webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Urban
Not enough ratings
154 Chs

Sinong Kalihim?

"Salamat Eunie, naintindihan ko!"

Sabi ni Kate.

"Naiintindihan mo, WifeyLabs? Ako hindi!"

"Sorry Beshy, can't explain much! Need to go!"

Sabi ni Eunice kay Mel.

"Teka Eunie, gusto kong makita ang video surveillance sa Secret!"

Pahabol ni Kate

"Okey!"

At nag out na si Eunice, maya maya ipinadala nito ang video surveillance sa loob ng Secret.

"Bakit nagmamadali yun? Gusto ko pa naman makipag chikahan. Namimiss ko na si Sissy ko!"

Malungkot na sabi ni Mel.

"Sorry HubbyLabs, this is not the right time. Hindi kasi pwedeng magtagal ang paguusap namin ni Eunie, delikado!"

"Ha? Bakit delikado?"

"Naka close kasi ang buong internet connection ng isla, sinara ni Eunie. Kinakabahan kasi kami na baka may mga secret information na mag leak sa labas mula dito sa isla!"

"So yun ang reason kaya walang signal everywhere?"

"Yes HubbyLabs! Pero natitiyak namin ni Eunie na may mga gumagawa ng paraan para makakuha ng connection palabas. Ayaw ni Eunie na madiscover nila na naguusap kami, kaya agad nyang inoff!"

"Okey WifeyLabs naintindihan ko na ang part na yun pero hindi ko pa rin magets, bakit may alert signal na nagmula duon sa Secret pero sabi ni Sissy hindi daw sya ang may gawa? So ibig sabihin may taong nagpadala ng alert signal from Secret?"

"Tama HubbyLabs! Kasi kanina, may pinadalhang message si Dr. Bien na naintercept ni Eunie. At yun ang dahilan kaya bigla nyang inoff ang connection sa buong Signal Island pagkatapos ay blinock nya ang buong forest! Hindi sila pwedeng lumabas. Kaya yung nagpadala ng signal malamang yun ang kasabwat ni Dr. Bien."

Paliwanag ni Kate habang pinakikita nito ang surveillance video na pinadala ni Eunice.

"Natitiyak kong alam nya kung ano ang misyon ni Dr. Bien at kung gaano ito kadelikado. Kaya ng biglang mawala ang connection at nablock sila, tyak ang unang magrereact ang kasabwat!"

Kita sa video ang babaeng nagpanic ng marealize nito na nawala ang connection.

"Malamang sya ang pinadalhan ng message ni Dr. Bien at sumagot sya sa message nito but then she found out na wala na pa lang signal."

Nung una hindi muna ito nataranta pero after a few minutes na wala pa ring signal, nagumpisa na itong mag panic.

Agad itong lumabas ang hinanap ang isang kasamahan nyang lalaki at may pinaguusapan sila.

"Mukhang ikinukwento na nya na nawalan na ng connection."

This time yung lalaki naman ang sumubok pero sa huli na realize nya ba nakablock ang buong Secret.

Takot ang rumehistro sa expression ng mukha ng lalaki.

Sinubukan nilang lumabas ng facility pero sarado ang lahat ng exit.

Kita ang matinding takot sa dalawa lalo na ng mapansin nila

na sa paghahanap nila ng exit, hindi nila namalayan na trap na pala sila at nakulong sa isang silid. Yari pa naman sa bakal ang bawat pader dito.

Kaya sa sobrang taranta nila, pinindot nila ang alert signal sa bracelet nila para may makaalam sa labas na naroon sila.

Si Kate ang nagoff ng alert signal nila.

"Ang gusto ni Lolo Miggy tapusin namin ito ng mas maaga para maibabalik na ang connection sa buong Sinag Island dahil kapag inabot pa ito ng bukas baka magpanic na ang lahat ng tao dito sa Isla. Kaya kailangan kong magtungo ngayon sa Secret!"

Paliwanag ni Kate sa asawa nya.

"Ibig sabihin alam mo na kung ano ang secret ng Secret?"

"Oo .... Si Prince Tobias!"

"Ow, yung Crown Prince na pogi at long hair?"

'Jusmiyo 'tong HubbyLabs ko kung magdescribe may pakilig pa!'

'Dapat ba akong magselos?'

"Yup, HubbyLabs ko, syanga! Pero secret ito kaya hindi pwedeng lumabas any information regarding him! Puslit nga ang pagpasok nya dito na kahit ang bansa natin ay hindi alam!"

"So are you telling me na duon galing si Dr. Bien at yung usb na binigay nya is evidence na narito sya?"

"Mismo! Kaya kailangan kong magpunta sa Secret!"

"Sasama ako!"

"Pero HubbyLabs..."

"Hindi kita papayagang magtungo dun ng magisa!"

"Hindi ako magisa, kasama ko si Kuya!"

"Kahit na! Hindi pa rin ako papayag! Monthsary natin ngayon My WifeyLabs, kaya sasamahan kita kahit saan pa yan! Hindi ako papayag na hindi tayo magkasama sa monthsary natin!"

Hindi na nakipagtalo si Kate, ewan ba nya pero kinilig sya sa sinabi ni Mel.

*****

Kinontak ni Kate si James sa radio frequency ni Khim na ibinigay ni Mel pero hindi sya ang sumagot kundi si Gene.

"Grampy, kailangan ko po si Kuya, please po pakibigay sa kanya (Over)"

"Nope! Kung gusto mong kausapin ang Kuya mo magtungo ka dito, dahil marami kang dapat ipaliwanag! (over)"

Galit na sabi ni Gene.

"Pero Grampy, this is a life threatening situation! (over)"

"Whose life and whose threatening? (over)"

"Sige po Grampy, papunta na po kami dyan! (over and out)"

Hindi masabi ni Kate ang dahilan, delikado, baka may ibang makarinig. Pero kailangan nya si James dahil hindi nya pa alam ang pasikut sikot duon.

Saka kailangan na nilang magmadali, dahil binigyan lang sila ni Don Miguel hanggang alas dose ng hating gabi para ayusin ito. Dahil kung hindi, may plano ng alisin ni Don Miguel si Prince Tobias sa isla at dalhin somewhere in South Pole, bago kumalat ang balita.

"Totoo kayang dadalhin ni Lolo Don Miguel yung prinsipe sa South Pole?"

"Knowing Lolo Miggy, yes! Kaya nyang gawin yun!"

Napansin nilang si Gene at si James lang ang nasa loob ng VIP room ng dumating sila.

"Asan po sila?"

"Nasa silid ni Khim. Now explain!"

Seryosong sabi ni Gene.

Inulit lang ni Kate ang sinabi nya kay Mel ng mas maiksing version. Madalian kasi.

Hindi kaagad sumagot si Gene, nagiisip.

"Naintindihan ko. Anong maitutulong ko?"

Hindi papayag si Gene na walang gawin. Kahit hindi nya pa kaya ang katawan nya, hindi sya makakapayag na walang gawin.

Inaasahan na ito ni Kate. Mas maigi nga na hingin nya ang tulong ng lolo nya para mas madali ang lahat.

"Grampy, yung mga pictures sa usb, kailangan ko pong mapalitan ng bagong pictures."

Sagot ni Kate at naintindihan na ito ni Gene.

"Sige ako ng bahala dito, umalis na kayo at magiingat kayo!"

Sabi nya sa mga apo nya.

Nagmamadali ng lumabas ang tatlo patungong Secret.

*****

Samantala.

Habang busy sila busy rin si Don Miguel, kausap nito ang presidente.

"Don Miguel, anong maipaglilingkod ko, bakit kayo napatawag?"

Tanong ng presidente ng bansa.

"Mr. President you owe me an explanation! Sa mga oras na ito may nakatutok na bomba sa Sinag Island ko! Bakit? Anong dahilan?"

"Bomba? Anong bomba?"

"Hindi mo alam? May posibilidad na mawala sa mapa ng Pilipinas ang Sinag Island pero hindi mo alam? Tapatin mo ako, may galit ka ba sa akin?"

"Hindi ko maintidihan Don Miguel, bakit naman ako magagalit sa'yo at anong kinalalaman ko sa mga bombang nakatutok sa Sinag Island?"

"Mr. President, akala mo ba mahina na ako, porket matanda na ako? Alam kong matanda na ako pero malakas pa ako! Ngayon ipaliwanag mo sa akin kung bakit pinaimbestigahan ng isa sa Secretary mo ang isla ko? Ano bang hinahanap nya?"

"Pero hindi ko talaga naintindihan ang sinasabi mo Don Miguel! Sinong Kalihim?"

Hindi mo naintindihan? Pwes ipapaintindi ko sa'yo sa paraang maintindihan mo! Kapag ginalaw nyo ang Sinag Island kalimutan mo na ang future mo dahil sisiguraduhin kong hindi mo matatapos ang termino mo!"

"Teka lang Don Miguel, sino ba sa Kalihim ko ang tinutukoy mo at ano ba ang ginawa nya?"

"Si Secretary Damian, pinaiimbestigahan nya ang isla ko dahil sa taong ipinasok mo!"

"ANO?!"

Kinilabutan ang presidente.