webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

What Have I Done Wrong?

"Kate? It's been a long time!"

Bulalas ni Eleanor na nakaramdam ng sobrang excitement ng makita si Kate.

Nakangiti ito habang papalapit sa kanila.

Pero .... hindi sya naalala ni Kate.

'Pamilyar ang mukha nya pero bakit hindi ko sya maalala?'

Naphinto si Eleanor ng mapansin ang pagkunot ng mukha ni Kate.

"Whoah, wait! Don't tell me, nakalimutan mo na kung sino ako?"

May pumasok sa alaala ni Kate pero pakiramdam nya kailangan nyang habulin ang memory na yun para masagot ang tanong ng babae.

"Uhm, Mam pasensya na po, napagod lang po ang si WifeyLabs ko! Lam nyo na buntis kasi!"

Pagdadahilan ni Mel.

At inalalayan nyang maupo si Kate kahit na hirap na hirap ito dahil nakasaklay.

"You must be her husband, right?"

"Opo Mam! Ako po si Mel."

"Hi, I'm Eleanor! Nice too meet you, Mel!"

Masayang bati nito na nagbibigay ng paisa isang ala ala kay Kate pero sobrang labo.

Makikitang tahimik lang ito at mariing ipinikit ang mga mata, pilit hinahabol ang mga alaala.

'Ang boses na yun sobrang pamilyar!'

At nagaalala si Mel sa bawat kilos ni Kate.

"Nice to meet you din po Mam! Pwede pong magtanong?"

"Sure go ahead?"

"Matagal na po ba kayong magkakilala ni Kate MyLabs?"

"Hahaha! Ang cute ng tawagan nyo!"

"But to answer your question, nope! First time ko sya mameet that day. Tapos hindi ko alam na anak pala sya ni Jaime."

May kung anong alaala na biglang lumabas sa isip ni Kate habang pinakikinggan si Eleanor.

'Si Daddy?'

"Dito rin ata kami sa mesang ito naupo. Tapos binabasa ko yung article na ginawa ni Katherine that day tungkol sa kaso ng father nya.

'Aritcle...'

'Kaso...'

'Katherine?'

"Tapos, hindi ko alam na kausap ko na pala yung girl na sumulat ng article, hindi man lang nyan sinasabi!"

Natatawang kwento ni Eleanor habang inaala ang araw na iyon.

"Eh, Mam, paano nyo po nalaman na sya yung sumulat?"

"Nung biglang dumating ang Mommy nya!

I was shocked when Kate called Nadine MOM!

Dun ko lang na realize na sya pala si Katherine! Hahaha!"

'Ang tawa na yun pamilyar!'

'Kilala nyo rin po si Mommy Pretty?"

"Hahaha! Your so cute in calling names, ang sweet ng dating. No wonder na inlove ng husto sa'yo itong Kate!"

"Ako po ang swerte sa kanya Mam!"

"Ay naku please stop calling me Mam, Tita na lang or whatever cute names you want to call me."

"Pwede ko po ba kayong tawaging Tita Happy? Nakakahawa po kasi ang saya nyo eh!"

"Hahaha! Sure iho! I love it!"

"Eh, pwede po bang magtanong ulit, Tita Happy?"

"Sure Mel, ano ba yun?"

Napansin ni Eleanor ang curiousness ni Mel pero hindi ito naiinis dahil magalang sya kung magtanong at nagpapaalam pa bago magtanong.

Totoong magalang si Mel at sweet pa kaya madaling magustuhan ng mga nakakatanda.

Pero ang hindi alam ni Eleanor, kaya ito nagtatanong para tulungan si Kate na ngayon ay napapansin nyang medyo nahihirapan.

"Gusto ko lang pong tanungin, friend po ba kayo ni Mommy?"

"Hahaha! No we're not friends! We just know each other way back nung kabataan namin! Ang Daddy nyang si Jaime ang ka close ko!"

May biglang pumasok sa isip ni Kate ng banggitin ni Eleanor na close sila ng Daddy nya.

Kumirot bigla ang ulo nito at nasapo nya.

"Oh, what happen? Are you okey?"

Pilit na ngumiti si Kate. Gusto nyang magsalita at magtanong pero natatakot syang malaman ni Eleanor na may amnesia sya.

Humingi ng tubig si Mel sa waiter na nasa di kalayuan.

"Pasensya na po, medyo nahihirapan po kasi sya sa pagbubuntis nya."

Paliwanag ni Mel habang pinaiinom ng tubig si Kate.

'Wow! this guy is something! Never expect na may ganito pa palang ka asikasong lalaki despite his situation!'

Sobrang napahanga si Eleanor sa ginagawang pagaasikaso ni Mel sa asawa nitong si Kate kahit na kita rin nito na nahihiran din sya sa kundisyon nya.

'She must love Kate so much!'

"Okey ka na ba WifeyLabs?"

"Oo, Melabs, salamat!"

"Oh, na sa'yo pala yang panyo na yan?"

Nagulat ang dalawa sa tanong ni Eleanor.

Napatingin si Kate kay Eleanor, gustong magtanong pero hindi nya magawa. Kaya si Mel ang nagtanong.

"Bakit po Tita Happy, nakikilala nyo po ba ang panyo na yan?"

"Yup! That's mine!"

Nagkatinginan ang magasawa.

'Kayo po si Elise?"

At unti unting bumalik ng kusa sa isip ni Kate ang moment na yun, simula ng bumaba sya ng helicopter hangggang sa masaya silang nakaupo at nagkukwentuhan ni Kate.

Ang memory na pilit nyang hinahabol ay kusa ng nagbalik sa kanya.

"Yup! Akin itong panyo, regalo sa akin ng ex ko! Yan ang name na tawag nya sa akin.

Sabi nila pag niregaluhan ka daw ng panyo ng isang guy paiiyakin ka nun! True enough nagkatotoo! Hahaha!"

'Paiiyakin?'

'Guy?'

'Ex!'

Napatingin si Kate kay Eleanor.

'Naalala ko na! She's Daddy's ex-fianceé!'

'At si Mommy ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Daddy!'

Biglang tumunog ang phone ni Eleanor.

"Oh my god! I need to answer this! Maiwan ko muna kayo!"

At dali dali itong umalis na tila.

"Okey ka lang WifeyLabs? May naaalala ka na ba?"

"Oo, sya ang ex-fianceé ni Daddy at hindi talaga Elise ang name ko!"

Nangiti si Mel.

'Sa wakas na solve na kung sino si Elise!'

*****

Sa isang garden dinala ni Khim si Ethan.

Kabisado nya itong resort dahil ilang beses na syang nagpunta dito kaya alam nya kung saan nya dadalhin si Ethan para masolo.

Masaya naman si Ethan sa ganda ng view, lalo na sa fish pond na andaming lamang na mamahaling at napaka colorful na fish.

"Anong sabi ng Mommy mo Kuya Ethan?"

Kuya ang tawag nya dito kasi ayaw pumayag ni Ethan na walang KUYA.

Alang nagawa si Khim dahil sabi ni Ethan hindi na sya nito kakausapin pag hindi sya tinawag na Kuya.

"She said she's coming! She knows the place! Mukhang sikat ito!"

"Yes Kuya Ethan, super sikat kaya ito kaya maraming nagpupunta. Lalo na nung nagpatayo sila Ate Kate at Kuya Melabs ng SPA. Maya dalhin mo si Mommy mo dun para matuwa sya!"

"Sure! Pero pwede bang pautang muna, mukhang mahal ang SPA at wala pa kasi akong money."

"Don't worry Kuya Ethan may VIP card ako, you don't need to pay anything."

"Wow, thanks!"

"Naku, wala yun Kuya Ethan! Basta ikaw! Hihihi!"

Kinikilig na sabi ni Khim.

"Uhm, hindi ba magagalit si Mommy po pag nakita nyang magkasama tayo Kuya Ethan?"

"Nope! Magkakasundo kayo ng Mom ko! Mabait iyon at masayahin! Lagi syang nakatawa!"

"JONATHAN!"

Nagulat silang dalawa at napalingon ng madinig ang boses ng isang babae na tila galit.

"Mom?"

"Sya ang Mommy mo at Jonathan ang name mo?"

"Yup!"

Kinakabahang sagot ni Ethan.

Hindi nya maintindihan kung bakit nagaala tigre ang Mommy nya ngayon.

Kinabahan si Khim ng makita ang nanlilisik na mga mata ng babae na papalapit sa kanila.

'Akala ko ba sabi ni Ethan, mabait sya at masayahin? Bakit parang ang sungit nya? Mas masungit pa sya kay Ate Kate pag galit!'

Napalunok si Ethan habang papalapit ang nagpupuyos sa galit na Mommy nya.

'Oh my! What have I done wrong?'