam na ito. Naiwan ang magasawa na parehong na shock sa news.

"I'm sorry Nadine, hindi ko gustong saktan kang muli. Huwag kang magaalala, bukas na bukas din aalis ako at duon na ko at duon na ako titira sa San Roque para hindi na ako makagambala pa sa'yo."

Galit na tinitigan ni Nadine si Jaime ng matalim.

"Anong pinagsasabi mo dyan? Bakit ka aalis? Sinong magaalaga sa'yo dun? Isa na naman sa mga babae mo?

Bwisit ka Jaime kung inaakalang mong papayagan ko ni isa sa mga kabit mo ang magalaga sa'yo! Ako ang asawa mo kaya ako lang ang dapat mag alaga sa'yo!

Dito ka lang sa tabi ko! Huwag na huwag kang aalis dahil kahit saan ka magtungo sasama ako!"

"Pero ayaw ko na malaman ng mga anak natin! Ayokong magsakprisyo at ibigay nila ang isang kidney sa akin! Hindi ako makakapayag!"

"May iba pang paraan! Basta huwag kang aalis sa tabi ko!"

At inis itong sinuntok si Jaime at saka inakap ng mahigpit.

"Alam kong natatakot ka Jaime, natatakot din ako! Pero sasamahan kita, kahit anong mangyari sasamahan kita lalo na sa panahong ito na mas kailangan mo ako! Huhuhu!"

Hindi na napigilan ni Jaime ang mapahagulgol.

Sa dami ng pasakit na ibinigay nya sa asawa nya, hindi nya akalain na sa huli, hindi pa rin sya nito iiwan.

"But ... where do we go from here?"

Pabulong na tanong ni Jaime.

"Doesn't matter! As long as we're together, we'll fight this together!"

Matapang na sagot ni Nadine.

Next chapter